SAM POV 8 pm ng gabi, matapos naming kumain ay matutulog na sana ako sa sofa subalit biglang nag salita si Maricel na kakalabas lamang sa cr. "Oh bakit jan ka matutulog, sis? Puwede ka naman sa kama," sabi n'ya pa. "Kilala kita, malikot ka pa naman matulog kaya sure akong mahuhulog ka sa sofa n'yan. Wag kang mahiya, tayong dalawa naman ang magkatabi sa kama." Oo nga, tama s'ya, malikot talaga akong matulog. Puhunan ko pa naman ang katawan ko kaya hindi ako makakapayag na magkaroon ako kahit na isang sugat sa aking katawan. I have to love myself kasi iniwan na ako ni Robert. Iniwan na ako ng lalaking akala ko ay mamahalin ako at aalagaan ako. Humiga na ako sa tabi ni Maricel na ang bango bango. Pero nakatalikod ako sa kanya at nakatagilid ng higa habang nakikinig sa usapan nilang dala

