Chapter 6

2063 Words
“ANO’NG nangyari?” tanong ni Carlo. Nakahinga nang maluwag si Stella at mukhang hindi naman sila narinig ni Carlo. Kaso dumapo ang paningin nito sa ibaba ng puson ni Glenn. Bahagyang nakausli pa kasi ang armas ni Glenn, pero hindi naman kasing tirik nang nasa loob ng banyo. Nilapitan sila ni Carlo at tinulungan na makabalik sa kama si Glenn. Mabuti kumalma rin ang alaga ni Glenn, hindi na halata ang pagtayo. Inasikaso na ni Carlo ang kailangan nito. “Sabi pala ni Dr. Gerano, sa Monday pa puwedeng makauwi si Glenn dahil may test pa silang gagawin,” sabi ni Carlo. “Ganoon ba? Ibig sabihin sa Monday pa ako magsisimulang magtrabaho?” aniya. “Ano ba ang sabi sa ‘yo ni Dr. Laurel?” “Wala naman siyang sinabi kung kailan talaga puwedeng makauwi si Glenn.” “Sa sitwasyon ni Glenn, mukhang kailangan ka niya madalas sa tabi niya. Sa ‘yo lang siya nakikitungo nang maayos. Mahirap siyang awatin sa tuwing nagwawala, sa totoo lang.” Tiningnan ni Carlos ang oxygen level ng katawan ni Glenn, may inipit sa daliri ng pasyente. Tahimik lang naman si Glenn at nagmamasid sa kanila, madalas sa kaniya nakatuon ang paningin. “Napi-pressure siya kaya nagwawala. Kapag mag-iba ang environment niya ay magbabago rin ang mood niya. Malaking tulong kasi ang magandang ambiance at environment upang ma-refresh ang utak ng tao. Mahirap para kay Glenn na nakakulong at paulit-ulit ang mga bagay na nakikita. Mas mainam na ipasyal din siya,” komento niya. “Tama ka, kaya kailangan na siyang mailabas dito. Simula kasi noong nagkamalay siya, hindi pa siya nailalabas ng institute. Siguradong maninibago siya.” Sinipat niya si Glenn. Matamlay pa rin ito. Naudlot ang usapan nila ni Carlo nang dumating si Dr. Laurel. Saka naman nagpaalam si Carlo matapos ang trabaho kay Glenn. “You can go home now, Stella. Balik ka lang sa Monday ng umaga,” sabi ng doktor. “Sige po, Doc.” Kinuha na niya ang kaniyang shoulder bag at iniligpit ang baunan niya ng pagkain. Hindi pa siya nakaiinom ng tubig. “Noname?” tawag ni Glenn. “It’s okay, Stella. You should go,” udyok ni Dr. Laurel. Hindi na niya muling sinipat si Glenn, basta lumabas na siya. Sa tuwing iniiwan niya si Glenn ay mabigat ang pakiramdam niya sa dibdib. Ganoon ang pakiramdam niya noong iniwan niya ang pitong taong batang lalaki na inalagaan niya ng dalawang taon dahil parehong namatay ang magulang na apektado ng virus. Ang batang iyon ay nakita lang ng papa niya sa kalye na palaboy. Kinupkop nila ito sa may quarantine facility. Noong humupa ang virus, nagpasya ang papa niya na ipagkatiwala sa orphanage ang bata. May umampon na umano sa batang iyon at dinala sa US kaya wala na siyang pagkakataong bisitahin. She’s easily attached to someone she accompanies, even for a short time, especially those who catch her heart. Kaya natatakot na siyang mag-invest ng emosyon sa kahit na sino na alam niyang pansamantala lamang sa buhay niya. Pero hindi niya matiis si Glenn. Nakauwi kaagad sa bahay si Stella at may oras pang maglaba. Habang pinaiikot sa washing machine ang mga damit ay sumagi sa isip niya ang kababatang si Haru. Sinabi niyon na huwag siyang magpakahibang sa paghanga kay Glenn dahil balewala lang iyon. Noong nakasama ni Haru si Glenn sa isang sports event, nagpadala siya ng fan made painting para kay Glenn. She’s not an art expert but specializes in basic human portraits. Naipinta niya si Glenn gamit ang tinta mula sa katas ng talulot ng rosas. Nai-frame pa niya iyon, sinulatan ng buong pangalan. Hindi man lang siya binigyan ni Haru ng update kung naibigay nito iyon kay Glenn. Hanggang sa nabalitaan niyang namatay ito sa hazing. Ang huling sinabi nito noong tinawagan niya at humingi ng update, “Glenn was a jerk, a ruthless guy who doesn’t care about women.” She was still curious about Haru’s impression of Glenn and wanted to prove that her friend had just fooled her. Aware siya na matagal ng gusto ni Haru na ligawan siya. Nagpaalam ito sa papa niya pero siya ang umayaw. Gusto kasi niya ay hanggang friendship lang ang meron sa kanila. Nakaidlip sa sofa si Stella pagkatapos maglaba. Nang magising siya’y naroon na ang kaniyang ama, nanonood ng telebisyon. Umupo siya nang maayos. “May nangyari na naman pala kay Glenn kanina, anak. Mabuti naroon ka,” sabi ng kaniyang ama. Nakaupo ito sa kabilang couch. “Opo. Akala ko nga napano na siya dahil nagdeliryo.” “Ganoon talaga si Glenn kapag napi-pressure ang utak. Kaya huwag mo siyang biglain kapag tinuruan mo na siya ng aralin.” “Iyon nga rin po ang sabi sa akin ni Dr. Laurel.” “At mukhang kailangan mo talagang mag-stay-in sa bahay nila.” Matiim siyang tumitig sa ginoo. “Paano po kayo kung mag-isa kayo rito?” Sinipat siya nito at nginitian. “Huwag mo akong alalahanin, anak. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Ang pagluluto, sisiw lang sa akin. Madali lang din maglaba at may dyer naman ang machine. May oras naman ako para mamalengke.” Ginupo siya ng lungkot nang maisip na iyon ang unang pagkakataon na maghihiwalay sila ng papa niya. Simula noong nawala ang mama niya, biglang dumilim ang mundo nilang mag-ama. Ang kanilang pamilya ay larawan ng isang perpekto at masayang relasyon. Hindi man siya nagkaroon ng kapatid, ipinadama ng parents niya na hindi siya nag-iisa. They acted like brothers and sisters to her, not just parents. Kaya hindi siya naiinggit sa ibang bata na maraming kapatid. Higit na nalungkot ang papa niya sa pagpanaw ng magulang nito at dalawang kapatid. Doble ang pagluluksa nito. Kaya gusto niyang ipadama rito na hindi ito nag-iisa. And leaving him was like gradually tearing her heart. “Malayo ang bahay ni Dr. Laurel dito, anak. At tiyak na mahihirapan ka kung mag-uuwian. Mas mainam na stay-in ka, higit na panatag ako,” sabi ni Andres sa malamig na tinig. Alam niya na mabigat din sa loob nito na magkalayo sila. Tumayo siya at lumipat sa tabi nito, yumapos sa kanang braso nito. She can’t help but let her tears out to lessen her heavy emotions. “Noong bata ako, hindi ako makakain na wala ka sa tabi ko. Akala ko noon hanggang pagtanda ko ay makakasama ko kayo ni Mama,” aniya. Inakbayan naman siya nito at hinagkan sa noo. “Walang nagtatagal sa mundo, anak. Ang lahat ay lumilipas. Merong nawawala, pero meron din namang dumarating. Ngunit ang alaala ng bawat bagay ay merong halaga na hindi basta lumilipas. Malaki ka na. Panahon na upang mag-explore ka. Hindi kita lilimitahan sa gusto mong gawin. Dahil alam ko kung gaano kasarap maging malaya. At gusto kong iparanas sa ‘yo ‘yon,” emosyonal nitong pahayag. Bago lumalim ang drama nilang mag-ama ay pinahid na niya ang bakas ng luha sa kaniyang pisngi at tumayo. Pumasok siya sa kusina at nagluto ng hapunan. WALANG tawag na natanggap si Stella mula kay Dr. Laurel. Maaring hindi naman siya hinanap ni Glenn, o pinatulog na naman ng mga ito ang binata. Pero nag-impake na siya ng gamit dahil Lunes na kinabukasan. Ang isang araw niyang pahinga ay nilubos niya sa paglinis ng bahay. Inayos niya ang gamit ng papa niya sa kuwarto. Maari rin naman siyang umuwi pero depende sa mood ni Glenn. Naroon ang excitement at lungkot sa kaniyang puso. Pero may pagkakataon na umuukilkil sa kukoti niya ang mga sinabi noon ni Haru tungkol kay Glenn. Kung meron mang negatibong katangian si Glenn, normal lang iyon sa isang tao. Isa pa, nagbago ang lahat sa binata dahil sa virus. Maaring napalitan na rin ang tangian nito kasabay ng paglaho ng lahat na memorya. Lunes ng umaga ay sumabay si Stella sa papa niya dahil hindi niya magagamit ang solar car. Nakisakay na siya rito. Isang malaking maleta ang dala niya, mga damit at personal na gamit ang laman. Dala rin niyaa ng kaniyang laptop. Pagdating sa institute ay hindi pa siya pinapasok ni Carlo sa recovery room. May dalawang doktor kasi mula US ang tumitingin kay Glenn. Nakasilip lang sila sa salaming bintana. “Ano ang ginagawa nila?” tanong niya kay Carlo. “Hindi ko alam. Dinig ko lang na kukuha sila ng dugo mula kay Glenn upang isalin doon sa specimen-109.” “Ha? Bakit sa kaniya pa kukunin?” “Wala namang problema dahil healthy na si Glenn. Iisang formula lang ang ginamit ng mga doktor upang mabuhay nang matagal ang bagong specimen. Ngayong okay na ang katawan ni Glenn, ang memory na lang ang problema.” “Nakita mo na ba ang specimen-109?” tanong niya pagkuwan. May kutob kasi siya na may koneksiyon ang specimen-109 kay Glenn. Nakita niya ang initial database nito na maraming pagkakatulad kay Glenn. “Oo, pero malayuan. Nagduda nga ako kasi parang iisang genes lang sila ni Glenn.” “Ano’ng ibig mong sabihin? Iisa lang ang pinagmulan nila? Magkapatid sila gano’n?” “I’m not sure. Mahina ako sa genetic kaya marami akong hindi maintindihan sa proseso ng mga genetic engineer dito. Kahit naging assistant ako noong nag-experiment sila sa mga naunang human specimen, may mga detalyeng restricted. Ang natutukan ko lang ay si Glenn.” “Ayon kay Dr. Jackson, ang specimen-109 ay mula sa ibang bansa at walang koneksiyon kay Glenn. Iyon ang pagkakaintindi ko,” aniya. “Pero na-recognize siya ni Dr. Laurel. Pati bone marrow ng specimen-109 ay kinuha kay Glenn. Meaning, may connection sila. The best compatible donor was from siblings.” “Pati pala bone marrow affected?” “Oo para sa malalang apektado ng virus, even the blood vessel. Wala naman kasing mabubuhay na hindi nababago ang organs ng neurocalybia virus victim. They sacrificed one life for two humans. At natatakot ako na baka maging obsess ang scientist sa pag-implant ng organs in exchange of human life. Of course, hindi nila ipapalabas sa publiko ang detalye lalo na’t krimen ang pagkitil ng buhay.” “Pero alam ng lahat na merong successful human specimen ang institute. Walang illegal dito.” “Oo, dahil ang alam ng lahat, si Glenn ay isa na ring cyborg na merong human implanted DNA. Ipinakita ang proseso ng replacement ng buto niya sa kaliwang binti at kanang braso. Ang mga iyon ang may malubhang damage dahil sa virus kaya pinalitan. Pero hindi totoong cyborg na si Glenn. Normal pa rin siyang tao na organs ang nagpapagana, hindi machine.” Nawindang siya sa dami ng nalalaman ni Carlo. Kung sabagay, matagal na itong nagsisilbi sa Institute. Ilang isyu na rin ang nalaman niya pero hindi niya inintindi dahil wala rin naman siyang mapapala. Pero ibang usapan na ang tungkol kay Glenn. Nang matapos ang proseso kay Glenn ay pinapasok na sila ni Dr. Laurel. Gising si Glenn pero nanghihina. Kinuhaan nga ito ng dugo. “Are you ready, Stella?” tanong ng doktor. “Yes po. At nakapagdesisyon na rin po ako na mag-stay-in sa bahay ninyo,” nakangiting tugon niya. “Good. I will prepare Glenn’s stuff,” anito saka lumisan. Nilapitan niya si Glenn. May suwero pang nakatarak sa kaliwang kamay nito. “Uuwi ka na mamaya. Ready ka na ba?” sabi niya rito. Nakatitig lang ito sa kaniya, walang kibo. “May epekto pa ang anaesthesia sa katawan niya kaya wala masyadong maramdaman. Malakas ang gamot na huling itinurok sa kaniya kaya bangag pa ‘yan,” ani Carlo. Naaawa siya kay Glenn. Halos gamot lang ang bumuhay rito. Namumutla ito. Tatalikuran sana niya ito pero napigil siya nito sa kanang kamay. Napaharap siyang maayos dito. “T-They will kill me,” sambit nito sa mahinang tinig. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” she can’t help but to feel panic. “If… I will not recover, they will kill me. Dr. Laurel will kill me,” sumbong nito. Natigagal siya. Mabuti nasa banyo si Carlo. “Are you sure about that?” tanong niya. Tumango si Glenn. “The other guy, if he survives, he will replace me.” “Who?” “The guy like me. S-Specimen…” “Specimen-109?” Kumislot siya nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon siya sa likuran nang pumasok si Dr. Laurel. Kumabog ang dibdib niya at tinubuan ng takot sa doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD