Chapter 4

2561 Words
Sabong sa Eskwelahan Napatingin din sa gawi si Papa sa itinuro ko at pumunta doon. Nag-usap sila sandali sa guwardiya, iyong nagdala sa lalaki na muntik na akong gahasain. Hindi ako natinag at pupuntahan sana para makinig sa usapan subalit may humarang sa'kin. "Tabi," ma-awtoridad kong sabi kay Charles. "Ayoko. Anong gagawin mo?" "This is none of your business." "Una pa lang, kasali na ako dito. It's cold here. Pasok ka na," he said and nodded to our entrance. I smirked at him, "Tatabi ka o sasabihin ko kay Papa na ipapadakip ka rin? Baka nakalimutan mong kung hindi mo ako dinala sa lugar na iyon, hindi sana mangyayari to." Hindi ko akalaing matigas din pala ang isang to dahil nginisihan din niya ako, "I was just offering you a ride. Malay ko bang ganyan ka karupok at agad kang umangkas sa'kin?" Nanliit ang mata ko at unti-unting humakbang palapit sa kanya, "Don't be feeling special, hon. Kahit sinong lalaki ang mag-aaya sa'kin sa mga oras na iyon ay sasakay at sasakay talaga ako. So stop dreaming as if what you did was worth it to me." After saying those words in front of his face, I immediately pushed his chest and went to the construction worker. Nakita ko ang isang may edad na babae na nakaluhod sa harapan ni Papa. As what I've observed, mukhang asawa ito ng construction worker. I rolled my eyes. Is she begging for mercy because of his husband's wrong doing? Kung alam mo lang kung paano humarot iyang asawa mo. Mabilis akong naglakad papunta doon para mas lalong mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan. "Ako na po ang nakikiusap sa inyo, Sir. Pagpasensiyahan niyo na po ang asawa ko. Nagkatuwaan lamang po sila ng kanyang magbabarkada galing inuman at nakasalubong ang iyong anak. Sana po pakawalan niyo siya. Ako na po ang humihing-" Pinutol siya agad ni Papa at ipinatayo, "Misis, ikaw ba ay may mga anak na?" tanong ni Papa sa kanya. "Opo. Tatlo," sagot nito na may pagtataka sa mukha. Tinignan ni Papa iyong lalaki, "Saan ka nagta-trabaho?" "Diyan sa may construction site," aniya. "Mahirap ba?" "Hindi naman. Nasanay na kami sa init habang nagmamasa ng semento o di kaya'y nagpa-panday ng bahay." Napangiti si Papa bigla at may isinenyas sa aming kasambahay. Nagtataka kong tinignan ang isang wallet na ibinigay kay Papa. What? He will give them money instead of punishing that criminal? Ugh! This ain't happening, right? "Sir, yung anak ko po may asthma. Wala na din po kaming bigas na makaka-kain ngayon. Sino na lang po ang tutustos sa pang-araw araw na gastusin kung wala yung asawa ko?" sabat pa ng asawa. D to the U to the H! Duh, paawa effect pa ang isang to dahil may binunot si Papa na pera sa kanyang pitaka. "Magkano ba yung pambili ng gatas?" tanong ni Papa sa babae pero ibinigay niya na yung isang daang libong piso. "Maraming salamat po, Sir! Ang bait niyo po! Sana pagpalain ka ng Diyos!" My father smiled and turned to the construction worker. "Gusto mo bang hindi na magbabad sa gitna ng init para kumita ng pera?" tanong ni Papa sa lalaki. Mabuti na lang at napigilan kong magpadyak dito dahil sa inis. My father is too kind! Just by that? Konting paawa effect lang ng babae sa kanya ay bumigay na siya? "Simple lang, mabulok ka sa kulungan." My head suddenly jerked upward when I heard his voice. Nakita ko ulit ang galit sa mga mata ni Papa na nakatingin sa lalaking halos hindi na maipinta ang mukha. The woman was tongue-tied and froze on her feet. Immediately, my father summoned the authority to handle the rest of the matter and went straight to the entrance of our house. A victory smile was plastered on my face after that. Oh c'mon, saan nga ba ako nagmana? Edi sa mga magulang ko, syempre. Binigyan ko ng ngisi ang babae na ngayon ay kinakausap na ng mga awtoridad upang ipaalam sa kanya na kinakailangan nilang dalhin sa presinto ang kanyang asawa. "Masaya ka na? Masaya kang nakikitang nasasaktan ang mga tao?" a voice thundered in my ears at the back. I turned around and saw Charles's gloomy face. Pouting my lips, I said, "So? May magagawa ka ba? You're just an intruder from that poor village. Connections. Kapag wala ka niyan, talo ka." Napaiwas siya ng tingin sa'kin at nakita kong kumuyom ang kanyang panga. "Oh by the way, I forgot to introduce my name. I'm Irene Espiñosa, village boy." I held out my hand but he just smirked at it. "I know your name. I also know your personality... your nasty attitude... I know where you live. I know why you were crying out loud before things got messed up. I know why you're happy right now." Smiling widely, I clasp my hands and asked, "Whoa. That's amazing." He must know the sarcasm in my voice. Hindi ko alam kung bakit naging masigla ako ngayon matapos nakitang nadakip ang lalaking nagtangkang mang-rape sa'kin. "You shouldn't have overreacted. You can just let the man apologize to you then let it go. Mayayaman kasi, masyadong maaarte. Basta may pera at connections na sinasabi mo, makukuha talaga kung anong gustong mangyari." I tilted my head, thinking, and says, "Hmmm, you can't relate naman kasi because you're from that poor village. You'll never know the feeling of being rich-ass kid. Ba-bye!" Tinalikuran ko siya agad para matapos na ang pag-uusap namin. "Mom? Halika na," masaya kong sabi at kinuha ang kamay ni Mommy na nag-aabang sa'kin sa labas. "How about your friend? Delikadong umuwi lalo na't wala pang masyadong ilaw sa daan," aniya. "Tita..." Kumulo agad ang dugo ko nang sambitin niya ang salitang 'Tita' sa Mommy ko. Hindi lang feeling special, feeling close din!"Pwede pong magpahatid? Doon po ako nakatira." Itinuro niya ang isang malaking bahay sa kabilang daan malayo sa'min. Their house is full of lights kaya makikita mo talaga ang laki nito. No, don't tell me nagkamali akong nakatira siya sa isang pobreng sikyu... "My mom's probably waiting for me... " He said in a most accented way na para bang sinasabi niya sa'king mas mayaman sila kaysa sa amin.  Nagtitigan kami ni Charles at hindi ako manhid para hindi maramdaman ang inis niya sa'kin. At last, I gave him my jaw-dropping smile. So he came from a rich family too, huh? I wonder what are his parents job, mukhang magkakasundo kami nito.  "Get the damned car, right away! Mom, ihatid po natin si Charles. Baka mapano siya sa pagbi-bisekleta gaya nang dati." Naalala ko pa kung paano siya humingi ng tulong sa'kin noon nang matumba ang kanyang bisekleta. If I can rewind the time, I will surely help him!  Dumaan ang ilang araw at nag-umpisa na ang klase. Kahit na nandidiri talaga akong pumasok sa public school na ito na malapit lang sa'min, wala akong magawa kundi ang pumasok. My mother even suggested that I can walk from our house to our school. Gaya ng sabi ko, super lapit lang kasi ng bagong school ko. But I reminded her what happened before, iyong muntik na akong magahasa so she got nothing more to say.  Hindi ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga kaklase ko kasi feeling ko ang dirty dirty nila. Seryoso, their shoes and bags, uniforms, can't they be neat and clean? May nakita pa akong kaklase na tumulo yung sipon sa desk! Ugh! If I could erase the scenario in my head, pero hindi ko magawa.  Araw-araw ay maasim lang ang mukha ko kaya siguro wala masyadong kumaibigan sa'kin. Mabuti na lang uso ang social medias ngayon kaya hindi ganoon ka-boring ang pamamalagi ko dito sa school.  Jhermaine:  Oh shocks, sureness na ba talaga yan Irene? Dyan ka na talaga mag-aaral? Me: Yes ghorl. I don't think I can manage the first semester.  Jhermaine: Good luck beh. Ipagpe-pray na lang kita. May gwapo ba?  Inside of my head, I rolled my eyes. Tinatanong pa ba yan? Walang gwapo dito no, mga mukhang adik siguro, meron.  I gulped my bottle of vita milk and sighed. Nandito ako ngayon sa cafeteria, or karinderya whatsoever na tawag nila. Basta cafeteria para sa'kin dahil nasanay na ako sa previous school ko. I was waiting for the results of our Press Conference Contest happened a while ago.  Alam ko namang makakapasok ako sa sinalihan kong News Writing under Filipino category pero hindi ko maiwasang kabahan. Syempre, maraming estudyante sa public, marami ding sumali unlike sa private na konti lang ang mga estudyante at mas malaki ang tsansa na manalo. Nevertheless, I trust my capabilities.  Speaking of gwapo, I think may nahagilap ang mata ko sa may bandang gilid malapit sa water dispenser. I just saw his back, but I know he's hot and handsome.  Really? Binabayaran pa talaga yung tubig? Libre lang yan sa'min, e. Well, sa dati kong school yun. Anyway, hindi muna ako nag-reply kay Jhermaine at tumitig lamang sa gwapong likod ng lalaki. I saw him drinking water inside the small plastic bag.  Maybe he felt my intent gaze so he jerked his head towards mine, leaving me in aweful breathe. Motherfuck, that was Charles?  Nanliit ang kanyang mata nang makita ako na parang hindi din makapaniwala kung bakit ako nandito. Wait, he's wearing the usual male uniform in this school so it means... nag-aaral siya dito?  I gulped and looked away. Why do I feel like he slapped me from the reality? Ugh! Makaalis na nga dito.  Sumabay ako sa mga tumatakbong estudyante papunta sa bulletin board. Dito siguro ipi-no-post ang mga winners ng contest.  "Tabi." I said in authority while crossing my hands at my chest. Shocked, walang nakinig sa'kin at tinabig pa ako ng mga tao! Aba! "Tabi nga sabe," nilakasan ko ang boses para marinig nila pero ampota, nasiko pa ang dede ko dahil sa siksikan. "Aray!" bulong ko sa sarili at napakagat sa labi.  "Ano ba! Hindi niyo ba ako narinig? Sabi ko, tumabi kayo! Padaanin niyo ang reyna!" mas malakas na sigaw ko. Mukhang effective iyon dahil halos tignan ako ng lahat. After that, they began to bark a laughter. Yung ibang mga lalaki, sumipol pa at pinasadahan ako ng tingin.  Muntikan na akong maiyak  dahil sa nangyari nang biglang may humigit sa braso ko at pinatabi ang mga tao. "Excuse me po, pwede padaan? Saglit lang namin titignan ang results." A familiar voice said while dragging me in the middle of the crowd.  Hindi ko akalaing napasunod niya ang mga tao, narinig ko pa ang bungisngisan ng mga girls sa gilid habang nakatingin kay Charles, pero napapairap naman pag nakita ako. Tch, come here bitches and let me slap you 360° hard.  But I know my limits, bago lang ako dito, and I don't want to make such an impression. Binawi ko kaagad ang kamay galing kay Charles nang makarating kami sa unahan. "Hindi mo na sana ginawa iyun," sabi ko na hindi makatingin sa kanya.  Hindi niya ako sinagot at tinignan na lamang ang resulta sa harapan. Napabuntung-hininga ako at tumingin na lang din sa harapan upang makita ang results.  News Writing ( Filipino ) 1. Espinosa, Lyds Q. 2. Ocampo, Soren M. 3. Savedra, Charles P.  4. Gomez, Cristel Annie C.  5. Alcantara, Kylie Venice Z.  Nanlumo ako nang makitang wala ang pangalan ko sa list of winners. Motherfuck. This ain't happening, right? Ano na lang ang sasabihin ko kay Mommy? Kay Papa? I was beaten by the students of public school? Hell no! My pride won't accept that!  "What... " bulong ko sa sarili at tinignan ulit ito, nagba-baka-sakali na nagkamali lang ako pero ganoon pa rin. Walang nagbago sa listahan ng mga pangalan, unless kung may magca-crash-out do'n at palitan ang pangalan.  "Sinong naglagay nito?" walang hiyang sigaw ko at itinuro ang mga papel na nakapaskil.  "Hoy inggetera! Bakit mo natanong? Ah, dahil ba hindi ka nanalo?" tukso ng babaeng hindi ko kilala sa'kin. Napasulyap ako sa kanyang mga alipores na minamasahe ang kanyang likod, like they were preparing her for a boxing match.  "Ano? Ano, huh? Sagot! Kanina ko pa gustong tadyakan 'tong babaeng to, eh, maka-asta parang pagmamay-ari niya ang eskwelahan," dagdag pa nito at naghiyawan ang mga taong nasa gilid niya. Nahati sa dalawa ang daan at nagsimulang magbato ng pera ang iba, sa akin at sa babaeng nasa harapan ko. It's like we're some kind of sabong sa manok, at hindi ako makapaniwala na ako iyong pula, sabi no'ng isa.  Motherfuck. I didn't even signed up for this! May ganito pala? Mommy, help me! O my freaking God, I'm doomed. But when I turned my back at them, parang sinasabi lang nito na talo ako sa laban, at hindi ako makakapayag doon.  The girl turned her fists into balls, ready to attack me. I just stand there, confidently, but I know the inner part of me wanted to run away, but I just can't because my legs were already wobbly.  "Hee-yah!" sigaw ng babae at aakmang tatadyakan ako pero mabuti na lang at mabilis akong nakailag . I was doing the defense while she's doing the offense. I really need to learn martial arts after this.  "Ano ba 'yan, amboring." "Akala ko malakas tong pula, eh, puro ilag lang naman pala." "Magkano ipinusta mo, bro?" "Bente pesos! Sa pula! Kaso mukhang matatalo."  Ampota, bente pesos? Bente pesos lang?! Mukha ba akong bente pesos lang ang halaga? Isa pa ngang ampota. Kapag talaga nabuhay ako pagkatapos nito, ipapa-expell ko ang dalawang iyon!  Halos maligo na ako sa sariling pawis dahil sa ginawang pag-ilag. Isama mo pa ang nakakabinging kantyaw ng mga estudyante para sa kanilang manok. Nang mahagip ng mata ko si Charles na seryoso lang na nagmamasid sa laban ay nabuhayan ako ng loob.  "Charles, baka naman sabihan mo sila... gaya... kanina... na... ihinto... " Hindi ko natapos ang sasabihin dahil binigyan niya ako ng ngisi. f**k you, motherfucker. I mouthed. But the mf just widen his grin at me and cheered like what the crowd did.  "Oy! Pula! Pula! Pula! Akin na pera... " narinig kong sigaw niya at kinuha ang mga balato ng estudyante. He did it purposely in front of me.  "Ano na? Kaya pa? Wala kang ginawa kung hindi ang umilag sa'kin! Weak pala to, eh, akala ko warfreak sa labanan. Halika dito, baby girl... tapusin na natin ang laban. Mukhang pagod ka na," sabi ng kalaban ko, nanghahamon.  Just one hit, right? Isa lang... tapos na ang kahibangan na 'to.  Humakbang ako nang dahan dahan patungo sa kanya na parang tuta. Nang makarating sa kanyang harapan, naghihintay sa kanyang suntok, ipinikit ko ang aking mga mata.  Just one hit, hindi naman siguro mawawasak ang pagmumukha ko di ba? Well, uso din naman ngayon ang plastic surgery so might as use my family's wealth.  "That's enough," a cold and baritone voice thundered in my ears and I didn't feel the punch on my face. Pagmulat ko, nakita ko si Charles na pumapagitna sa amin habang nakahawak sa braso ng babaeng kalaban ko.  "C-Charles? Anong g-ginagawa m-mo?" nauutal na tanong ng babae sa kanya at hindi ko alam kung nasa matinong pag-iisip ba ako para sabihing kinikilig siya habang nakatingin kay Charles.  Ampota, akala ko tomboy 'to, yun pala hindi. Tch. Nagsalita muli si Charles at binigyan siya ng malaglag panting ngiti, "You did a good fight, Leng-Leng. That's enough."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD