MICAH'S POV "NEGATIVE..." Parang binagsakan siya ng langit at lupa nang sabihin ni Marshall na negative. Wala roon si Dani. Huminga siya nang malalim na paghinga. Bigla kasi nanikip ang dibdib niya. "I also check the other CCTV ng mga katabing bahay baka sakali nahagip ng camera ang asawa mo but it's still negative," pagpapaliwanag ni Twix sa kabilang linya. Nakaalis na ang mga ito sa bahay ni Mr. Bonifacio. Bilib din siya sa husay ni Marshall at Twix halatang sanay na sanay na ang mga ito sa ganoon mga bagay. "Thanks, Man. I owe you one." "Nah. It's fine. Mauna na 'ko--hindi na ko makakabalik diyan. Si Marshall umalis na rin." "Alright. Pakisabi kay Marshall, salamat." Matapos maibaba ang tawag. Nag-suggest si Reese na tumawag siya banko, in case lang na gumamit ng credit card si

