SUMANDAL si Isaac sa pintuan ng verandah. He watched Avery jumps around the trusted old employee as Mang Hener smiles how energetic his companion is.
"Mang Hener, Mang Hener! Lumiit po timbang ko!" Maligayang balita ni Ava sa matanda.
"Oyyyy... magandang balita yan 'ah." Narinig ni Isaac na sagot ng katiwala. "Ibig ba sabihin noon, effective ang pagbubungkal natin ng lupa at pagbubuhat mo ng mga basket ng mga kalamansi."
"Epektib!" Nag-thumbs-up pa si Avery.
Ngumiti si Isaac na humalukipkip. Kapag kasi wala siya sa mansion, si Mang Hener ang kinukulit ni Avery para magpapawis sa pamamagitan nang pagsama sa matanda sa pag-papaganda ng hardin.
Hindi namalayan ni Isaac na tumabi sa kaniya si Yaya Mona na may dalang isang basket ng labahan.
"Ano nakain ni Avery?" Tanong ng matandang babae. "Hindi mapakali at nalaman kong kanina pa kami hinahanap."
"She just wanted to share her happiness. She lose weight, Yaya Mona. Can you believe that?" Nilabas ni Isaac ang cellphone at simpleng kinunan ng litrato ang babaeng malakas na tumatawa sa hardin.
Makahulugang ngumiti si Mona sa alaga. "Aba't iba sigla mo ngayon 'ah."
"Huh?" Agad pinawi ang Isaac ang ngiti. "May sinabi ka, 'ya?"
"Sabi ko iba ngiti mo---"
"M-May tatapusin pa pala ako." At mabilis siyang tumalikod at pilit itago ang namumulang mukha.
Umiling nalang si Yaya Mona at napatingin na rin sa masayang si Avery.
LIAM was sitting on a chair at the dressing room. He restlessly taps his fingers on the armrest. He still can't shake off Avery's face on his mind when he saw her at Isaac's place.
Nasa mukha nito ang hinanakit at pagdadalawang-isip. 'What the hell have I done?!'
Ewan ba niya't nakaramdam siya ng takot nung nagdadalawang-isip si Ava na tanggapin ang kamay niya. He can feel she's slowly disappearing from his life.
Avery who has been behind him, supporting him from the shadows. Avery who accepted him whole despite his flaws.
"Liam?" Tawag sa kaniya ng assistant director ng commercial na i-te-taping nila ngayong araw na ito. "Someone's here."
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Isaac sa dressing room. When the assistant director left, Isaac faces him. "Brunch?"
[Brunch - a combination of breakfast and lunch eaten usually during the late morning.]
"TO what do I owe this honor of THE CEO visiting me?" Tanong ni Liam. They are currently in a posh restaurant having brunch.
Matapos ibigay ang order sa naghihintay na waiter, tiningan ni Isaac ang kaharap. "Nothing's changed between us, Liam."
"Meron." Uminom ng jasmine tea si Liam. "Damn, you're the owner of Prima Nova!" He scoffs. "Inalila ko ang may-ari ng entertainment agency na pinagtatrabahuan ko."
"I was your manager before I became the CEO, Liam." Ini-adjust ni Isaac ang suot na eyeglasses. "I know we had a bit of friction these past few days."
"It's fine. Dala lang siguro ng maraming nangyari." Liam saw a familiar cookie being served by a waitress on Isaac's plate. "I didn't know you're a fan of cookies."
Nagkibit-balikat si Isaac at kumuha ng isang strawberry cookie w/ raisins. "Just happened to be my new crave."
Tumango si Liam at uminom uli ng tea.
"About your new manager." Nilabas niya ang isang papel sa folder. "I decided that you'll still be under my care indirectly. You're our agency's top star and finding a good manager to handle you will be a difficult task."
"So, the reason you left the spotlight back then because you are Elijah Miller's son."
Tumango si Isaac. "Kind of."
Liam clicks his tongue. "Tsk. I can't help but feel I'm just second to you. Ice... you were really famous back then."
Nagkibit-balikat si Isaac. "s**t happens."
4 YEARS AGO | ISAAC'S AGE: 20 years old.
"Alam kong nagrerebelde ka, Isaac. I know because I meddle with your life too much." Mahinang saad ni Eli sa anak na nakatayo sa tabi ng hospital bed niya.
"Just get well, Dad." Isaac combs his black hair with his fingers.
"I'll be signing my last will tomorrow."
"Isn't it a bit too early for that?" Isaac, in white shirt, with black piercing on one ear looks down on his bed-ridden father.
"Sabi ng mga doctor, I might have my seizures anytime...worst case, baka ma-coma ako kung di agad maagapan."
"What are you trying to imply?"
"Being my only legitimate son, I'll give you 40% of the S&MCg's share."
"It's not that I care... but the remaining 60%?"
"20% will be added if you agree to manage this kid." Sabay lahad ng litrato ng isang lalake na tingin ay ka-edad lang niya.
"Manage?"
"Use your connection on the entertainment world and make him big."
"No. I have my own name---"
"Leave the spotlight, Isaac. It's not meant for you."
"I hate repeating myself, Dad." Taharan niyang sagot sa ama. "Here you are, dictating me. Again."
"You're really are my son. Give the old man a break, Isaac." At dahan-dahan itong huminga ng malalim. "You want me to leave the world knowing someone not in my family will inherit the things I worked hard for?"
"Dad... I am not you. I am not molded to be... a businessman."
"Ikubli mo man, Isaac. You're a Miller. And a Miller is too proud and protective of the things that are his."
THAT AFTERNOON, Isaac stared at Avery who is busy lifting a ladder. May panibagong trip na naman ito at si Mang Hener sa may main door ng mansion. 'And a Miller is too proud and protective of the things that are his.' "Tsk... you cunning old man." Saad niya habang nakatayo a gitna ng sala at napatingin sa vase na naglalaman ng abo (ashes) ng ama. "You know this will come right?"
The mansion is close that day to prepare for Elijah's burial on the columbarium tomorrow.
[Columbarium - is a cemetery/place where cremated remains are laid to rest]
Tumingin siya sa malaking portrait nito sa likod ng vase. He may be controlling at times, but he never failed to be a father after his mother and his little sister died in a plane crash. A flight that they concluded, was sabotaged by his father's enemies in business.
Dahil sa negosyo, maraming nasagasaan si Elijah na mga malalaking negosyante. Those who have ill relationship with him, plot something against Eli that costs two of his family members. Kasama sana si Isaac sa flight kung di sana siya napasali sa isang away noong Grade 4 siya kung saan may sinagip siyang batang babae mula sa pam-bu-bully.
Because of the sudden tragedy, he hated his father after that. He blamed him for being too engrossed on business. Kung tutuusin, kahit tatlong henerasyon pa ng pamilya nila ang 'di magtrabaho, mamumuhay pa rin sila ng marangya.
He rebelled. Got into fights in nightclubs, took home numerous girls, making bad records on schools --- anything to piss the old man off. Pero kahit anong gawin niyang pagrerebelde, Elijah always picked him up at police station silently. No matter how angry Eli was, he never laid a finger on Isaac.
Eli's way of disciplining him? His cars are confiscated, credit cards are cut-off.
Isaac's answer? He entered modelling to earn for his living.
But when Isaac knew his dad was suffering and offered him the heirloom, he left the spotlight with no qualms. With or without the inheritance, he'll leave the modelling for his father. Elijah is dying and Isaac needs to be with him on his fragile days. Just like what Elijah did on Isaac when he was about to wreck his life.
Naputol ang pagmumuni niya ng dumaan si Avery sa gilid niya na puno ang bibig ng orange. Isaac smiles. "Hey."
"Hmm?" Lumingon si Avery sa kaniya.
Isaac wipes her cheek tainted with dust. "You're a mess."
Ngumuya si Avery at ngumiti. "Success ang h-in-arvest kong orange. Sabi kasi ni Mang Hener, wag daw hawakan ang prutas kung pipitasin. Dapat sa stem lang at hayaang mahulog. Ang tamis nga!"
"Patikim."
Kumuha si Avery ng isang slice ng orange at sinubo kay Isaac.
Isaac was about to eat the slice when Avery felt his tongue on her fingertips. Napaigtad ito dahilan para mabitawan ang slice at nahulog sa sahig.
Naguguluhan si Isaac. "Papakainin mo ba ako o hindi?"
Namumulang binigay ni Avery ang orange sa kaniya. "Ikaw na sumubo. Bahala ka diyan sa buhay mo."
"Huh?" Sinundan lang niya ito ng tingin sabay subo ng orange. Aakyat na sana siya sa hagdan nang may tumunog ang cellphone niya.
AFTER dinner, Isaac stands on the poolside and recalled the call he received earlier.
'You need to establish your presence here at London Headquarters, Sir Isaac. Investors are getting agitated to pull out their shares due to the change of management which they think are not yet ready for a more stable operation of the Smith&Miller Conglomerates.'
'Sir, The Amsterdam directors would like to meet you and discuss further business ventures for S&MCg."
'Sir Isaac, when will you be visiting the Australia HQ?'
Tinanggal ni Isaac ang eyeglasses. "Damn it. I need to leave ASAP or else----"
"Zzzzz..."
Hinanap niya ang pinanggalingan ng tunog. Napayuko siya sa nakaupo sa tabi ng paanan niya. Si Avery na nakatingala sa kaniya. "What are you doing there?
"Lalim ng iniisip na'tin 'ah. 'Di mo nga ako namalayang lumapit."
"Sa susunod na gawin mo 'yang biglang pagsulpot mo, sisipain kita papunta sa pool." Banta niya.
Lumabi si Avery. "As if nagulat ka."
"Stop doing that."
"Doing 'that' what?" Tingala uli nito sa kaniya.
"'Yang pag simangot mo?"
"Ano? Mukha mo ba 'to para ikaw magdedesisyun kung ano dapat expression ko?" Mas pina-simangot pa niya ang mukha.
No, Isaac didn't mean it that way. It's just that Avery is...
Napatingin siya sa mapupulang chubby na pisngi at naka-usling labi nito pag sumimangot.
... it's just that Avery's too cute everytime she did that expression. Feeling niya pag may hihingin ito at gagamitan siya ng ganoong mukha, bibigay agad siya ---
Pinilig ni Isaac ang ulo at muling tumingin sa asul na tubig ng pool.
"Isaac."
"Avery".
Sabay nilang tawag sa isa't-isa.
"Ikaw muna." Sabay uli nilang sabi.
Tumikhim si Avery. "Umm... uuwi kasi si Papa sa susunod na araw."
Niyuko ni Isaac ang babae.
"Tatlong t-taon na kasi 'di siya umuuwi kaya plano ko sana na... ano..."
"You're going home." Dugtong ni Isaac. Tumango ito. "What's with the long face? It's not that you live here anyway. Also," Umupo siya sa tabi nito. Both their feet are on the water. "They are your family, Avery."
Tumingin si Avery sa katabi. He's not wearing his eyeglasses. Ang guwapo nga nito pag-walang suot na glasses. Lalo na ngayong naiilawan sila ng mga ilaw sa ilalim ng pool.
"Aalis rin ako, Avery."
Natauhan si Avery sa sinabi ni Isaac. "Huh?"
"I got tons of responsibilities now." He kicks the water underneath. "The company needs me. I can't face Dad's soul if I mismanaged the legacy he left."
"Saan? Malayo ba? Kailan uwi mo?" Sunod-sunod niyang tanong.
Napangiti si Isaac. "Calm down, pinapakita mo masyado na ma-mi-miss mo ako.---"
Hindi na natapos ng lalake ang sasabihin nang malakas na tinulak ito ni Avery papuntang pool. "Huwag mo nga akong tuksuhin!"
A loud splash resounds the night air. Isaac, shivering in the water, annoyingly pushes his head out the water and looks at Avery. "s**t! ALAM MO BANG ANG GINAW?! GUSTO MO BA ULI NA LAGNATIN AKO---" Natahimik si Isaac nang makitang sumimangot uli si Avery. He swims towards her and looks up. "Hey..."
"Hmm?" She meets his eyes.
"I'll be back." Ngumiti siya. "I'll be gone for 6 months or so? I'm just going to arrange works Dad left me. Won't be long." Despite not telling him, he knew Avery's sad about him leaving.
Kailan ba sila marunong mag-basa sa kani-kanilang isipan. Isaac didn't know when but he just know it was what Avery's feeling now.
Umingos si Avery. "Sinabi ko bang ma-mi-miss kita ---"
"I'm going to miss you."
Natigilan si Avery at napatitig sa mukha ni Isaac. Water-drops trace his cheeks from his wet hair. Though not smiling, his brown eyes are.
Mas bagay talaga ito pag walang eyeglass.
Isaac in the water, Avery at the poolside sitting. Their position gives full of their faces.
Nahihiyang namula si Avery. "Ma-mi-miss rin kita." Pag-aamin rin niya sa wakas.
"I know." Isaac grins.
AFTER the solemn burial, Isaac and Avery, as they planned... separated ways. He was busy preparing for his departure while Avery went home to welcome her dad.
Isaac asked for her number before she left.
Pero magtatalong araw na ay wala pa ring natatanggap na tawag o mensahe man lang si Avery. Nakaupo siya sa sofa nila sa bahay at nakatanglaw sa labas. Sumimangot siya. 'Assuming ka kasi 'te... Humingi lang ng number, tatawag agad? Mag-te-text kaagad?'
"Avery! Anak!" Tawag ng ama nilang si Ben na noo'y nilalabas ang mga dalang pasalubong sa maleta nito. "Heto, may marami akong chocolates na dala. Alam kong paborito mo ito."
Umupo ng maayos sa sofa si Avery at umiling. "Kakakain ko lang po niyan kanina. Busog pa ako."
Sabay napalingon si Aurora, Andrea, Andro at Ben sa dalagang nagmamaktol. "Ikaw ba 'yan. Avery?" Sabay rin nilang tanong.
"Ay, 'di po yata. Kapit-bahay niyo po ako. Nakikisawsaw lang sa pamilya ninyo." Naiinis niyang sagot.
"Avery, simula nang umuwi ako, konti nalang kinakain mo. Nangangayayat ka na rin." Obserba ni Ben.
"Pa." Nagbuntong-hinga siya. "Huwag niyo pong sasabihin na nangayayat ako kung..." Niyuko niya ang tiyan. "Three floors pa 'tong bilbil ko. Ang bilis ko pa namang umasa."
"Okay ka lang ba, Ava?" Tanong ni Aurora sa anak.
"Opo." Humiga siya sa sofa. "Kino-control ko lang ang sugar intake ko."
"Ses..." Singit ni Andro na noo'y sinusukat ang pasalubong na sapatos. "Control... sabihin mo love sick ka kasi hinihintay mo na tumawag o mag-text si Kuya Isaac---"
Tinapunan niya ito ng throw pillow. "Bwesit ka!"
"Aray!" Natamaan niya ito sa ulo. "Pa 'oh! Si Tabachoy!"
"Kuya ka ng kuya... close kayo?" Inis na tinapunan uli ni Avery ng unan ang bunso.
Ngumiti si Andrea. "Ano bang nangyari doon kina Isaac ha, Ava?"
"Wala." Diresto niyang sagot. "Bakit ba kayo Isaac ng Isaac?" She then remembers Isaac's face, wet from being drenched in the pool. Hindi niya namamalayang namumula na pala siya.
"Yuck! Si Ate namumula!" Tukso ni Andro. "Parang niluluto lang na lechon."
Sinugod ito ni Avery at pinaghahampas ng unan. "Sabing wala nga!"
"TULONG! PAPATAYIN AKO NI ATE AVERY!" Sigaw ni Andro nang dinaganan siya nang heavy-gat niyang ate.
ISAAC pauses from arranging the his clothes in his luggage that afternoon when he saw his silent phone on the bed. Naalala niya si Avery. Pupulutin na sana niya ito nang may may tumawag. He annoyingly answers it. "What?"
Man 1: "Sir yung contract po natin sa England? Approved na po pero ---"
"I told you I'll drop by at England once I'm done with my Amsterdam visit." At ini-off agad ang tawag sabay bato sa phone sa loob ng luggage. Huminga siya ng malalim at umupo sa kama. 'Give me a break...' Hindi pa nga siya opisyal na nagsisimula sa trabaho niya'y naiinis na siya. He picked his phone again and looked at its wallpaper: Avery smiling while holding three oranges. Palihim siyang ngumiti.
Mula sa pagsilip ni Jinkie sa bahagyang nakabukas na pinto ng amo ay nilingon ng batang katiwala si Yaya Mona sa likod nito. "Nababaliw na talaga si Sir Isaac, 'nay Mona. Kanina galit, ngayon ngumingiti. Kaya nga ayaw ko yumaman... nakakabaliw daw."
"Hayaan mo na siya." Napangiti na rin si Yaya Mona sa nakitang pagbabago sa alaga. "Ako na halos tumayong nanay niyan kaya alam ko bakit yan nagkakaganyan."
HINIHINGAL na huminto si Avery mula sa pag-jo-jogging sa oval grounds ng elementary school nila. 5AM siya nagsimula at halos mag-a-alas 6 na siyang natapos.
'Isang oras. Hindi na rin masama.' Di nalang niya pinapansin ang mga mapanghusgang mata ng mga iilang nag-e-ehersisyo rin doon. Busy siya sa paghahabol ng hininga para pagkaabalahan ito.
'Diyos ko... parang pasan ko ang buong mundo sa bigat ng katawan ko.' Doon kasi siya nahihirapan, sa pagtakbo. Dahil sa bigat ng katawan niya, kada hakbang niya'y umaalog rin pati kalamnan niya.
Tinukod niya ang mga kamay sa tuhod sabay ngiti. 'Success pa rin.' At least, naka-ikot siya ng apat na rounds.
Biglang may sumulpot na bottled water sa harapan niya. When she looks up, she sees Liam, also sweaty from working out. "L-Liam?"
NAKAUPO sila sa damuhan sa kanilang elementary school na pinapasukan nila noon at nakatingin sa walang tao na soccer field.
Avery nervously playing the bottle on her fingers while Liam is staring at the blue-painted, morning sky.
"I'm sorry." Liam shattered the deafening silence between them.
Nilingon niya ito. "Wa-wala na 'yon."
"I betrayed you on the last minute, Avery." Nakatingala pa rin ito sa kalangitan. She can't see his eyes since his hair is somewhat hiding them.
Tahimik na tumingin uli siya sa field.
"I know I shouldn't done that." He continues. "I know I should have proudly tell the world who you are to me."
Avery saw Liam clenches the grasses underneath his palms. Huminga siya nang malalim."N-Nasaktan ako, aaminin ko." Tumingin si Liam sa kaniya. "'Di ko 'yon i-de-deny. P-Pero naintindihan naman kasi kita. Sino ba naman ako... isang tabachoy na---"
"Don't say that---"
"But you just did, Liam!" Buwelta niya. He keeps on promising he won't deny her but he just did. Puno ng hinanakit niyang nilingon ito. "In front of thousands and thousands of people watching you that time, you just did, Liam! So please don't tell me that...." Yumuko siya. Ito ang ayaw niya pag nagagalit siya, umiiyak siya.
Liam stared at Avery. "You're special to me Avery... and I chose to ignore the fact that you have always been supporting with me by turning my back on you." Then he pull her for a hug.
Avery closes her eyes to feel his warmth.
"I won't hurt you again... I promise." He whispers. "A chance?" Tapos yumuko ito para tingnan siya sa mukha.
Tinitigan ni Avery ang asul nitong mga mata.
Matalik niyang kaibigan ito. They have been through a lot of fights, yet they managed to resolve it. Alam niyang naiiba ang away nilang ito dahil damdamin na ang pinag-uusapan pero alam niyang di iyon sinadya ni Liam. Nagawa lang nito iyon dahil sa trabaho nito.
Alam rin niyang nasasaktan rin ito at nagsisisi.
She knew Liam and she can tell he is sincere.
Slowly, Avery nods. Sayang ang pagkakaibigan nila.
Liam smiled triumphantly. "Really?"
Napangiti na rin si Avery. "B-Baliw..." Muli siyang niyakap ng masayang-masayang Liam.
MATAPOS nilang mag-usap ng masinsinan at nagbahagi ng mga nangyari sa mga araw na hindi sila nag-uusap, nilibrehan siya ni Liam ng streetfoods.
Naudlot ang pagsubo ng fishball ni Avery nang may sinabi si Liam. "Huh? Ano? Aalis ka rin?"
"I have a Milan fashion show next month then I'll be flying to Japan after and a contract signing in States." Kinain ni Liam ang fishball sa stick niya.
"G-Ganoon ba?" Kumuha siya ng fishball uli at nilublob iyon sa sauce.
"Bakit mo nasabing 'Aalis ka rin?', may iba bang aalis?" Usisa ni Liam.
Mabilis na umiling si Avery. "Wa-wala."
"Nangangayayat ka 'ata?"
Ngumiti siya habang ngumunguya. "Halata na ba? Galaw-galaw rin kasi ako pag may time."
Liam pinches her cheeks. "Oh, kain ka pa."
"'W-Wag na." Nilunok ni Avery ang kinain. "Okay na ako sa dalawang stick."
Parehong napatingin ang tindero at si Liam kay Avery na noo'y bumili ng buko juice sa katabing food cart.
Did Avery just rejected a food offering?
"WILL you see me off?" Tanong ni Liam nang makarating sila sa harap ng bahay ni Avery. Dahil malapit lang ang bahay nila sa eskwelahan, napagdesisyunan nilang lakarin nalang ang subdibisyon. Liam is wearing a black cap and a jacket to avoid the lurking paparazzi.
Sikat pa rin ito. Mahirap baka biglang dumugin.
Nabitin ang kamay ni Avery sa pagbukas ng gate nila at nilingon si Liam. "S-Sa? Airport?"
"Yup." Namulsa ito at ngumiti sa kaniya. "Please?"
's**t! Sarap yakapin ulit nito!' "P-Pero maraming makakita sa'tin..."
"This time I'll prove to you I am serious about making it up to you."
Nagtatambol ang marupok niyang puso sa dibdib niya. "Kahit may makikita? Ma-ba-bash ka kapag malaman nila na kilala mo talaga ako, taliwas sa sinabi ---"
"I'd rather be hated than end up losing you, Avery. Ayokong makita kang takot na lumapit man lang sa akin dahil baka saktan kita uli." He genuinely said it. His blue eyes darkened with earnestness.
"Seryoso ka talaga, ano?" Tumawa nalang si Avery para pagaanin ang kalooban nito.
"Oo. At pinagtatawanan mo lang ako." Maktol nito.
"Titingnan ko. Baka kasi may biglang lakad kami. Alam mo naman, kakauwi lang ni Papa."
"Better." Liam grins. "It's on Sunday. 4PM. Gate 23." Then he winks. "Send my regards to Tito Ben." He then jogs away.
Kinilig siyang tumango at pumasok sa bahay. Bumalik na uli sigla niya ngayong nagkaayos na sila ng idolo at mas lalong naging masaya siya nang handa na itong ipakilala siya sa buong mundo.
"Ava..." Tawag sa kaniya ng Ate Andrea nang tuluyan na siyang makapasok.
"Oh, Ate?"
"Kanina pa may tumatawag sa phone mo." Bigay alam nito mula sa kusina.
Mabilis pa siya sa kabayong umakyat sa hagdan, binuksan ang kwarto at kinuha ang cp sa kama.
3 missed calls from Isaac and a message.
Binasa niya ang message.
Isaac: "Airport on Sunday. 4PM. Gate 6. Meet me there."
Ngumiti siya at magrereply sana nang may naalala. 'Teka... ano nga 'yong kay Liam ---'
'Sunday. 4PM. Gate 23.'
Sunday rin! At alas-kuwatro rin!
MATAPOS maghapunan, pinapunta niya si Rose sa bahay nila at humingi ng payo. Nasa garden sila ng gabing iyon.
Inis na sinabutan siya nito. "P*TA KANG MAHAROT KA!"
"A-Aray!" Sinampal niya ang kamay nito na nakahawak sa buhok niya.
"Di ba sabi ko wag ka na bumalik dun kay Liam?!" Pinagpapalo siya ng bakla sa braso. "Nangangalaiti ako sa mga taong lakas umiyak pero babalik pa rin naman sa nagpaiyak sa kanila!"
"Anong bumalik? Wala namang kami!" Angil niya.
"Bumalik... bumalik ang katangahan mo sa kaniya!" Sinipa nito ang upuan niya.
"He just asked for forgiveness!" Depensa niya sa idolo.
"Forgiveness... okay. Tapos? Okay na kayo? Tapos sunod-sunuran ka na naman!"
"Aawayin mo ba ko o tutulungan!?"
"PAREHO, GAGA!"
Napatalon sila mula sa pagkakaupo sa garden set nang sumigaw ang Papa Ben niya mula sa isa sa bintana ng second floor. "HOY! ANO BA! NATUTULOG MGA TAO!"
Tumingin sa kaniya ang bakla. "Pareho." Hininaan nito ang boses at inis na kinurot siya. "Avery ha..."
Ngumiti siya sa concern ng kaibigan. "We just reconciled, Rose. Matagal rin kaming magkaibigan ni Liam. I know that he is really sorry."
Ngumiwi si Rose. "Oh, ano naman dilemma mo?"
At nilahad niya ang problema.
Both guys, Isaac and Liam, wanted her to see them off in the airport.
Napabuntong-hinga si Rose. "Isa idol, isa naman CEO. Bes, both of them are public figures. Kahit sino pipiliin mo sa dalawa, 90% pa rin na makikita ka ng karamihan."
Lumabi siya. "Kaya nga..."
"Iba rin kamandag mo 'no? Sa dami-daming problema sa Pilipinas, problema mo lang ay kung sino ang pipiliin mo sa dalawang naggagwapuhang lalake. WAW!" Sarkastikong palakpak ng bakla.
"Rose naman, eh." Nagdabog siya.
"Piliin mo ang taong sinisigaw ng puso mo, Ava." Seryosong payo ng baklita. "Corny but you should. Piliin mo yung ma-mi-miss mo ng sobra pag siya'y umalis. Piliin mo yung sa tingin mo'y mag-a-alala ka ng husto pag di mo siya nakakausap."
'Sa tingin ko'y ma-mi-miss ko ng sobra? Sa tingin ko'y mag-aalala ako ng husto?' Pagninilay-nilay niya. Napangiti nalang si Avery. "May times rin na matino kang kausap no, Rosauro Jeth?"
"Ulitin mong banggitin ang totoo kong pangalan, bubugbugin kita." Birong banta ni Rose.
TAHIMIK na nakaupo si Avery sa waiting area ng Gate 23. Lumilingon siya sa paligid at hinahanap si Liam. Tumingin siya sa wristwatch niya. '3:13PM. He should be here by now.'
"Ava?"
Napatingala siya at nakitang nakatayo sa di kalayuan si Liam. He's wearing a gray hoodie jacket, a cap and a half-face mask.
Lumapit siya rito. "Liam."
Liam was about to remove his mask when Avery stopped him. "H-Huwag mo na tanggalin."
"Huh? B-But I don't want you to feel I'm keeping you a secret again..."
Umiling si Avery. "Sabi ko nga sa 'yo okay na tayo 'di ba? Wag mo na yang tanggalin. Baka sugurin uli ako ng mga fans mo." Ngisi niya at sabay silang tumingin sa paligid kung saan may naka-antabay na mga cameras at mga fans sa pag-alis ni Liam sa bansa.
No one suspected that he's already at the airport since there's no security personnel tailing him.
At kahit may mask ito, alam ni Avery nakangiti ito dahil lumiit ang asul na mga mata ng idolo. "You came." He holds her hand.
"Gusto kitang makita kasi bago ka umalis." May nilahad siya na sulat.
Liam looked at the letter. "What's this?"
"M-Marami kasi akong sasabihin kaso baka ma-late ka sa flight mo."
"Huh? 4PM pa naman flight ko ---"
Then the airport speakers announce: "This is Etihad Airways. All passengers of the flight to Incheon, South Korea bound to London, United Kingdom, please proceed to Gate 6 for passport and boarding pass inspection. Again, this is Etihad Airways. All passengers of the...."
Natigilan si Avery. "I-I need to go, Liam." Kinuha niya ang palad nito at nilagay doon ang letter niya. "Basahin mo 'yan, ah! Pinuyatan ko talaga 'yan!" Sigaw pa niya habang tumatakbo palayo -- tumatakbo papuntang Gate 6.
Sinundan nalang ni Liam ng tingin si Avery. Tinanggal niya ang face mask.
Avery running far from him... is Avery disappearing from him.
Doon na medyo nagkagulo dahil may iilan na ang nakakilala sa sikat na idolo.
ISAAC, wearing a white shirt paired with a brown trench-coat and a blue denim jeans, looked around the waiting area while sitting on one of the steel chairs.
There's no sign of Avery.
When the speakers called the flight to London, he stands up and pulls up the handle of his brown luggage.
He was midway to the boarding gate when someone pulled his coat. Nilingon niya ito.
It was Avery catching her breath hard.
Hinarap niya ito. "Late ka."
"O-Oy... d-di ah." Malalim ang ginagawa nitong paghinga. "Hinatid ko kasi... si-si Liam sa kabilang g-gate."
'Sometimes, I hate her for being so bluntly honest.' Maiinis na sana siya nang may nilahad na dalawang rosas (rose) si Avery.
Napatitig si Isaac sa bulaklak. "What's this?"
"Roses." Ngumiti si Avery at pinahid gamit ang manggas ng damit nito ang pawis sa noo.
"I know." Tinanggap ito ni Isaac. "I mean, what for?"
She was about to answer when they heard shutters and clicks of the nearby cameras. People who recognizes Isaac, also pulls out their phone as they point it to them.
Lumalakas rin ang mga bulong-bulungan sa paligid.
's**t, anxiety attack.. p-please... wag ngayon.' Pilit pinatatag ni Avery ang sarili. Simula nung insidente sa presscom ni Liam, nagkakaroon na siya ng takot na mapalibutan ng maraming tao.
Pumikit siya.
"Avery."
Napadilat siya nang marinig ang boses ni Isaac at nagulat sa lapit ng mukha nito sa kaniya. Nakatitig si Isaac sa mga mata niya. "What are these roses for?" Ulit nito sa tanong. "I hate repeating myself."
"A-Ano..." She fidgets with her fingers. "Uhh... ano... h-have a safe trip? At I'm..."
"...'and I'm always thinking of you.'" Tapos ni Isaac sa sasabihin niya.
Namula ng husto si Avery. "Hindi... i-ibig sabihin niyan.. u-uwi ka ng buo rito sa Pinas. Baka mabakla ka 'don. Uso pa naman same s*x marriage sa London."
Isaac smiles and holds few strands of Avery's hair.
"I-Isaac... m-may mga cameras... m-maraming nakatingin sa atin." Pilit niyang yumuko para itago ang mukha. She hate being conscious.
"They should not dare publish wrong things about you, Avery." He kisses her hair on his hand. "I can shut them down in seconds."
Kinagat ni Avery ang labi. "P-Pag balik mo... promise ko, payat na ako." Naiiyak na pangako ng babae.
"No." Ngumiti si Isaac at pinisil ang pisngi ni Avery. "Just promise me when I come back, you're still here... waiting for me."
Ngumisi si Avery at pilit kinubli ang luha sa mga mata. "At di ka na mahihirapang yakapin ako."
And despite all the cameras and videocams staring at them in the airport --- of all the people looking at them, Isaac bend his head to kiss Avery at her cheek where a single tear fell. "I'll be back."
[NEXT CHAPTER 'THE SWAN PRINCESS 'PREVIEW:]
Isaac's overseas business trip was extended to almost a year. Now, S&MCg's employees on different business ventures: from beverages, entertainment, telecommunications, etc. planned a victory party to celebrate his success on getting the trust of almost all of his father's business associates and close almost 10 contracts in one go.
He plays the wine on his glass and is about to drink it when a woman, clad in off-shoulder, body-hugging blue dress, enters the room.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐