CHAPTER 5
THIRD PERSON POV
“Fix yourself.”
Mababa, malamig, pero may halong panunukso ang boses ni Ezekiel.
Nakatayo siya sa harap ng malawak na salamin sa gilid ng opisina, inaayos ang manggas ng kanyang long-sleeve polo.
Isa-isa niyang isininasara ang cufflinks kalma, kontrolado, parang walang nangyaring sunod-sunod na lindol ilang minuto lang ang nakalipas.
Samantala, si Crystal ay nananatiling nakaupo sa sofa tahimik.
Balot ng manipis na kumot ang katawan niya, yakap-yakap iyon sa dibdib na parang panangga. Nanginginig pa rin ang mga daliri niya hindi sa lamig, kundi sa bigat ng emosyon na unti-unting bumabagsak sa kanya ngayon na humupa na ang init.
Hindi siya makatingin.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang mahiya o matakot.
“Sir Ezekiel…” mahina niyang tawag, bahagyang paos.
“Ano na po… ang mangyayari ngayon?”
Tumigil si Ezekiel sa pag-aayos ng cufflink.
Hindi agad siya lumingon.
Isang segundo dalawa. Pagkatapos ay marahan siyang humarap. Ang mga mata niya madilim, malalim, at mapanganib ay dumapo kay Crystal na parang binabasa ang bawat iniisip nito.
“Why do you look like that?” tanong niya, mabagal ang boses.
“Parang naghihintay ka ng sentensiya.”
Napayuko si Crystal.
“Akala ko po kasi…” napalunok siya.
“Akala ko… ginawa n’yo na akong”
Huminto siya.
Hindi niya kayang banggitin ang salita.
Ngumisi si Ezekiel, bahagya lang, pero sapat para manginig ang sikmura ng babae.
“Finish it.”
“s*x slave,” halos pabulong niyang sabi.
Tahimik ang buong opisina.
Pagkatapos.
Isang mababang tawa ang kumawala kay Ezekiel. Hindi malakas. Hindi bastos. Kundi mapanganib sa paraan ng pagbitaw.
“Do you really think,” sabi niya habang dahan-dahang lumalapit, “na gagawin kitang ganon kababa?”
Napatingala si Crystal, naguguluhan.
Tumigil si Ezekiel sa harap niya. Yumuko nang bahagya, sapat para magpantay ang kanilang mga mata.
“Crystal,” seryoso niyang sambit, “kung katawan mo lang ang habol ko, hindi kita pauupuin dito ngayon.”
Bumilis ang t***k ng puso ng babae.
“Hindi kita kinuha,” dagdag niya, “para gawing laruan.”
Tumayo siya nang tuwid at tumalikod, naglakad papunta sa kanyang mesa. Kinuha niya ang isang makapal na folder at inilapag iyon sa ibabaw ng salamin.
“Lumapit ka.”
Nag-alinlangan si Crystal, pero tumayo siya.
Bawat hakbang niya ay mabigat.
Bawat segundo ay puno ng kaba.
Binuksan ni Ezekiel ang folder at itinulak iyon papunta sa kanya.
“Read the title.” Pinilit ni Crystal na ituon ang paningin.
PERSONAL MEDICAL MASSAGE THERAPIST EXCLUSIVE CONTRACT
Nanlaki ang kanyang mga mata.
“Ako…?” mahina niyang tanong.
Tumango si Ezekiel.
“Para kanino po?” Isinara niya ang folder at tumingin diretso sa kanya.
“My mother.”
Parang may pumutok sa isip ni Crystal.
“Mommy n’yo…?”
“Yes,” kalmadong sagot niya. “She’s paralyzed. Partial stroke complications. She needs long-term rehabilitation.”
Humakbang siya palapit.
“She doesn’t trust strangers. Ayaw niya ng basta-bastang therapist.”
Bahagyang ngumiti si Ezekiel mapanganib, confident.
“But you,” dagdag niya, “passed my standards.” Namula si Crystal.
“Sir… hindi ko po maintindihan…”
Lumapit si Ezekiel at isinandal ang balakang sa gilid ng mesa.
“You’ll be her personal massage therapist. Exclusive. Live-in if needed. Well-paid.”
“Kapag pinirmahan mo ang kontratang ‘yan,” dagdag niya, mababa ang tinig, “ako na ang bahala sa lahat ng gastos ng mama mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Crystal.
“Lahat po…?”
“Operation,” sagot ni Ezekiel agad. “ICU. Gamot. Rehab. Everything.”
Nanghina ang tuhod ng babae.
“Ngayon din po?” halos pabulong niyang tanong tumango si Ezekiel.
Kinuha niya ang cellphone at itinaas iyon.
“One call.” Napuno ng luha ang mga mata ni Crystal luha ng ginhawa.
“Bakit?” tanong niya. “Bakit n’yo po gagawin ‘to?” Hindi agad sumagot si Ezekiel.
Sa halip, ibinaba niya ang cellphone at humakbang palapit isang hakbang lang, pero sapat para maramdaman muli ni Crystal ang presensya niya.
“Because,” mababa niyang sabi, “I don’t invest in women I don’t see value in.”
Nanginginig ang dibdib ni Crystal.
“Pipirma ka,” dagdag niya, “dahil gusto mong iligtas ang mama mo.” Inabot niya ang ballpen.
“But you’ll stay,” bulong niya, halos sa tenga ng babae, “because you want to.” Walang pag-aalinlangan.
Kinuha ni Crystal ang ballpen at pumirma isang pirma. Isang buhay na nagbago ng direksyon agad dinampot ni Ezekiel ang cellphone.
“Falkner here,” malamig at kontrolado ang boses. “Proceed with the operation. Now.” Huminto siya sandali, saka tumingin kay Crystal.
“Yes. Fully covered.”
Isinara niya ang tawag.
Tumingin siya muli kay Crystal ngunit ngayon, iba na ang titig niya.
Hindi predator kundi isang lalaking pumili.
“Welcome to my world, Crystal.”
At sa mga matang iyon, alam ng babae hindi siya alipin.
“Relax.”
Isang salita lang ang binitiwan ni Ezekiel habang binubuksan ang pinto ng mamahaling sasakyan. Pero kahit gano’n, hindi pa rin mapigilan ni Crystal ang pagkakapit niya sa seatbelt na parang life support iyon.
Hindi niya alam kung dahil ba sa bilis ng takbo ng sasakyan… o dahil sa katotohanang papunta na siya ngayon sa mansion ng lalaking literal na kayang baguhin ang buhay niya sa isang pirma.
Tahimik si Ezekiel habang nagmamaneho. Isang kamay sa manibela, ang isa’y nakapatong sa armrest kalma, dominante, parang kontrolado niya ang buong mundo.
Samantalang si Crystal panay ang sulyap sa labas ng bintana.
“Grabe…” pabulong niyang sambit nang tuluyang pumasok ang sasakyan sa isang napakalawak na gate na gawa sa bakal at ginto ang disenyo. “Parang… parang nasa movie.”
Hindi sumagot si Ezekiel, pero bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya.
Pagdating pa lang sa driveway, halos mabitawan ni Crystal ang bag niya.
Ang mansion ay parang palasyo.
Malawak. Matayog. Elegant.
Pagpasok nila sa loob, tuluyang natulala si Crystal.
Isang napakalaking chandelier ang bumungad kristal na kumikislap sa bawat ilaw. Marble ang sahig, may detalyadong disenyo. Ang mga muwebles ay halatang imported, bawat isa ay parang hindi pwedeng upuan basta-basta.
“Grabe…” hindi na niya napigilang sabihin nang medyo malakas. “Pwede po bang picturan ‘to? Kahit sa utak ko lang?”
Napatingin si Ezekiel sa kanya.
“Try not to embarrass yourself too much,” sabi niya, pero may halong aliw ang boses.
“Wala na pong pag-asa ‘yon, Sir,” sagot ni Crystal agad. “Embarrassing po talaga ang default setting ko.”
Napahinto si Ezekiel sandali bago muling naglakad.
Mukhang may pinipigilang tawa.
Agad niya itong dinala sa grand staircase papunta sa ikalawang palapag.
“Sa taas ang kwarto ni Mommy,” paliwanag niya. “She spends most of her time there.”
Biglang kinabahan si Crystal.
“Sir… paano po kung ayaw n’ya sa’kin?” tanong niya habang paakyat sila. “Paano kung masungit siya? O terror? O… ibato niya po sa’kin ‘yung unan?”
Huminto si Ezekiel at tumingin sa kanya.
“She bites,” deadpan niyang sagot.
Nanlaki ang mata ni Crystal.
“Joke,” dagdag niya agad.
“Hindi po nakakatawa ‘yon,” mahina niyang reklamo.
Pagdating nila sa harap ng isang malapad na pinto, kumatok si Ezekiel ng dalawang beses bago ito buksan.
“Mom,” mahinahon niyang tawag.
Bumungad ang isang eleganteng silid maliwanag, malinis, at puno ng natural na liwanag. Sa gitna ay isang kama kung saan nakahiga ang isang babae na kahit may edad na, ay halatang dating napakaganda.
Si Mommy Falkner.
Pagkakita pa lang niya kay Ezekiel, ngumiti ito agad.
“Kiel, darling,” masigla niyang bati. Pagkatapos ay napatingin kay Crystal.
At doon biglang lumiwanag ang mukha ng matanda.
“Oh?” nakangiting sabi nito. “You brought a girl?”
Nanlaki ang mata ni Crystal.
“Mom,” babala ni Ezekiel.
Pero huli na.
“Mamanhikan ka na ba, Kiel?” diretsong tanong ng Mommy niya.
PUFF
Biglang nabilaukan si Crystal sa candy na nginunguya niya kanina.
“KHK—KH—”
Nag-panic siya agad, hawak ang leeg, namumula ang mukha.
“Oh my God!” sigaw ng Mommy. “She’s dying!”
Sa isang iglap, nasa likod na niya si Ezekiel.
Hinawakan niya ang bewang ni Crystal, inilapit ito sa kanyang katawan, at mabilis na ginawa ang Heimlich maneuver.
Mula sa paningin ng Mommy.
Mukha silang nagkakayap.
Mahigpit.
Intimate.
PLAK
Tumalsik ang candy mula sa bibig ni Crystal at bumagsak sa sahig.
“HUH—HUH— Buhay pa po ako!” hingal niyang sabi.
Tahimik ang kwarto.
Pagkatapos
“Ohhh,” makahulugang sabi ng Mommy Falkner, may ngiti sa labi. “Very hands-on ka na pala, anak.”
Namula si Crystal hanggang tenga.
“Hindi po hindi po ‘yon” nauutal niyang paliwanag.
Binitiwan siya ni Ezekiel pero nanatiling malapit.
“Mom,” mahinahon ngunit matigas ang boses niya. “She’s not what you think.”
“Sayang,” sagot ng Mommy. “Ang ganda pa naman.”
Gusto nang maglaho ni Crystal sa kahihiyan.
Lumapit si Ezekiel sa kama ng ina.
“This is Crystal,” pormal niyang pagpapakilala. “She’s going to be your personal massage therapist.”
Napatingin ang Mommy kay Crystal mula ulo hanggang paa.
“Massage therapist?” ulit nito. “Hindi girlfriend?”
“Mom.”
“Joke lang,” tumawa ang matanda. “Relax.”
Lumapit si Crystal at bahagyang yumuko.
“Good afternoon po,” magalang niyang bati. “Ako po si Crystal.”
Pinagmasdan siya ng Mommy ng ilang segundo.
“Hmm,” anito. “Mukha kang mabait. At mukhang… madaldal.”
“Opo,” amin ni Crystal agad. “Sobra po.”
Tumawa ang Mommy.
“I like her,” sabi nito kay Ezekiel. “She’s not boring.”
Napabuntong-hininga si Ezekiel.
“Good,” sagot niya. “Because she’s staying.”
Nanlaki ang mata ni Crystal.
“St-staying po?” ulit niya.
Tumango ang Mommy, nakangiti.
“Well,” sabi nito, “kung siya ang magpapagaling sa’kin, dapat lang.”
Tumingin si Ezekiel kay Crystal isang tingin na puno ng kumpiyansa at bahagyang panunukso.
“Looks like you’re officially part of the Falkner household now,” sabi niya.
Lunok si Crystal.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya… o mas lalo pang kakabahan.