ASH "Eira" Napamulat ako ng may boses akong narinig mula sa likod ko. Nilingon ko iyon ngunit wala naman akong nakitang tao. Asan ba ako? Ano bang nangyari? Patay na ba ako? Pero bakit madilim?? Wag mong sabihing sa hell ako napunta? Wag naman sana. "Eira" ano ba! Sino ba yun?! Saka ba't Eira ang tawag nya sakin?! Di ako sanay ng tinatawag sa Pangalan na yan. Inis kong inilibot ang paningin ko ngunit isang malakas na hampas lang ng hangin ang naramdaman kong humampas sa balat ko. Dahilan para mapalingon ako sa braso ko at nagulat ako ng mapagtanto ko kung anong suot ko ngayon. A vintage white gown. Masyado syang revealing, nakikita ang cleavage ko. Nagulat ako ng magbago ang paligid ko natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Iba ang buhok ko, maiksi at kulay gin

