Surprise!
"Wala naman siguro yung parents mo, di ba? It's office hours so I think they aren't home yet. Mga maids lang siguro kaya tara na," hinigit ko ang kanyang braso upang patayuin siya doon sa bench pero mas malakas siya sa'kin. "Nandoon yung Mama ko... si Dad lang ang may trabaho..." Napaiwas siya ng tingin nang banggitin niya ang salitang 'Dad'.
I eyed him suspiciously. Why is he trying so hard not to let me go to their house? May tinatago ba siya sa'kin?
"I think I have another way for your problem. Gusto mong makapasok sa top 5 di ba?"
Nawala bigla ang mga iniisip ko sa kanya nang banggitin niya ang tungkol sa PressCon. "Ano yun?" intriga kong tanong at sumenyas siya sa'kin na yumuko para ibulong ang kanyang suhestiyon.
"Sigurado ka?" nanlalaki ang mata ko matapos ng kanyang sinabi. He nodded and smile. Bigla ay yinakap ko siya na nakaupo sa bench. "Thank you!" maligaya kong sabi.
+ + +
"Mom! Pa! Kasali ako sa top 5 ng school level Press Conference!" maligaya kong bati nang pumasok ako sa loob ng bahay.
"Mom?" tanong ko at napasilip sa pintuan ng kanyang kwarto. Nakita ko silang dalawa ni Papa na nag-aaway at nagsisigawan.
"Lucas, I know how much the child hates the school but that doesn't mean we're going to transfer her again to private school. Wala na tayong pera!" sigaw ni Mommy kay Papa.
"So anong gusto mong gawin ko? Ang pabayaan siya doon sa maduming eskwelahan na iyun? Tinawagan ako ng principal kanina saying Irene was involved to a fight. What was the term again? Sabong? I'm not going to let her study in that kind of environment! It's disgusting!"
"From what I've heard, itong anak mo ang nag-umpisa dahil sa sobrang arte! She should learn how to respect people!"
"No. Siya dapat iyong ire-respeto ng mga tao! I know my daughter. She can earn their respect instantly!"
"This is why lumalaki na yung ulo ni Irene! Kinukunsinti mo kasi kaya ganyan! So anong plano mo? Ang ilipat siya sa dati niyang school? We all know the reason why we transfered her it's because of money! Lucas, wala na tayong pera! Hindi mo ba naiintindihan?"
"I can loan! We have-"
"We are already in so much debt! Dadagdagan mo na naman? Why don't you just let her stay in her current school? Give her some time to adjust!"
Napatigil silang dalawa nang sumigaw ako, "Stop!"
Napapikit ako sa mata dahil sa lakas ng boses ko. Hindi ko inakalang kaya pala nila ako inilipat sa public school dahil wala na kaming pera. I am so insensitive and naive. Bakit ko nga ba pinaniwalaan ang alibi nila na malapit lang ang school na iyun sa bago naming bahay? Pathetic.
"Wag na kayong mag-away please..." bulong ko sa sarili pero alam kong narinig nilang dalawa iyun. Tinignan ko sila, "Bakit hindi niyo sinabi sa'kin na wala na tayong pera?" tanong ko.
Mom answered, "Get out. This is none of your business."
"Of course yes! This is my business, Mom! Ako yung pinag-uusapan niyo ni Papa kanina lang."
"Honey please... problema na namin 'to nang Papa mo..."
"So anong gagawin niyo?"
"That's why I need to talk this matter to your father. Go to sleep now. Aren't you tired of school?" tanong ni Mommy sa'kin pero hindi ko ito pinansin.
Napabaling ang tingin ko kay Papa, "Anong gagawin mo, Pa? Itutuloy niyo talagang pag-aaralin ako sa school na iyon? Gagawin niyo talaga iyon sa anak mo?" madamdamin kong tanong sa kanya.
Nakita kong nanlambot ang paningin nilang dalawa sa'kin, "I... am really trying... my very, very, best to adjust with the environment but... I just can't." Nagsimula akong umiyak sa harapan nila.
I continued, "I tried to make friends with my classmates but they just ignore me. I tried to gain their respect by doing good deeds but they mock me in return. Nakipag-usap lang ako sa mga schoolmates ko, sinabihan agad ako ma gusto nila akong tadyakan dahil ang arte ko raw. I mean, what's wrong being maarte nowadays? It's natural because I'm born from a wealthy family." Humagulhol na ako sa kanilang harapan at nagpatuloy, "Then... I... didn't know the next thing comes worse... ginawa nila akong... what do you call that? Manok? Balato? God! Bente pesos nga lang yung halaga ko daw! They indulge me to a chicken fight with a low class girl! I was very ashamed! I lost my face and dignity!" sigaw ko na sa kanila at nag-walk out.
Bago ko pa naisirado ang pintuan ng kwarto ay narinig ko si Mommy, "She's just acting. Both of us know that."
Inis kong isinirado ang pintuan ng kwarto at nagpapadyak sa inis. "Ugh! Muntik na sana yun, eh. If they're out of money, marami namang paraan like mangutang or they can borrow money from our relatives," I said and wipe out my fake tears on my face.
Kinaumagahan, masaya akong pumasok sa school for the first time. I don't know why I feel ecstatic today. Maybe because of what happened yesterday, may will na akong pumasok dahil sa sinabing plano ni Charles.
"Okay na?" bulong ko sa kanya nang lumabas siya galing sa Principal's office. He winked at me and gave an okay sign. Tinanong ko siya, "Kailan kayo aalis?"
"Hmm... next week na yung jamboree namin. Baka next week na din yung simula ng training niyo. Good luck."
We part way to each other after that. His plan was to remove himself from the list of top 5 because he's a boyscout. May jamboree sila sa araw ng division level contest kaya hindi siya makakasali kaya vacant na yung position niya. So a while ago, he asked the principal to replace his position for me. Kaya kasali na ako sa next level ng PressCon and I'm so happy about that.
Maybe because I am so grateful of what he did that's why I planned to surprise him in their house this weekend.