“No matter how dark our path is, you’ll still a dim light along the way…” *** Risk it All NAGISING si Eryn dahil sa mga boses ng lalaking hindi naman pamilyar sa kanya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang tatlong lalaking nakapalibot sa kanya. Ang dalawa ay natatawanan at ang isa naman ay seryosong nakatitig lang sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niyang nakatali ang mga kamay niya’t naka-tape ang bibig niya. Nagpumiglas siya at sumigaw. “You better start doing it, if you’re going to do it,” walang ganang saad no’ng isa at naglakad patungo sa mesa at doon sumandal. Napatingin si Eryn sa dalawang lalaking lumapit sa kanya at hinaplos siya sa kanyang tenga. Nangilid ang mga luha ni Eryn nang maramdaman niya ang paghaplos ng isang lalaki sa kanyang h

