Chapter 46 (Hello, Old Friend!)

2788 Words

LUNES ng umaga. Sinumpong ng katamaran si Glenn sa pag-aaral at hindi na ito pinilit ni Stella. Nagyaya itong gumala sa bayan at gusto ay silang dalawa lang ang lulan ng solar car. Dahil hindi pa nito kabisado ang pagmamaneho, siya ang nag-drive. May sariling kotse naman ang bodyguards nito. “Saan tayo punta, Noname?” tanong ni Glenn, nakaupo sa tabi niya. “Gagala ‘di ba?” “Gagala?” “Oo, mamasyal.” “Sa mall?” “Ah, ayaw ko roon, maraming tao. Gusto mo ba sa park?” “Ano ‘yong park?” “Tambayan ‘yon ng mga gustong mag-relax. Puwede tayong kakain doon. Pero bibili muna tayo ng pagkain.” “Sige! Gusto ko, yon, Noname!” Hindi niya kabisado ang lugar kaya bumuntot sila sa sasakyan ng bodyguards dahil tagaroon lang ang driver. Tumawag lang siya kay Gaspar at sinabi kung saan sila pupunta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD