Talia POV Habang nasa mall kami ni Kael, hindi ko inasahan na magiging masaya pala ang mamili ng gamit para sa baby. Magkatabi kaming pumipili,mga bote, damit, maliliit na medyas. Pareho naming naramdaman ang saya sa bawat bagay na hinahawakan namin. “Sa tingin ko maganda ’to sa kanya,” sabi ni Kael habang may hawak na maliit na damit. Tumango ako. “Oo nga, maganda naman. Puti lang para safe. Hindi pa naman natin alam kung babae ba siya o lalaki.” Ngumiti siya. “Oo, para kahit ano, bagay.” Sandali kaming natahimik, pero magaan ang pakiramdam. Parang sandaling nakalimutan ang lahat—ang gulo, ang sakit, ang mga tanong na walang sagot. Parang normal na pamilya lang kami. Nang matapos kami mamili, nagpasya kaming kumain sa isang restaurant. Magkatabi kaming umupo, sabay kumain, sabay ng

