MAGKATABING natulog sa kama ang dalawa. Payapa ang isip at puso na magkayakap at nagpatangay sa antok. Kahit walang namagitan sa kanilang dalawa ay napakasaya pa rin ng mga ito–lalo na si Radson dahil napapayag niya si Thalia na bigyan ng pagkakataon ang pagsasama nila na ayusin. Alam niyang hindi pa buo ang tiwala ni Thalia sa kanya. At tiyak na mabilis lang mabasag ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya. Kaya naman nangako siya sa sarili na iingatan ang tiwalang iyon at hindi gagawa ng mga bagay na maaaring ikasira ng tiwala ni Thalia sa kanya. Kinabukasan ay naunang bumangon si Radson at gusto niyang siya ang maghanda ng agahan nilang mag-asawa. Gusto niya rin na ang maamo at magandang mukha ng asawa niya ang unang bubungad sa kanyang paningin. Matamis itong napangiti na pinagmamasdan ang

