Kabanata 8

1793 Words
TINABIG ni Andy ang kamay ko. Nilingon ko siya at pinagsalubungan ng mga kilay. Itinuturo ko sa kaniya kung paano ang tamang paghawak sa rear mirror kapag i-a-adjust, pero mukhang mabubwisit na naman ako sa brat na unica hija ni Williard. “H’wag mo ‘kong pakialaman. Alam ko ang gagawin. Ilayo mo sa’kin ‘yang kamay mo.” I scoffed. “Why, you speak as if I’m dying to touch you. Ano na namang problema ng mahal na prinsesa ng mga Gallano?” She smiled sarcastically. “Ako, wala. Pero ikaw, Israel, sooner or later magkaka-problema ka. Ewan ko ba. Alam ko naman dati pa na siraulo ka, pero ang hindi ko mapaniwalaan, 'yang kawalan mo ng delicadeza. Ibang klase ka rin.” My brows furrowed. “What are you talking about?” Hindi niya ako sinagot. She pressed the brake pedal and changed the selection in the gear. Ipinasok niya ang susi upang buhayin ang engine ng sasakyan. She released the handbrake. Ilang sandali pa ay unti-unti na rin niyang binitiwan pedal. Nagsimulang umandar ang kotse, pero hindi pa rin nilinaw ni Andy ang sinabi niya. “H'wag mo 'kong pag-isipin, Miranda. Anong sinasabi mong problema?” “Bahala kang mabaliw sa kakaisip kung anong tinutukoy ko. But I’ll tell Dad what you did. Sasabihin ko na dinudumihan lang naman ng ipinagmamalaki niyang inaanak ang sariling bahay niya. So disgusting!” "Hindi mo ba talaga lilinawin ang sinasabi mo?" Nilingon ako sandali ni Andy. "Woah! Israel, talaga ba? Talaga bang wala kang alam o nagpapanggap lang? Nakalimutan mo ba agad kung ano ang ginawa mo sa yaya ni Wesley sa mismong kusina namin?" Natigilan ako sa sinabi ni Andy. 'Yon siguro ang huling bagay na maaalala ko kung hindi niya nabanggit. So nakita niya pala ako. Hindi ko napigilang mapangisi. “'Yon ba ang tinutukoy mo? Paano mo nalaman? Binabantayan mo ba ang kilos ko? Don't tell me you're following me at night.” Kahit hindi siya nakaharap sa akin ay nakita ko ang pagbilog ng mga mata niya. “Of course not! At bakit kita babantayan?" Sinulyapan niya ako at nagpatuloy. "For the record, Israel, it was an accident. Nakakadiri nga, e at nagsisisi ako na nakababa pa sa kitchen kagabi.” I laughed. Nakita ko nang unti-unting magsalubong ang mga kilay ni Andy. “I can’t believe you. Nagagawa mo pang tumawa sa lagay na ‘yan? Ganiyan ka ba kahayok na pati ang yaya ni Wesley pinatulan mo?” “You’re so funny. Kung magsalita ka, akala mo naman ang linis-linis mo. Ano sa’yo kung pinatulan ko ang yaya ng kapatid mo? Who do you want me to f*ck, hmm? You? Sana sinabi mo agad." "How dare you!" sigaw niya sa mukha ko. "Ang kapal mo sobra, ha! Sasabihin ko kay Dad ang pinaggagawa mo!" "Go ahead." I remained calm. "Ikukwento ko rin kay Ninong kung ano ang nangyari sa atin sa condo ko. I’ll tell your father how you moaned my name and writhed under my body.” Umalog ang sasakyan nang biglang magpreno si Andy. Namumula ang mukhang nagtanggal siya ng seat belt at hinarap ako. Without any word, she slapped my face. Humapdi ang pisngi ko sa malakas na pagsampal niya. Ang sarap patulan. I could actually see myself crushing her lips. ‘Yon dapat ang magandang sagot sa pagmamaldita niya kundi ko lang inaalala kung sino si Andy at kung magkaanu-ano kaming dalawa. “Demonyo ka! Wala dapat Angelo sa pangalan mo!” Binuksan niya ang pinto sa tabi at akmang bababa, pero mabilis kong hinuli ang braso niya at hinila siya pabalik sa upuan. Natigilan siya at mabagsik na tumingin sa akin. “Bitiwan mo’ko!” “Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang lesson natin!” “And you’re expecting na tatapusin ko pa ang lesson sa'yo?! Goodness, Israel, I don’t even want to look at you! Kumukulo ang dugo ko sa'yo!” Isinigaw niya ulit iyon sa mukha ko. “Yeah? I wonder why. Naiinggit ka lang yata sa yaya ng kapatid mo kaya ka nagagalit ngayon.” Natigilan siya sandali. Pero pagkatapos ay lalo lang siyang nagwala at nagpumiglas. Isinuntok na niya sa akin ang isang kamay na mabilis ko rin namang nahawakan. “Walang hiya ka talaga! Sana lang si Daddy mismo ang makahuli sa kababuyan mo! Ang kapal ng pagmumukha mo! My father trusts you a lot, pero hindi niya alam na demonyo ka! Kulang ka siguro sa pangaral ng mga magulang mo! O baka naman nagmana ka talaga sa tatay mo! I don’t know him, but judging your morals, I guess he’s also a s*x addict, filthy perv without any decency-” Naputol nang tuluyan ang pisi ko. Ang kaninang ini-imagine ko ay nagkatotoo nang sakupin ng mga labi ko ang bibig ni Andy at patahimikin. The best way to shut a woman’s mouth. Nagpumiglas at nakalaya ang bibig niya mula sa akin. Kaya sinakop ko na ng isang palad ang likod ng ulo ni Andy upang idiin ang mukha sa akin. I gripped her wrists using my other hand. Nahirapan na siyang kumawala. Hindi ako nagkasya sa paghalik. I forced my tongue between her lips and invaded her mouth. Sinisipsip ko ang dila niya nang matagpuan iyon. Narinig ko ang impit na daing niya, pero hindi ako nagpatinag. I kissed her hard, determined to teach her a different lesson. Pagkatapos ng mahabang sandali ay binitiwan ko rin si Andy. Habol-habol niya ang hininga habang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. I smirked. “Next time you talk ill about my father, hindi lang ‘yan ang matitikman mo.” Hindi kami nakaisang oras sa driving lesson. Walang kibuan na umuwi kami, ako na ang nasa manibela. Naging masunurin naman kahit paano si Andy nang magpalit kami ng pwesto. Dapat lang. At sa susunod na magsalita siya nang hindi maganda, kakalimutan ko kung magkaanu-ano kaming dalawa. “Ivan, nakabalik ka na pala? Gusto mo ng snacks?” Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Leah. Magkasunod kaming pumasok ni Andy ng bahay at nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko nang huminto siya at nilingon kami ng yaya ni Wesley. “Leah, nasa’n ang Mommy?” She was showing a poker face, akala mo walang nangyari. “Umalis sila ni Ate Norma, Andy. May mga bibilhin lang daw.” “Nasaan si Wesley?” “Nasa likod. Naglalaro sa poolside.” “Nasa poolside? E, bakit nandito ka? Hindi ba dapat si Wesley ang inaasikaso mo at hindi ang kung sino-sino?” Hindi nakasagot si Leah. Napapahiyang tumingin ito sa akin. Tumalikod din agad si Andy at iniwan kami. Pag-akyat ni Andy ng hagdan ay tumungo ako ng kusina para kumuha ng maiinom. Hindi ko alam na kasunod ko si Leah. “Ivan…” She hugged me from behind. Naramdaman ko ang malulusog na dibdib niya sa aking likod. Inilapag ko ang walang laman na baso sa mesa. Inalis ko ang mga kamay ni Leah na nakapulupot sa’kin at hinarap siya. Sumulyap ako sa entrada ng kusina. Kami lang ang kasalukuyang naroon. “I miss you! Hindi na ako nakatulog pagkatapos ng nangyari kaninang madaling-araw.” I grinned. Hinaplos ko ang ibabang labi ni Leah habang pinagmamasdan siya. “Can you promise me one thing, sweetie?" "Ano 'yon, Ivan?" "Ipangako mong walang makakaalam. Sikreto lang nating dalawa 'to. Understand?” Naalala ko si Andy pagkasabi noon. “Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Ano ba? Magkikita ba tayo mamaya?” She sounded thrilled. Umiling ako. “Hindi na muna. Delikado pa ngayon.” Last night was unplanned. Naisip ko rin na baka sinasadya ni Leah na abangan ako sa kusina tuwing gabi. Natiyempuhan. Hindi ko naman pinalampas. I'm not craving s*x. Well, for now. The last time I had it was with Andy. May mga gabing naaalala ko kung gaano ito kalambot at kaingay sa kama ko. Gustong humulagpos ng pagtitimpi ko kung hindi ko lang naiisip kung sino siya. “Gusto mo... puntahan na lang kita sa guest room?” I scoffed. “That's a stupid idea. Mas delikado kapag may nakakita sa’yo na nanggaling sa kwarto ko. Hintayin mo na lang kung kailan kita yayain. Okay ba 'yon?” sabi ko kahit ang totoo ay wala na akong balak na ulitin ang nangyari sa amin. I chose to be charming and sweet to her from the first day dahil kailangan ko ng mapagkukunan ng kaunting impormasyon tungkol sa mag-asawang Gallano. "Sige, Ivan. Ikaw ang masusunod." Mabilis akong hinalikan ni Leah sa mga labi bago ito lumabas ng kusina. Hindi bumaba para sa lunch si Andy. Dinig ko ay nagpahatid ito sa katulong ng pagkain sa kwarto. Sina Tita Marcella at Wesley ang kasalo ko sa tanghalian. Ayos naman dahil nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Maasikaso at sadyang mabait si Tita Marcella. The woman didn't deserve someone like her husband. Imposible kasing inamin ni Williard sa asawa nito ang ginawang pagtatraydor sa sariling kaibigan. Hindi ko lang ma-imagine ang magiging reaksiyon ni Tita Marcella kapag sinabi kong anak ako ng asawa niya. Ibinida ko kay Wesley ang achievements ko sa school. Mukhang madaling kunin ang loob ng bata. Hindi maitago sa mga ngiti at tingin ni Wesley ang paghanga sa mga nagawa at naabot ko in terms of academic, arts and sports. "I was the MVP in our championship game." "Idol na kita, Kuya Ivan! Sana maging kasinggaling mo'ko sa basketball!" "Oo naman, Wes. You just need to constantly practise." Hindi talaga lumabas ng kwarto si Andy sa mga sumunod na oras. Nakadalawang-akyat na ako sa guest room, pero hindi ko man lang naramdaman na nagbukas siya ng pinto. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pakikipaglaro kay Wesley. "Next time, Kuya Ivan, yayayain kita sa club house. Marami tayong makakalaro roon na taga-village. 'Yong iba nga sa kanila, lagi akong inaangasan. Ipapakita ko sa kanila na may kakampi akong champion!" "Sure. Kapag wala kaming driving lesson ng Ate Andy mo, sasamahan kita." "'Yon! Idol ka talaga, Kuya Ivan! Masarap palang may kuya. May kasundo ako sa lahat ng gusto kong gawin." Napatawa ako. "Bakit? Hindi ba kayo nagba-bonding ng Ate Andy mo?" Umiling si Wesley. "Mas gusto pa nga niyang kasama si Ate Margaux. Lalo na si Kuya Paulo." Natahimik ako. Itinigil ko ang pagdi-dribble at lumapit kay Wesley. I squatted. Napansin ko ang nagtatakang reaksiyon nito. Ngumiti ako at inakbayan siya. "Hindi ba, Wesley, kuya mo'ko? At sabi mo kanina, idol mo'ko. Tama ba 'yon?" "Oo naman! Kuya na idol pa!" "Ibig sabihin, magkakampi tayo? At kung may gusto ako na kailanganin ko ang tulong mo, tutulungan mo'ko?" "Siyempre naman! Ikaw pa? Kahit ano, Kuya Idol, basta kaya ko, maaasahan mo'ko!" I nodded. Napangisi ako sa naging sagot ni Wesley.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD