Talia POV Sa huli, pinili kong bitawan ang mga agam-agam. Hindi dahil nawala ang takot—kundi dahil napagod na akong laging nagbabantay sa sarili kong puso. Kung palagi kong itinataas ang pader, baka ako mismo ang mawalan ng kakayahang makaramdam. Hanggang kailan ka matatakot, Talia? Hanggang kailan ka maghihintay ng kasiguraduhan bago ka mabuhay sa kasalukuyan? Kaya sumunod ako sa agos. Hindi ko hinintay na banggitin ni Kael ang salitang pag-ibig. Hindi ko rin hinanap. Sa halip, nag-concentrate ako sa kung ano ang meron kami ngayon—sa kung ano ang kaya kong gawin, sa papel na ginagampanan ko. Bilang asawa niya. At sa babaeng unti unting nahuhulog. Gumising ako nang maaga, kahit alam kong may mga kasambahay na puwedeng gumawa ng lahat. Ipinagtimpla ko siya ng kape, isang simpleng ba

