A Newfound Hell NAPAILING na lumabas ng interrogation room si Galeon habang hawak-hawak ang folder at laptop nito. “Lahat ba ng empleyado ay na-interrogate na?” bungad nito kina Beverly na nasa kabilang silid kung saan nila napapanood ang nagaganap na interrogation kanina. “Iyong iba ay na-interrogate na sa opisina nila maliban na lang sa mga nag-resign na. But as far as I know Darui and the others are searching for them. Nakausap naman na raw nila ang iba maliban sa isa…” muling napatingin si Beverly sa folders kung nasaan ang mga profiles ng empleyadong ka-trabaho ng kanilang iniembestigahan. “This one,” pinakita niya ang isang profile kay Galeon. “Ivan Flores, a finance staff…” binasa nito ang pangalan sa itaas. “Pero sa ayon sa information na binigay ng Missing Persons Divis

