Ang pulang diyamante

1025 Words
Ang pulang diyamante ay ang diyamante na iniingatan sa Tarsis, sa pangangalaga ni Khendro. Tanging ang itinakdang Propeta ang may karapat-dapat na humawak nito. Ngunit ang propeta ay nasa mundo pa ng mga tao. At ang halimaw na impakto na si Patros ay nais na ito ay nakawin, ngunit alam niyang tiyak na siya ay mapapahamak, dahil ang Tarsis ay Dako ng mga Immortal, hindi siya magtatagumpay kung sakaling siya ay pupunta Doon. Sa tarangkahan pa lang ay mga babaeng Immortal na nagbabantay at nagmamasid. At yun ay isang napakahirap lampasan ang pagsubok na iyon, Sa paligid ng Tarsis ay may mga Immortal na nagbabantay.At walang nilikha na makakarating Doon nang walang pahintulot ni Khendro. Minsan si Patros ay kinausap ang isang kapwa niya halimaw. "Alipin, may nabalitaan ka ba tungkol sa pulang diyamante, Ano kaya ang lihim nitong diyamante na ito?",Sambit nito. "Aming Hari, ito ay nasa Tarsis pa rin, mahirap tumungo Doon sapagkat si Khendro ay tunay na Makapangyarihang Immortal, at may mga Immortal na nakapaligid sa Tarsis.",Saad ng halimaw. "Kung ganun,anong paraan upang makuha natin ang diyamante?",Tugon nito. "Maghanap tayo ng kakampi na diwata upang makuha ito.At kailangang kumuha tayo ng maraming ginto bilang pabuya.",Saad ng halimaw. At may mga diwata na nagmamasid sa usapan nila, "Nakita mo ang usapan ng mga sumpakna, nais nilang kunin ang pulang diyamante. ",Saad ni Janissa. "Hindi nila makukuha ang diyamante, dahil ang Tarsis ay isang Makalangit na kaharian na may mga Immortal na espiritu na nagbabantay.Sa tarangkahan pa lang mamamatay na ang sinumang may nais na gawing masama sa loob ng Tarsis.",Tugon ni Heavena. At si Patros ay tunay na nagsisikap kunin ang pulang diyamante ,kaya siya ay nagsugo ng kampon upang maghanap ng diwata na magpapanggap na taga tarsis upang ipuslit ang diyamante. At ang kampon ay sumunod sa kanya. Ang tatlong sumpakna ay umalis dala ang mga espada at sibat, upang maghanap ng diwata na magpapanggap na mamamayan ng Tarsis, dala nila ang tatlong toneladang ginto bilang pabuya. At nakita nila ang isang diwata na nakaupo, "Ikaw, may pakay kami sayo, sundin mo kami kung hindi, papatayin ka namin, ito tatlong toneladang ginto, kapalit nang pagpapanggap na diwani ng Tarsis.",Saad ng sumpakna. "Mga nilalang,hindi ko kayo kilala at bakit inuutusan niyo ako? "Ang nais namin ay magpanggap Kang isa Kang diwani sa Kaharian ng Tarsis at kunin ang pulang diyamante, ito binabayaran ka namin ng tatlong toneladang ginto sundin mo lang kami.",Saad ng isang sumpakna. "Mahirap yang pinapagawa niyo,ngunit dahil sa tatlong toneladang ginto,Ako'y aayon sa nais niyo. Ngunit bigyan niyo ako ng proteksyon sapagkat ang Tarsis ay isang mapanganib na kaharian sa Gaya ko na isang ordinaryong nilalang.",Tugon nito. "Sumama ka sa amin, at bigyan ka namin ng mga kawal.",Saad ng sumpakna. At sumunod ang diwata. "Ito may dalawandaang kawal, mapoprotektahan ka nila,Humayo na kayo.",Saad nito. At tumungo na sila sa lagusan papuntang Tarsis.Itinuro ito Doon ng diwatang bantay. "Narito na tayo, sulong na nilalang at kami ay magbabantay dito, at kapag alanganin ang lagay mo,susugod kami.",Sambit ng pinuno ng mga kawal. At naglakad patungong pintuang haliging bakal ang diwata. At sa harap niya ay may mga bantay na mga Immortal. "Ano ang pakay mo?Hindi maaaring pumasok ang sinuman na walang basbas Mula sa mga tagapagmasid na diwata, Magpakita ka nang liham Mula sa kahit na sinong tagapagmasid na diwata.At ikaw ay maaaring pumasok.",Tanong nang isang babaeng Immortal na kawal. "Mula ako sa Kaharian ng Elgarod, Sinugo ako ni Minerva.",Tugon ng diwata. "May liham ka ba Mula sa kanya?",Tanong ng kawal ng Tarsis. "Wala,pero totoo sinasabi ko,Ako'y Mula sa Elgarod. ",Saad ng diwata. "Hindi kami naniniwala sa Salita,kung may liham ka,maaari kang tumuloy,kung wala,maaari ka nang umalis.",Tugon ng mga kawal. At dahil nahirapan ang diwata, naisip niyang ilabas ang punyal niya.At gusto niyang patayin ang mga kawal.Aktong isasaksak niya,ngunit siya ay sinuntok ng isang kawal, kaya siya ay natumba.At bumangon ito,at sinaksak ang kawal, ngunit ang kawal ay hindi tinablan ,kaya yung isang kawal ay sinaksak ang diwata sa dibdib. At nakita ng mga hukbo na kasama ng diwata na nasa alanganin siya, Kaya sila ay sumugod.Ngunit nakita nang mga bantay na kawal ng Tarsis ang paparating na panganib.At sila ay sumugod,nagsagupaan ang dalawang puwersa, at napatay yung mga pinadalang hukbo ni Patros.At lahat sila ay napatay. At lumabas ang isang Bathaluman na si Edda. "Anong nangyari at nagkagulo dito?",Tanong nito. "Mahal na Ave Edda,may gustong manggulo Mula sa mga kalaban ng Tarsis ,kaya kami ay lumaban.",Saad ng isang kawal. At si Patros ay nasa kanyang trono na naghihintay sa pag-aakalang nagtagumpay ang kanyang hukbo. "Siguradong mapapasaakin na ang pulang diyamante, at gagamitin ko upang puksain ang mga diwata at mga nilalang dito sa Emmerandia.",Sambit nito habang tumatawang pahagakhak. Ngunit lumipas ang ilang buwan at siya ay nagtaka bakit walang bumalik na hukbo Mula sa Tarsis. "At anong nangyari at wala akong balita sa hukbong aking pinadala.Saan na sila, ilang buwan na ang lumipas.",Saad nito. Sa gilid niya ay naroon ang pari niyang tagapayo. "Kamahalang Hari, sa palagay ko ay baka napaglalangan ka ng mga sinugo mo, baka sila ang gumamit sa diyamante. ",Saad nito. Hindi nila namalayan na sa Magartha ay nakita nila Heavena at Janissa ang usapan nila. "Nabigo si Patros dahil kulang siya sa kaalaman at kakayahan na basta na lang sasalakayin ang Tarsis.",Saad ni Heavena habang nagmamasid sa bilog na salamin. "Bakit hindi natin iparating sa kanya ang kalunos lunos na kabiguan ng kanyang hukbo.",Tugon ni Janissa. "Oo nga, isang kahihiyan yun sa kanya.",Saad ni Heavena habang iwinasiwas sa salamin ang kanyang kamay. At Mula sa salamin ay nakita nila si Patros na nakaupo sa trono.At si Patros ay napatingin sa isang balintuna, nakita niya sina Janissa at Heavena. "Ang mga diwata, At anong dahilan bakit nagpakita kayo sa akin. ",Saad ni Patros. Napangiti si Janissa na may pangiinsulto. "Isang masamang balita Patros, ang iyong hukbo at ang binabayaran mong diwata na nais pumunta sa bulwagan ng Tarsis ay napatay.Kaya huwag Kang magdiwang, kulang ka sa kakayahan para nakawin Ang diyamanteng pula.",Tugon ni Janissa. At nagpuyos sa galit si Patros. "Anong nangyari, sayang ang mga gintong pinabuya ko.Magbabayad kayo mga diwata,Lalo Ka na Khendro.",galit na Saad ni Patros.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD