NAGISING si Thalia na tila may kung anong humahalungkat sa kanyang sikmura. Napabalikwas ito sa kama at patakbong nagtungo sa banyo! Tumuloy ito sa sink at doon dumuwal nang dumuwal! Naramdaman naman ito ni Radson kaya sinundan niya ang asawa niyang nasa banyo. Nataranta itong nilapitan si Thalia na makitang sumusuka ito sa lababo! "What's wrong, love?! Bakit sumusuka ka?" bulalas nito na nakalarawan ang takot at pag-aalala sa mga mata! Marahan nitong hinagod-hagod sa likuran si Thalia na patuloy sa pagduwal. Nanghihina na ito at napakaputla na ng kulay ng mukha. Inalalayan naman ito ni Radson. Matapos nitong magsuka ay nagmumug at sepilyo na muna ito. Naghilamos din siya na binasa ang leeg at batok. Hinihingal na napasandal sa asawa nitong nag-aalalang nakaalalay sa kanya. "Pabuhat n

