MABILIS lumipas ang mga araw. Matapos ang kasal nila Radson at Thalia sa Italy, bumalik na rin ang pamilya Parker sa Pilipinas. Naiwan na muna sina Radson at Thalia sa Italy. Hindi kasi maiwan ni Thalia ang mga magulang nila. Si Tristan at Radson na ang nag-adjust para mai-manage pa rin nila ang kanilang kumpanya kahit nasa abroad ang mga ito. Nagwo-work from home ang dalawa para hindi mailayo si Thalia sa kanilang mga magulang. "Are you tired, hubby?" malambing tanong ni Thalia. Halos maghapon na kasing nakababad si Radson sa laptop nito dahil may mga big-time investors sila sa kumpanya. Nagtungo si Thalia sa likuran nito. She gently massage her husband's shoulders. Napangiti naman si Radson na naipikit ang mga mata. "Nakakapagod nga, love. Ang sarap niya'n. Idiin mo pa konti, ple

