MASAYANG naghapunan si Thalia kasama ang pamilya ni Radson. Masaya ito dahil kahit walang pakialam ang asawa niya sa kanya, mainit naman siyang tinanggap ng pamilya nito sa kanilang pamilya. Kasundo ni Thalia ang mga nakababatang kapatid ni Radson at gano'n din ang mga magulang nito. Dahil sa kanila, pakiramdam ni Thalia, may matatawag siyang pangalawang pamilya. Mas dama pa ni Thalia ang mainit na pagtanggap at pagmamahal ng pamilya Parker sa kanya, kaysa sa pamilya Thompson na kinalakihan niya at pinagsisilbihan sa tanang buhay niya. Ni minsan kasi, hindi ipinaramdam ng pamilya Thompson sa kanya na pamilya nila ito. Dahil kahit nga may karamdaman si Thalia, nilalagnat o malala ang ubo, hindi nila ito ipinapasuri sa doctor o kahit ang hayaan itong makapag pahinga nang maayos. “Anak, t

