Chapter 100

1441 Words

PASADO alasdos na ng madaling araw nang makauwi si Radson sa kanilang bahay. Alas-onse pa lang ay umalis na siya sa party pero tumuloy ito sa bar at nagpalipas oras na muna doon. Pagdating nito sa tapat ng gate, kaagad siyang pinagbuksan ng mga guard at binati pa ang amo nila. Tumuloy si Radson sa garahe nila at doon pumarada. Inaantok na rin ito at nahihilo sa mga nainom. Napapahilot ito sa sentido na bumaba ng kotse. Halos papikit na ang kanyang mga mata at nanghihina na rin ang katawan niya. Maghapon siya sa opisina, kaliwa't kanan ang meeting sa mga investor nila dahil hindi lang naman ang kumpanyang nakapangalan sa kanya ang mina-manage nito, kundi buong negosyo nilang pamilya. Pagpasok nito sa kanilang bahay, nangunotnoo ito na mapansing nakabukas pa ang ilaw sa may kusina nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD