Kabanata 19

1935 Words

NAHIRAPAN akong makatulog kinagabihan. Aalis na si Israel. Babalik na siya sa dati niyang condo unit. I guess he made the decision to completely avoid me. I never felt so down before. Kahit noong nadiskubre ko ang relasyon nina Margaux at Paulo, hindi ako nakaramdam ng ganitong klaseng lungkot. It’s devastating, pero sa isang banda, mabuti na rin para habang maaga ay makalimutan ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko para sa gano’n ay matigil na ang pag-iisip ko kay Israel at nang makatulog na ako. Pero hindi pala madali. Kahit anong kumbinsi ang gawin ko sa sarili ko, nahirapan akong tanggapin na wala talaga akong halaga sa kaniya. Lampas hatinggabi na ako nakatulog. Kung hindi nga ako pinasok nina Mommy at Daddy sa kwarto ay hindi pa ako magi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD