Bridge “Get in the car,” malalim na boses niyang sabi at binuksan ang pintuan nang kanyang kotse. Narinig ko ang pagtawag nang kaniyang mga kaibigan sa kaniya pero hindi man lang niya ito binalingan nang tingin. Parang bingi siya at walang ginaw kundi ang padabog na pagsarado nang pintuan sa kaniyang sasakyan. “Why are you doing this Charles?” mahina kong tanong sa sarili at deretso lang ang tingin sa unahan nang kaniyang sasakyan. Itinukod ko ang kanang siko sa gilid nang bintana at napakagat sa aking hinlalaki. Ginagawa ko ito kapag kinakabahan ako. “I wanted us to talk – “ “Wala na tayong pag-uusapan pa.” “Tangina, marami, Irene! Marami!” Nagulat ako nang bigla siyang magmura at pinagsisipa ang kaniyang sasakyan. Automatikong napatingin ako sa kaniyang gilid habang ginagawa niya i

