Painful Mabilis kong pinahiran ang aking mga luha at napaiwas nang tingin kay Charles. “Good morning!” masaya niyang bati sa akin at yumakap nang makarating ako sa kinaroroonan nila. “Hi!” masigla ko ring bati sa kaniya at tinignan ang kaniyang nanay na nagluluto sa kusina. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanila at tumingin sa mama ni Charles. “Tita Beth…” sambit ko sa kanyang pangalan at nakangiting tumingin sa kaniya. I don’t know why… I just feel glad that they are here. In our house. It feels home again. “Pinilit ako ni Charles na pumunta dito para lutuan ka nang makakain. Ang payat mo na,” komento niya pa sa aking katawan. Hindi ko kayang magtaray sa kanya ngayon. Mas nangingibabaw ang kasiyahan ko. “Napansin niyo po?” tanong ko sa kaniya at nakita si Tita Beth na hindi

