One

1096 Words
Nang maka-uwi sa inuupahan ay agad na bumungad sa akin ang tahimik at madilim na bahay. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa naganap kanina. "A-add ko talaga siya sa socials ko, kala niya, ha." bulong ko sa sarili. Lumapit ako sa switch ng ilaw at agad itong binuksan. Dumeretso ako sa kusina para mag luto ng kakainin, hotdog at itlog lang naman ang nandito, nakalimutan ko kasi bumili kanina e. Nag luluto ako ng may tumawag sa cellphone ko na nasa lamesa. "Who's this?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa niluluto. "Tangina mo anong who's this ka riyan?" narinig ko ang boses ng kaibigan ko na si sam. "Ano na naman ba iyon, sam?" inis na tanong ko rito. "Sama ka bukas?" "Saan?" "Bobo, birthday ni kia" Kia is also our friend, the three of us have been friends since high school because we have the same attitude, same humor, so we learned to open our feelings to each other. "Oo, alam ko. Saan ba tayo bukas?" "Gusto niya raw mag bar" Sagot nito at naririnig ko pa ang tawa. "Bakit sa bar pa? maingay ro'n" tanong ko pa. "Gusto niya raw ma experience 'yon e" sagot niya na tinanguhan ko nalang kahit alam kong hindi namana ko nakikita nito. "Sige, sunduin niyo ako rito bukas." "Sasabihin ko sakaniya, bye" iyon ang huling sabi niya bago pinatay ang call kaya naman pinagpatuloy ko na ang pag luluto. AFTER I ate and cleaned up, I went straight to the room and lay there while using my cellphone. Agad kong in-open ang i********: ko para hanapin ang i********: ni luce my love. Inumpisahan kong i search ang buong pangalan nito. dian luce fuevre @DL.Fuevre @dianwife @dianmybaby lah putangina bakit may ganito. Feeling ko ay mga nagkaka-gusto lang naman sakaniya 'yong mga kakaibang pangalan kaya pinindot ko ang unahan. @DL.Fuevre Dian Luce Fuevre 13 176k 65 post followers following Inangyan famous pa kaso nonchalant siguro siya. Mapapansin kaya nito kung i f-follow ko 'to? aba kung hindi baka birahin ko siya kapag nakita ko ulit siya. Ang profile picture niya ay topless siya mukhang nasa barko siya naka ngiti siya roon na labas ang kaunting ngipin, halatang pinilit. T inignan ko rin ang iba niyang post, wala namang iba kasama niya lang ang mga kaibigan niya? kaibigan niya ata 'tong mga 'to tapos nasa bar. "Follow ko na ba?" tanong ko sa sarili ko, baliw na ata ako. Pinindot ko ang follow button at nag hintay ng ilang minuto, pero wala namang nag bago kaya in-open ko ang f*******: ko. Ganon din ang ginawa ko ni search ko ang name niya roon, pero naka locked ang profile nito kaya wala akong nahanap pero sa tingin ko ang profile niya ay parehas din ng profile niya sa kaniyang i********: kaya in-add ko na rin. Matapos 'yon ay pinatay ko na ang cellphone at humiga na sa kama at pinikit ang dalawang mata hanggang sa dalawin ako ng antok. KINABUKASAN ay walang pasok dahil sabado ngayon at birthday ni kia. "Huy mamayang 5pm ka namin susunduin para mag dinner muna tayo bago pumunta sa bar" sabi sakabilang linya ng kaibigan kong si kia. Lumingon ako sa orasan at kasalukuyang 2:38 na nang hapon. "Oo, sige" huling sabi ko at pinatay na ang tawag. Habang maaga pa ay inayos ko na ang susuotin ko para mamaya, baka kasi kung kailan pa-alis na ay saka palang ako mag hahanap, mas mabuti na yung handa. Kinuha ko lang ang isang fitted dress ko dito na hanggang taas ng tuhod ko. "Omg, feeling ko ang sexy ko kapag sinuot ko 'to" confident na sabi ko habang nakaharap sa salamin. NANG matapos ang ganda-ganda-han moment ko ay kinuha ko ang cellphone ko, malay mo in-accept na ako ni baby, I mean si luce. Inuna kong tignan ang f*******: ko ngunit nawala ang ngiti ko ng walang notification doon. "Ano ba 'yan, sinungaling siguro 'tong lalaking 'to." inis na bulong ko. Sabi niya a-accept niya raw ako, pero ngayon wala pa Tinignan ko nalang ang instgram ko, baka sakaling ni follow back niya ako ro'n. Bumalik ang ngiti ko ng makitang may limang notif doon. DL.fuevre started following you. Iyon ang unang notification sa instgram ko kaya napatili ako sa saya. "Ackkkk! ni follow back ako ni hubby!" Ni message ko siya agad hehe, kesa naman sayangin ko pa 'to. bakit hindi mo ako ina-accept sa face book? Lalong lumabas ang ngiti ko ng makitang typings ito agad. Oh sorry, i dind't check my face book account. It's okay Luce, pwede mo na akong i-accept ngayon Yeah, wait. I already accept you. Really? let me check Napa-ngiti ako ng makitang friends na nga kami sa face book, pero nawala rin ito ng may tumawag sa akin. "Ano? okay ka na ba? susunduin ka na namin." boses ni sam ang narinig ko. "ay, wait lang" Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at 4:39 na, bakit ang bilis? "Ano? sabi ko sayo 5 ka namin susunduin." Naiimagine ko ang mukha nitong nakakunot. "Oo, nag m-make up lang ako" pagsisinungaling ko. "Dalian mo pupunta kami riyan ng 5" huli niyang sabi at pinatay na ang tawag. Bago pumasok sa bathroom ay ni replyan ko muna si luce. Mamaya na tayo mag baby time, okay? Hindi ko na inantay ang sagot nito at pumasok na ako sa cr. Nang matapos maligo ay inumpisahan ko na ang pag m-make up sa mukha, nandito na rin sina sam at inaantay ako sa sala, Lumabas ako ng kwarto at nasalubong ko ang nakakunot na noo ng dalawa. "Bakit ba ang tagal mo? sabi mo kanina nag m-make up ka na." inis na sabi ni sam. "Hehe baby time, sorry" Nag peace sign pa ako sakanila. "Anong baby time? sino iyan, ha?" Tanogn naman ni kia. "Wala, tara na" PUMUNTA muna kami sa isang restaurant para kumain muna, para raw busog kami kapag dumating doon. Actually hindi ko first time makapunta sa bar, siguro ay pangalawang beses ko na ito, noong una ay nag-yaya si sam dahil broken daw siya, hindi sumama si kia dahil wala siya rito noon. 6:13 na nang makarating kami sa bar na sinasabi ni samantha, hindi ito ang parehas na pinuntahan namin, mas nakakahilo rito dahil sa ingay ng paligid at magugulong ilaw. "Dito tayo" turo ni samantha sa bakanteng upuan at lamesa. May dumating na waiter papalapit sa amin at tinatanong kung ano ang oorderin pero hindi ko naman alam ang mga 'yon kaya hinayaan ko nalang sila um-order para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD