Kabanata 10

2130 Words
“GOOD morning, gorgeous! Are you ready to have fun today?” Kagigising ko lang nang umagang ‘yon. Saktong naabutan ko na nagri-ring ang cellphone sa video call ni Margaux. I accepted the call, at bumungad sa akin ang bagong paligo niyang imahe. The white towel is wrapped around her slender body. May ilang butil pa ng tubig sa leeg at mga balikat niya. Tinutuyo naman niya ng isa pang tuwalya ang mahabang buhok habang nakaharap sa camera. I narrowed my eyes at the screen. “Stop staring, Ivan. I can see that you’re still on bed. Bumangon ka na dahil maya-maya lang ay nandiyan na ako.” It’s Saturday. May usapan kaming aalis ngayong araw. Ililibot daw ako ni Margaux sa ilang sikat na tourist spot sa siyudad. Ang totoo ay hindi ko kailangan ng kasama para pasyalan ang lugar. In the first place, hindi ako nagpunta sa Cebu para mamasyal. Pero dahil nag-offer si Margaux ay hindi na ako tumanggi. Sigurado naman akong mag-e-enjoy ako na kasama siya. “What’s under the towel?” pilyong tanong ko. As expected, imbes na magalit ay tila kinilig pa siya. I knew it. Isang linggo na mula nang makilala ko si Margaux. First meeting pa lang, hindi na nakaligtas sa’kin ang makahulugang tingin niya. Regardless of having a boyfriend, obvious din ang pakikipag-flirt niya sa'kin kagaya ng yaya ni Wesley. "Can you show me? Pampagising lang." Natawa si Margaux. “Uh-uh! You’re not allowed to see them, sorry!” sagot niya na kasalungat naman ng body language. I smirked. Sinong niloloko niya? Sinadya niyang magpakita sa’kin sa gano’ng ayos tapos bawal? “Fine. I'll just imagine what's beneath. Anyway, I’m getting up now. See you in a bit!” “All right. See you!” I saw her throw me a flying kiss before I ended the conversation. Nakangisi pa ako nang umahon sa kama at tumungo ng banyo upang mag-shower. Sa isip ko ay siguradong hindi ako mahihirapan kay Margaux. I can’t believe how easy these women are. Magkakaiba lang ng paraan sa pagtago ng nararamdaman, pero pare-parehong madaling makuha. “Dad’s asking about you. Hindi mo ba siya tinatawagan?” “We’re able to speak last week. Tell him I’m fine. Nothing to worry about.” Katatapos ko lang maligo at namimili na ng isusuot habang kausap sa kabilang linya si Genesis. “Kumusta ang pamilya ng tatay mo?” tanong ng pinsan ko. “Perfect. The father works hard and spoils his kids and wife. All in all, they’re happy and contented. Iba talaga kapag kumpleto ang mga miyembro ng pamilya.” “You belong to that family, Ivan. Mga kapatid mo sila at tatay mo rin ang tatay nila.” “Tatay ko ang tatay nila Andy, pero hindi ako kabilang sa pamilya nila. I’m a Napoleon.” “Of course. Pero hindi mo ba naisip minsan na magpakilala sa tatay mo? Malay mo, tanggapin ka niya.” “No way, Gene! He will never do that. Hindi mo kilala si Williard.” “Bakit mo nasabi? Kilalang-kilala mo na ba siya?” “I don’t have to dig deeper to know more of him. Sapat nang alam kong kinawawa niya si Mommy at tinira niya patalikod si Daddy. I'm sure, itatanggi niya ako. Hindi siya aamin ng sariling kasalanan sa asawa at mga anak niya. Gano'ng klaseng tao si Williard Gallano. And I hate him even more everytime I see him doing everything for her family. Nagpapanggap na isang mabuti at responsableng ama.” “But what if hindi mo pala tatay si Williard Gallano? Galit na galit ka sa kaniya, pero paano kung nagkamali pala si Tita Monica?” Nagsalubong ang mga kilay ko. “What do you mean by that? Malinaw sa paternity test na hindi kami magkadugo ni Daddy. Sinasabi mo bang bukod kay Williard pwedeng may iba pang lalake ang nanay ko?” “Heck, Ivan, hindi gano’n ang ibig kong sabihin, okay? Actually… I just want to suggest that you conduct-” “What? A DNA test? What for?” “Para makasigurado ka lang na ang taong kinasusuklaman mo ay siya ngang tatay mo na malaki ang atraso sa mga magulang mo at sa’yo.” Hindi ko inintindi ang suggestion ni Genesis. Walang rason para magdududa ako sa sinabi noon ni Mommy. Isa pa, kung magpapa-DNA test ay kakailanganin ko ng sample galing kay Williard. Malaking abala ‘yon na dapat ko pang pagplanuhan at sa bandang huli naman ay wala ring saysay dahil siguradong isa lang ang lalabas na resulta. Pagkabihis ay bumaba na rin agad ako. Lahat sila ay nasa komedor na at ako na lang pala ang hinihintay. “Good morning!” “Good morning, Kuya Idol!” Magiliw ang pagbati sa’kin nina Williard, Tita Marcella at Wesley habang si Andy ay nanatiling nakayuko sa pinggan. Ilang araw na rin siyang ganito sa tuwing magkakasalubong kami. It’s obvious that she’s avoiding me. Nagpapanggap na hindi ako nakikita. “It’s weekend! Ano ang gusto n’yong gawin?” masayang tanong ni Williard na nagpa-excite agad sa bunsong anak nito. “Basketball! Maglalaro ulit kami ni Kuya Idol!” I gave Wesley a sympathetic look. “Sorry, Wes. Gustuhin ko mang makipaglaro sa'yo, aalis ako ngayon. Can we just do it tomorrow?” “Sige, Kuya! Basta sinabi mo bukas, ha?” “Sure!” I smiled. Mabuti naman at madaling kausap ang batang ito. Sinulyapan ko si Andy na nagsisimula nang kumain, pero tahimik pa rin. “Aalis ka, Ivan? Saan ka pupunta?” tanong ni Williard na hindi ko na nagawang sagutin dahil sa pagsulpot ni Margaux. “Hello, everyone!” She greeted us lively. Lahat kami ay napatingin dito. “Margaux, maaga ka yata ngayon?” tanong ni Tita Marcella. “Nag-breakfast ka na ba? Come and join us. Leah, maglabas ka nga ng isang dining set!” “Ay, no, Tita, salamat na lang! I’m okay! Inagahan ko talaga today kasi susunduin ko si Ivan. Aalis po kasi kami ngayon.” Natahimik sandali sa mesa. Nagkatinginan kami ni Andy, pero mabilis din siyang nagbawi. I frowned. “Oh, really? So kasama ka pala ni Ivan na aalis. Saan kayo pupunta?” “Actually, Tito, we don’t have specific places to visit yet. Kung saan na lang kami makaabot ni Ivan. Marami namang lugar na pwede puntahan kaya madali na 'yon.” “All right. Basta mag-iingat kayo sa daan. Margaux, ikaw ang babae, pero ikaw ang taga-rito. Sa’yo ko ibinibilin itong inaanak ko.” Ngumiti si Williard at tumingin sa akin. “No problem, Tito. Ako po ang bahala kay Ivan. Aalagaan ko po nang mabuti ang inaanak mo.” Ngumiti sa'kin si Margaux. Kung saan-saan kami napadpad ni Margaux. As she promised, inisa-isa naming puntahan ang iilang attractions sa siyudad- malls, adventure parks, museum and restaurants. I can say that it’s a beautiful and highly urbanized place. Buong maghapon ang iginugol namin sa pamamasyal, but personally nothing interests me in the city except its bars and nightlife spots. “Next time na tayo pumunta sa ipinagmamalaki mong bar,” wika ko kay Margaux habang nasa biyahe na kami pauwi. Kinukulit niya ako na pumunta sa paborito niyang night club, pero hindi ako pumayag. “Sayang ang pagkakataon, Ivan. We're already here! Ayaw mo na ba‘kong kasama? Hindi ka ba nag-enjoy?” “I did. But we’re already both tired. Isa pa, maghapon lang ang paalam natin kay Tita Marcella. Kahit okay lang sa parents mo na magdamag kang wala sa inyo, h’wag mong kalimutan na bisita lang ako sa bahay ng relatives mo. Ayokong makaabala sa kanila.” Ngumiti si Margaux at tumingin sa akin. “Sometimes, you sound like a real nice boy, pero mas madalas na nangingibabaw ang kapilyuhan mo. Alin ka ba sa dalawa, Ivan? The naughty or the nice?” I smirked. “Depends.” Tumawa si Margaux sa sagot ko. She was sitting in the passenger seat. When she shifted her body, kinabig ng isang kamay niya ang mukha ko at walang pag-aatubili akong hinalikan. Puno ng pagnanasa ang halik niya. I didn’t forget that I’m still driving kaya inawat ko agad si Margaux. “Relax. Baka maaksidente tayo niyan.” She's already sending signals before. Lalo na kanina habang namamasyal kami. I know what she exactly wants. “I like you, Ivan,” walang gatol na pag-amin niya. I have no reaction at all. Kailangan bang marinig ko ang bagay na halata na sa simula pa lang? “Do you like me, too?” she added. I smiled and glanced at her. “You have a boyfriend.” “That's the problem.” Nagkibit ako ng balikat. I like getting attention from women, pero hindi ako ang tipong hahanap ng gulo dahil lang sa isang babae. Hindi ako makikipagbasagan ng mukha para lang sa mga ito. Not worth it. “I’m leaving Paulo,” wika ni Marguax. “Kapag nakipag-break ba ako sa kaniya, magiging tayo na?” Hindi ako sumagot. Margaux’s boyfriend was the one who broke Andy’s heart that night. Tandang-tanda ko na isinisigaw at minumura niya ang pangalan nito. Gano'ng klaseng lalake ba ang kinababaliwan ni Miranda? Ang daling nakawan ng babae. “May girlfriend ka bang iniwan sa Manila kaya hindi ka makasagot?” I smirked. “I don’t do commitments, Margaux. Ayoko ng sakit sa ulo.” Pagkahatid ko kay Margaux ay dumirecho na agad ako pauwi sa bahay ng mga Gallano. It’s past ten in the evening. Sa tingin ko ay tulog na ang lahat, pero pagpasok ng living room ay naulinigan ko ang mga tawanan na nagmumula sa komedor. Hindi na ako nagdalawang-isip na silipin kung sino ang naroon. “O, ayan, ha! Malinaw na malinaw na talo ka!” Narinig ko pa ang masayang boses ni Andy bago ko siya napasukan na may kasamang lalake na hindi ko kilala. The guy must be her age or a couple of year older than her. Kapwa sila tumatawa habang naglalaro ng checkers. Ang lalake ang unang nakapansin sa presence ko. Lumingon ito at saglit na natigilan. Nakita rin ako ni Andy, pero gaya nitong mga nakaraang araw, wala man lang siyang reaksiyon. “Who are you?” direktang tanong ko na lang sa kasama niya. Hindi sumagot ang lalake kaya lumapit pa ako. Dahan-dahan itong tumayo. Sa tantiya ko ay mas mataas siya sa akin ng isang pulgada, pero mukha siyang lampa. "Good evening po! You must be Andy's brother?" Biologically, we're half-siblings, pero hindi ko alam kung bakit nabwisit ako nang sabihin 'yon ng lalake. "Sino ka nga?" ulit ko. “He’s Bench," sagot ni Andy sabay tayo at nakasimangot na tiningnan ako. "School mate ko siya at bisita ko siya. May tanong ka pa?” Nagusot ang noo ko. “School mate? Alam mo ba kung anong oras na?” “Oo! Bakit? Anong problema mo sa oras?” Hindi ko sinagot si Andy. Binalingan ko ang bisita niya. “You should go home. Baka dahil sa tawanan n'yo, magising ang mga natutulog at mababaan kayo rito.” “Nakilala na ni Daddy si Bench kanina. Alam din ni Mommy na nandito pa siya bago sila umakyat ng kwarto.” Tiningnan si Andy at tinaasan siya ng mga kilay. "And so? Hindi por que alam ng mga kasama mo sa bahay na may bisita ka, aabuso ka na. It's getting late. Ang lakas pa ng tawanan n'yo." "E, ano bang pakialam mo-" "Andy, it's okay!" sabat ng lalake. "Tama naman ang kuya mo. Gabing-gabi na. May ibang araw pa naman. Babalik na lang ako." "I'm sorry about this, Bench." Ngumiti ito. "No problem. I understand. Kuya din ako. At malamang paghihigpitan ko rin ang sister ko oras na may dumadalaw na rin sa kaniya." Bumaling ito sa akin pagkatapos. "Pasensiya na po sa abala. Uuwi na'ko." "Ihahatid na kita sa labas." Wala na akong nagawa nang lampasan ako ni Andy at sumunod sa pag-alis ng bisita. Hindi ako agad umakyat ng kwarto. Hinintay ko munang makabalik si Andy dahil siguradong ililigpit pa niya ang checker board. Ganoon nga ang nangyari. "Hindi ka naman pala nauubusan ng manliligaw. Bakit mo ipinagsisiksikan ang sarili mo sa ayaw sa'yo?" "Hindi ko manliligaw si Bench. At kung sino ang tinutukoy mo, wala na 'yon. Kabaliwan ko lang 'yon." "Good to know then. Anyway, he doesn't deserve you. Pababayaan ka lang no'n kung naging kayo." "Will you stop commenting about my personal life, Israel? Hindi kita kaanu-ano kaya h'wag mo 'kong pinakikialaman!" Tinawanan ko ang sinabi ni Andy kahit kitang-kita ang panggigigil niya- something that I missed these past few days. Binitbit niya ang ginamit na checker board at nagmartsa paalis ng dining. I grinned. Hindi kaanu-ano? Yeah right. How I wished Miranda!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD