KABANATA 3

1015 Words
SAM POV I swallow my pride at nag punta muna ako sa kaibigan kong si Maricel na malapit lang dito sa Bonifacio global city. Isa s'ya sa mga taong pinag kakatiwalaan ko pero hindi n'ya pa alam ang tungkol sa pag hihiwalay naming dalawa ni Robert. Ayaw ko pa kasing umuwi ngayon sa bahay namin kasi natitiyak ko na magugulat si mama sa sasabihin ko sa kanya. 20 minutes away lang ang apartment niya kaya it was pretty convenient for me to go here. Dala ang maleta ko, kumatok ako sa kanyang condo na sosyal kasi mayroon pang doorbell. Alam ko na mas mayaman pa siya sa akin, kasosyo n'ya kasi si Robert sa ilang mga negosyo. Pangalawang pindot ko lang sa door knob at nag bukas na ito. And Maricel appeared before me. Nakapambahay lamang siya na damit at wala man lang s'yang suot na nga mga alahas like the last times na nagkakikita kaming dalawa sa mga gatherings. And seeing her like this is just out of an ordinary experience. She looked at me as if she wants to ask something. Tumingin s'ya sa maletang dalawa ko. "Oh anong ka dramahan ito sis?" Pinilit ko s'yang ngitian, "Puwede ba muna akong makituloy dito sa condo mo? Mahabang kwento lang kasi, pero wala na kasi kaming dalawa ng asawa ko. Sobrang biglaan lang din." Nilakihan n'ya ang pag bukas ng pinto ng kanyang apartment, "Oh my gosh! Sige pasok ka!" mahinahong sabi pa nito sa akin. Pumasok na ako sa loob. Ang lamig sa loob kasi dalawang aircon ang bukas, at ilang months na rin noong huli akong naka punta dito. Masasabi ko na maraming nag bago dito sa loob compared sa last time. Mas lalong dumami ang gamit. "Nasaan pala si Carl? Wala siya dito?" tanong ko habang nakatingin ako sa paligid. "May work kasi s'ya eh," sabi n'ya pa nang isara n'ya ang pinto. Hinatak n'ya ako sa kama nito at parehas kaming naupo. "What happened? I thought your relationship is going strong? Kasi mukha naman kayong okay kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama. You two are actually the sweetest couple na nakikita ko, sabi pa nga ng asawa ko ay mangha s'ya sa relasyon ninyong dalawa." "Well, siguro you can say na maayos kaming dalawa sa labas. Pero it is actually opposite kapag kaming dalawa na lang. Our marriage was falling apart one year ago pa. Pero tinatago lang namin ito sa lahat." "But what is the main problem? Baka naman puwede pang gawan ng paraan?" "Robert wants to have kids at nirerespeto ko ito. He gave me a chance para magkaroon ng anak at ngayon pa mismong third year anniversary namin, he surprised me with divorce paper. Sinabi n'ya pa sa akin na isa akong toxic sa relationship naming dalawa." "I just can't believe what I am hearing. Still, sayang ang marriage n'yong dalawa, would you like me to talk to him ba? Kasi sayang ang nabuo ninyong pagsasaama." Inalmahan ko s'ya kaagad, "Hindi na, thank you for your thoughtfulness pero I am doing just fine. Buo na ang desisyon ni Robert, walang doubt sa kaniyang mukha nang sabihin nito sa akin na toxic akong tao. So mahirap naman na ipilit ko pa ang isang bagay kung ako lang ang lalaban di ba?" I tried to sound positive pero talagang nalulungkot lang din ako para sa sarili ko. Sa relasyon naming dalawa ni Robert, ako talaga ang pinaka dehado kasi naniniwala akong mas mahal ko s'ya kesa sa mahal n'ya ako. Suddenly, isang mahigpit na yakap namanang kaagad na binigay nito sa akin. "Hayaan mo s'ya sis, hindi s'ya isang kawalan sa'yo. Mas maganda na sigurong hindi kayo umabot ng 10 more years kasi s'ya ang totoong toxic sa relasyon ninyo. It was not you na may problema kung di siya. Marami pang darating na lalaki para sayo, kaya sana ay wag ka nang malungkot jan." Dama ko ang kanyang pag aalala sa akap nitong mahigpit sa akin. Buti na lang pala at tama ako ng tinakbuhan. "Salamat ha? Baka puwede muna akong mag stay dito ng one week sis? Pramis, aalis din ako kaagad kapag umuwi ako. Sa ngayon kasi ay ayaw ko munang ipaalam sa magulang ko ang nangyari. Bu buwelo muna ako at baka bumalik na lang ako sa pag momodeling para maging maayos ulit ang buhay ko." "Tama ang naisip mo, ganyan dapat ang thinking natin. Hindi porket iniwan tayo ng isang lalaki ay magiging end of the world na sa atin. So I do not see any problem with it. Kakausapin ko lang din si Carl regarding this. Sure naman ako na papayag s'ya kasi kilala ka n'ya at malapit din ang asawa ko sa asawa mo. Or I mean to say, ang ex husband mo," sabi ng kaibigan ko habang magka akap kaming dalawa. Habang nage emote kaming dalawa, mayroon namang biglang kumatok sa pintuan. "Ako na ang mag bubukas ng pinto," sabi ko pa sa kanya matapos ng saglit naming yakapan. "Ah sige, ititimpla lang kita ng kape ha? Or would you like a wine?" "Kahit ano," sagot ko at nag tungo na ako sa napaka gandang pintuan nila. Pagbukas ko ng pintuan, si Carl ang nag appear sa harapan ko. Bumungad sa akin ang napaka bangong perfume nito. Naka polo s'yang kulay asul at ang lakas pa rin ng dating n'ya. Dati rin kasi itong isang model dahil sa tangkad nito at kisigng katawan. Batak na batak pa nga ang kanyang mga muscles at parang puputok na ang kanyang polo sa sobra nitong fitted sakanya. At s'ya pa rin ang may pinaka magandang lips at mga mata sa lahat ng lalaking nakita ko. "Good morning," naka ngiting sabi ko. Siniglahan ko pa ang pag bati ko sa kaniya. Suddenly, nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin. "Long time no see, Sam? Ang tagal nating hindi nagkita ha? Two months ago pa tayong nagka daupang palad sa isang event," sabi n'ya pa habang magka akap kaming dalawa. Medyo nailang ako sa ginawa n'yang ito. I was really caught off guard!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD