SAM POV
"Okay, sige na at mayroon pa akong gagawin. Pero tomorrow afternoon, if kaya mong mag punta dito ay gawin mo. Basta siguraduhin mo ito ha? Kasi ayaw kong mapahiya sa bago nating boss!"
"Bagong boss?" tanong ko.
"Ay oo, marami na kasing nangyari dito simula noong mawala ka. But we only have limited time today kaya next time na lang tayo mag usap."
"Noted! Sige na babush, beks!"
Pinatayan na n'ya ako ng tawag. Pabalik pa lang ako sa loob ng biglang dumating sa balcony si Carl. Mayroon itong dalang isang glass of wine sa kanyang kamay at naka sando lamang siya at shorts. Talagang sobrang active pa rin n'ya sa gym at namamangha ako sa disiplina nito sa kanyang katawan.
"Would you mind telling me kung sino ang kausap mo? I know it is none of my business pero gusto ko lang sanang malaman."
Maayos naman ang tanong nito sa akin at ayos lang kasi iisang agency lang ang pinanggalingan naming dalawa. At isa pa, kilala niya si Cheska na dating umamin na may gusto sa kanya. Kaya I don't mind answering his polite question.
"Ay, si Cheska ang tumawag sa akin. Sinabi nito na kailangan daw nila ng model at ako kaagad ang tinawagan niya. Siyempre kailangan kong i grab ang opportunity. Ang swerte ko nga kasi trabaho kaagad ang lumapit sa akin. The fact of the matter is, kung nandito ngayon si Robert, sure na sure akong s'ya ang unang tututol sa akin. But wala na kaming dalawa kaya malaya na rin ako na gawin ang gusto ko," mahabang sagot ko.
Dumeretso s'ya sa balcony at isinandal ang mga kamay sa bakal hawakan habang nakatingin sa view sa harapan.
"Good luck sayo! Na mi miss ko na rin kasi ang agency natin, lalo na ang mga kapwa ko mga models. Kaya lang kasi, sobrang selosa ng asawa ko at ayaw na niya akong rumampa ulit lalo na sa harapan ng mga babae. Kaya nag office na lang ako."
"Ganun talaga ang buhay kapag mayroon na tayong partner. Kailangan din nating i consider ang feelings nila. Pero sobrang namamangha ako sayo kasi na maintain mo ang ganyang ganda ng katawan mo kahit na matagal ka na ring wala sa company."
"Oo naman, relationship goal namin ito ng asawa ko at mayroong gym dito sa condo namin kaya hindi ko na kailangang lumayo pa. Ikaw, kung babalik ka sa bilang isang model, mas maganda siguro kung mag balik ka rin sa gym."
Nasaktan ako sa sinabi niyang ito. Nase seksihan pa naman ako sa sarili ko kaya lang ay kabalikaran ang sinabi niya sa akin.
"Grabe ka sa akin, Carl! Seksi pa naman ako ha? Nagjo jogging pa naman ako sa umaga at mayroon pa akong iniinom para mas lalo akong maging seksi."
"Oo nga! Grabe ka makalait sa kaibigan ko," dagdag ni Maricel na may dalang wine. Humigop ito at muling nag salita, "Pero kung gusto ninyo, puwede tayong mag punta ngayon sa gym ng sabay sabay para may bonding tayo. Since tapos na ako sa mga ligpitin dito sa bahay, wala na akong gagawin. Eh gusto ko din sanang igala itong si Sam kasi nakaka stress ang asawa niyang sobrang arte."
"Kayo na lang, pagod kasi talaga ako eh," pag tanggi ni Carl. "I just want to have my wine while looking at this scenery to relax. I had a rough day at matutulog din ako ng maaga."
Halata sa tono ng boses nito na s'ya ay pagod din. Kaya ang ending, kaming dalawa na lang ni Maricel ang nag punta sa gym. Pinahiram niya ako ng kanyang damit at pants. Pati nga towel at tumbler, lahat na lang ay hiram ko lang sa kanya. Habang nag papa pawis kaming dalawa sa treadmill, bigla siyang nagbitaw ng tanong sa akin.
"S'ya nga pala, sino ang kausap mo kanina sa phone? Sure ako na sobrang importante kasi hindi mo na naubos ang kape mo eh."
"Ah, si Cheska lang naman ang tumawag sa atin. Isa s'yang talent Manager at sinabi nito sa akin na nangangailangan siya ng model at bukas ay mag pupunta ako sa agency. Pero dadaanan ko muna ang mga natitirang damit na naiwan ko sa apartment ni Robert. Sa sobrang taranta ko kasi isang maleta lang ang nadala ko. So no choice ako kung di dalhin ang iba ko pang natitirang mga gamit doon. Ang mamahal pa naman ng iba kong mga damit, puro branded lahat!"
"Sis, baka naman kasi kaya ka hiniwalayan ng asawa mo ay dahil na rin sa may ibang babae s'ya at ginawa na lang niyang dahilan na wala kayong anak kasi gusto na niyang mag hanap ng iba?"
"Hindi naman gano'ng klaseng lalaki ang asawa ko. Malakas din naman ang woman's instinct ko pero masasabi ko na never niya akong ipagpapalit sa iba. Sobrang loyal kaya n'ya sa akin, lalo na noong kinasal kaming dalawa."
"Nakow! Duda ako sa sinasabi mo ha? Baka naman mamaya nito ay magaling lang s'yang magtago kaya never mo siyang nahuli. Kasi kung ako ito, dudugo muna ang bibig ng asawa ko para aminin niya sa akin ang totoo. Kilala mo ako, matapang talaga ako lalo na kung alam kong ako ang nasa tama. Gusto mo bang samahan kita sa condo ng asawa mo para mahuli natin ito sa akto?"
"No, kaya ko namang mag isang hakutin ang gamit ko. At ayaw ko namang isipin n'ya na nag hahatak ako ng kakampi. Di ba magka sosyo kayo sa business?"
"Yes, pero investment lang naman ang majority ng meron ako. But since ginawa niya ito sayo, gusto ko lang din sana siyang kausapin. Kaya isama mo na lang ako. I swear, I am not going to cause anymore trouble. I am not stupid enough na mang away ng walang dahilan. Para na rin mayroon kang katulong na kumuha ng mga gamit mo. So let us deal?"
'"Sige na nga," napipilitang sabi ko pa sa kanya. Sabagay, medyo madami pa akong naiwang gamit kaya magandang may kasama narin akong taga bitbit ng mga ito.