Talia POV Hindi na niya ako hinayaang magsalita pa. Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya at mahigpit akong niyakap, hindi yung yakap na nagmamadali, kundi yung yakap na parang sinasabing nandito lang ako. Sumubsob ako sa dibdib niya. Doon ko ibinuhos ang lahat ng luha na matagal kong kinimkim. “Shh… tahan na,” bulong ni Kael habang hinahaplos ang likod ko. “Hindi mo na kailangang mag-isa.” Mahigpit kong hinawakan ang polo niya, parang takot na mawala siya kapag binitiwan ko. Ilang buwan akong nagkunwaring okay, ilang buwan akong ngumiti kahit wasak na wasak na ako sa loob. “Pasensya na,” hikbi ko. “Natakot lang ako… ayokong lang na parang nang agaw ako.” Dahan-dahan siyang kumalas para lang matitigan ako. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya, puno ng lambing an

