Narating ni Bron ang ospital sa hapon na iyon. Nilakad niya lang to. He fought those zombies na pinipigilan siya at hinaharangan siya. He was ready for that already. Gulat si Bron nang makitang parang haunted na ang private hospital. Maraming bakas ng dugo ang mga pader na lalong nagpakaba sa kanya.lalo na't hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa kanyang kapatid at ina.
Pinuntahan niya yung secret operating room nung matabang doktor. Pagdating niya may nakita rin siyang duguang marka ng kamay sa pintong bakal. Sira na rin ang security lock nito. Kinabahan siya habang iniisip kung napano na ang kanyang kapatid at ina.
Tinulak ni Bron ang mabigat na pinto at agad niyang nakita ang tatlong lalake na nakatayo. Kung dati apat sila, ngayon tatlo nalang. Their white suits are not that white anymore dahil sa dugo. Naisip ni Bron baka may masama silang ginawa sa kapatid niya. Nagsimula nanaman siyang makaramdam ng galit.
"Nasaan si Amelia at ang aking ina!??" Sigaw na pa-tanong ni Bron.
Hindi siya sinagot pero lumabas naman ang matabang doktor mula sa kwarto kung saan nakalagay ang kanyang ina noon. Iba na ang itsura ng doctor. Payat at maputla na ang doctor.
"Nasaan sila?" - Bron
Tahimik lang silang lahat. Lalong uminit si Bron. Bakit hindi ako sinsagot ng mga to!?
"Kuya?" Maliit na boses galing sa likuran ng doctor.
Bron eyes narrowed as he see his sister came out from the doctors back. Wala namang sinabi ang doktor. Naka titig lang siya. Tulad ng doctor, mapayat at maputla na rin ang kapatid niya. Hindi lang dahil siyay may sakit kundi matagal tagal na rin siya dito. Lumapit si Bron sa kanya. "Amelia...." Nanginginig na boses ni Bron.
But then the doctor interrupted " She's losing her hair every now and then. Mabilis na kumalat ang virus sa katawan niya. Pero sa tulong ng aming naisagawa na serum, we certainly slowed this down. Mapapahaba pa ang buhay ni Amelia.
Pagkatapos nitong marginig ni Bron, lumuhod siya sa harap ng kapatid na parang naluluha.
"Kuya? ba't dala mo ang espada ni papa?" She innocently asked.
"To protect you from monsters." Sambit ni Bron. Hawak niya ang malilit na braso ni Amelia.
Tumingin si Amelia sa doktor. "She knows and understands what’s happening, Bron. Alam na niya. kung bakit siya nagkakaganyan. At alam niya kung san ng simula ang apocalypse na ito." Sabi ng doktor. Amelia just stared at her brother.
"She's strong.. At sabi pa niya sa'kin, Bron. Hindi siya iiyak.." Sabi ng doctor habang binibigyan ng ngiti ang 9 years old na si Amelia. Hinawakan ni Bron ang mga kamay nito. It felt cold.
"Sorry kuya... Ako ang naging naging simula ng lahat ng 'to." Sabi ni Amelia na halatang malungkot.
"No... Hindi. Hindi.Wala ka'ng kasalanan, Amelia.. Ito ba ang sinabi mo sa bata??" Sambit ni Bron at niyakap ang kapatid habang masamang tinitigan ang doktor. He patted her head at oo nga, kusang nahuhulog ang mga buhok nito. Hindi mapigilan ni Bron mapaiyak at lalo pang hinigpitan ang pag akap sa kapatid..
"You will never become one of them. Hindi ako papayag maging isa ka sa kanila. Promise 'yan" - Bron
"Patawarin mo rin ako Bron. I lost grip of your mother. Hindi ko alam kung kinuha ba siya rito o tumakas ba siya. Hindi na namin siya nakita sa whole buidling.." The doctor interrupted
"Hahanapin ko siya." Matapang na sabi ni Bron.
The doctor sighed. " Alam ko rin kung ano at kung saan makukuha ang cure sa virus na ito."
Lumingon si Bron sa doktor. Kinuha ng doctor ang isang maliit na kahon.
"Ano iyon? Sabihin mo saakin." -Bron
Ibinigay ng doktor ang kahon kay Bron. "The Last Flower" Tinanggap ito ni Bron.
"Ang alam ko, may mga scientist na kasalukuyang hinahanap ito now a days." Dadag pa nito.
"Just tell me where it is." Titig na titig si Bron sa mga mata ng doktor puno ng galit at diterminasyon.
"I don't know the specifics about it. Basta ang alam ko.. Hanggang sa may kalikasan pa, nandiyan pa rin ang bulaklak. At alam nating kaunti lang ang bukirin natin sa bayang ito." -Doctor
"Kalikasan?? Hindi mo ba nakikita kung ano na'ng nangyayari ngayon sa paligid? Unti unti nang nawawala ang mga halaman.. Ang mga puno..Nauubos na ang kalikasan dulot ng pagwawala ng mga hayop; sinisira ang sarili nilang tirahan. Alam ko'ng kapag nadapuan ng virus ang mga hayop, mas wala silang kontrol sa sarili." -Bron
"Alam ko Bron kung ano'ng karahasan ang nagaganap sa paligid. I’ve seen it too. Kaya nga nanatili nalang ako rito. Tama ka, unti unti ng sinisira ng mga tao’t hayop ang kalikasan, kaya ibig sabihin, konte nalang ang oras mong mahanap ito lalo na't may mga scientist na hinahanap rin ito.." -Doctor
Nagkunot-noo si Bron. " Kaya nga hindi na ako mag sasayang pa ng oras..." Sabay hawak ng mahigpit sa kapatid at pumatungo sa pinto.
"Bron... Kakaiba ang bulaklak na ito. The last kind of it. Huling lahi na 'to. Dahil abusadong ginagamit naming mga scientist ang mga bulaklak na iyan noon para sa mga experiments namin, kaya ngayon, it's going extinct. At isa pa, these flowers live together. Ibig sabihin, nasa iisang lugar lang sila tumutubo. Ito tandaan mo, if theres a river, theres a big possibility na na sa paligid lang nito ang bulaklak." sambit ng doktor.
Napahinto si Bron at muling nilingon ang doctor. "Salamat.." Sambit niya at umalis sa silid na iyon kasama ang kapatid.
"Ang kahon na iyan, Bron, ay nag lalaman ng isang dosenang serum. Gamot iyan para sa kapatid mo. Kaso hindi ito tumatagal. 12 hours is its limit.. Kailangan mo'ng i-inject iyan kay Amelia, bago pa umabot ng 12 hours. Nakakatulong itong mapahina ang pag spread ng virus sa buong katawan niya. Kaya bago pa maubos ang 12 na serum na iyan Bron, dapat mahanap mo na ang bulaklak. Mag to-12 hours na mamayang gabi simula nung inenject ko siya. Huwag mo'ng kalimutan.." -Doctor
"Opo.." Klarong klaro ang determinasyon sa boses ni Bron. Lumabas na din si Bron mula sa silid kasama ang kanyang kapatid.
Tumingin si Amelia sa kanyang kuya. "Kuya, huwag kang mag-alala. Kaya ko pang mag lakad. huwag mo na akung buhatin" Sambit nito sabay ngiti.
..........
Fortunately, nakakita si Bron ng police bike at ito na ang ginamit nila para bumaik sa Haumsterson High school. Mahigpit na niyakap ni Amelia ang kuya from behind habang ng d-drive ito. Feeling niya ligtas na ligtas na siya sa piling ng kanyang kuya. Napangiti ang bata with content and happiness.
"I love you kuya.. And thank you for coming back for me" Mahinang sambit ni Amelia.
------------------------------
(sa school)
" Sunset na ah. Wala pa si Bron. Baka akalain niyang wala na tayo dito dahil inaatake nanaman dito ng zombies." May tensyon ang tunog ng boses ni Erick while loading a shotgun.
"Nawawala rin si Kayri, Erick." Sambit ni Hannah na halatang kinakabahan na. Binigay naman ni Erick ang loaded hand gun sa kanya.
"We’ll find him. Lalaban tayo sa mga zombies na ito!" Sambit ni Erick at lumabas na ng classroom.
Hindi nila alam na nakapasok na pala ang mga zombies sa campus. Halatang sinandya itong buksan para maka pasok ang mga zombies. Hindi naman nila kaagad namalayan dahil nakatulog sila buong hapon. Nagising na lang sila sa ingay at baho ng mga zombies na ito.
RrrRRhhrrHRRRhhrRRrr !!!!!
Dinig sa whole school building ang ingay na dulot ng undead.
Makaka labas at makaka survive ba sina Erick at Hannah?
Sinadya bang buksan ang pinto?
Darating kaya si Bron?