NAIILING si Tristan na pinaniningkitan ang bayaw nitong si Radson. Halata kasi sa itsura ni Thalia na pinagod ito ni Radson. Hindi makatayo si Thalia na kitang hinang-hina ito. Pasipol-sipol naman si Radson na inaasikaso ang kanyang asawa. Ilang beses niya kasi itong inangkin kaya nawalan ng lakas si Thalia. "Bakit?" natatawa at painosenteng tanong ni Radson na sinalubong ang mga mata ni Tristan. "Paano natin ibibyahe si Thalia niya'n, hmm? Alam mong may flight tayo ngayon pero inubos mo ang lakas niya?" panenermon ni Tristan ditong napahagikhik. Nasiko ito ni Tristan na napahalakhak. Nahihimbing na kasi si Thalia. Tiyak na mali-late sila sa kanilang flight kapag hindi nila ito gisingin. "Problema ba iyon? E 'di kargahin ko na lang siya. Asawa ko naman e." Sagot ni Radson na nagtaas

