“BITAWAN niyo nga ako! Ano ba?!” pagwawala ni Amanda na kinakaladkad siya palabas ng gate! “Umalis ka dito! Hindi ang isang pokpok na katulad mo ang dahilan para mawalan kami ng maayos na trabaho!” singhal ng guard na itinulak itong napaupo sa semento! Impit itong napadaing na tumama ang pang-upo sa semento. Masama ang tingin nito sa mga guard na tumayo at inayos ang sarili. “Hindi ako pokpok! Girlfriend ako ni Radson at pagsisisihan niyo ang ginawa niyong ito sa akin! Dahil sa oras na ako na ang asawa ni Radson, talagang mawawalan kayo ng trabaho dahil tatanggalin ko kayong lahat! Tatandaan ko ang mga pagmumukha niyo at sisiguraduhin na pagsisisihan niyo ang ginawa niyong ito sa akin!” nakadurong singhal ni Amanda sa mga ito. Nagkatinginan pa ang mga ito sabay tawa na nag-apiran at k

