Reason 9: To love and to be loved ❤

3946 Words
[Last time on #10RTLW] Kulang nalang umusok ang ulo ni Avery sa init ng kaniyang mukha.  Isaac, kissing her hand, looked up to her. "I like you too, Avery." Yumuko siya't kinagat ang ibabang labi. "I-Isaac... w-wag kang magbiro." "I'm not."  Seryosong tumingin si Isaac sa kaniya. "When I told you that I like you back on your pre-shoot... I mean it." "P-Pero.... Baka nadala ka lang sa sexy na atmosphere doon kaya..." Nag-iwas ng tingin. "..kaya mo 'yun nasabi---- AHHH!!" Napatili siya nang bigla siyang hinablot ni Isaac paloob sa bathub. "I-Isaac!! I'm wearing my clothes---" Isaac buried his nose on her hair. Now, Avery's soaked in the tub with Isaac on her back. "When I say I mean it... I mean every word I say, Ava." Parang nabibingi si Avery sa lakas ng t***k ng kanyang puso. "I-Ibig mong sabihin..." Isaac pulled up her hands from under the water and raises it, covering the bathroom light shining upon them. Then intertwined his long fingers with hers. "The feeling is mutual." . . Avery looked to her side to view Isaac. "You mean... you like me too?" Niyuko ito ni Isaac. "Silly. I do." Then he pulled her chin up to give her a light kiss on her lips. "I like you, Avery..." Isaac smiled. "I like you, Avery. I like you---" Avery pulls his head down for a deep kiss. Isaac deepens the kiss more. She turns to him and holds his face with her palms, still tasting him, afraid that this moment will stop. Isaac smiles between their kiss and holds her small body. "Ugh!" Umiwas si Isaac at umubo. "Hala! S-Sorry.." Umahon si Avery sa tub. "Nasobraan ka sa paglublob. H-Handa na pala tea mo." Tumalikod siya at kinuha ang bathrobe sa likod ng pintuan. Haharap sana siya para ilahad ang roba when Isaac, from her behind, covered her eyes and suck the side of her neck softly. "I-Isaac.. w-what are you doing--- ah!" Napasinghap siya when she felt Isaac licked the part where he just sucked. "There." Binitawan siya ni Isaac. Hinarap niya ito. "A-Anong ginawa mo?" Dinama niya ang leeg sabay lahad sa bathrobe. Isaac slid the robe in his body. "Just a mark." "M-Mark?" Humarap siya sa salamin. "Anong---" Nanlaki ang mata niya sa nakitang namumulang kiss mark sa pagitan ng balikat at leeg niya. "Mark. A Kissmark..." Isaac tied his rob. "... marking the day you become my girlfriend." Tumalikod ito naglakad palabas. Gulat na nilingon ito ni Avery. "G-Girlfriend?? Y-You mean..." Isaac turns to her, smiling. "Yes, Girlfriend?" "B-Boyfriend kita?" Tumango si Isaac. "Should I need to repeat everything I---" Naputol ang sasabihin niya ng yumakap sa braso niya si Avery. Looking up to him with twinkling eyes. "Boyfriend na kita? "Y-Yes? Kakasabi ko lang---" "Boyfriend... t-tulad nung nasa movies... na kasama mong kumain... tapos nag-de-date sa sinehan?" "W-Well, we could do more than that---" "Y-Yung mag-te-text ng 'good morning', 'good afternoon', 'good evening', 'kumain ka na, naligo ka na?'" "O-Oo?" "Yung hahalik sa noo ko pag ako'y nilalagnat, kinukuha ako sa trabaho---" "Hoy..." Marahan niyang tinulak ang mukha nitong palapit ng palapit sa kaniya. "Ang dami mo ng pinapagawa sa'kin 'ah." Umiwas ito at nilapit uli ang mukha. "Y-Yung magka-hawak ang kamay pag naglalakad sa labas?" Ngumiti si Isaac at tumango. "Yes. That kind of boyfriend." "YIIIIIIIIIIIIIIHHHH!!" Kinilig na tili ni Avery sabay tumalon-talon. "MAY BOYFRIEND NA AKOOOOOOOOO, LOOORDD!!!" Hinawakan ni Isaac ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Tumahan si Avery. "Be my girlfriend." Umingos si Avery. "Sus... ba't nahuli ang pagtanong mo? Dapat kanina 'yan bago mo sinabi na girlfriend mo na'ko. Yun dapat--" "It means I am ready to defy the norms for you, Avery." . . *ba-dump*ba-dump*ba-dump*  It seems like time stops for Avery while staring at Isaac holding the strands of her hair. Para bang dumilim ang paligid, at may mga fireflies na lumilipad. Sumakit ang dibdib niya. No. It's not painful. It's more like that sweet pain you feel when loving someone. Love? Hinawakan ni Avery ang dibdib niya kung saan rumirigodon ang puso niya. Nilapat naman niya ang isang kamay sa may puso ni Isaac. *ba-dump*ba-dump*ba-dump* Their hearts are both beating at the same rhythmic speed. "Avery? What's wrong?" Tears are pooling on Avery's eyes as she looked up at Isaac. "Oh..." Ngumisi si Isaac. "Don't cry." Tumulo ang luha ni Avery. "I am enchanted to meet you, Isaac." Nawala ang ngiti sa mukha ni Isaac. "Oh, babe..." Isaac wipes her tears with his thumb and feels her face. "T-totoo 'to d-di'ba?" Ewan ba niya't ayaw huminto ng luha niya sa pag patak. "Yes. All of this." Lumapit si Avery at yumakap sa katawan ni Isaac. Isaac chuckles and trails his fingers on Avery's auburn hair. "Were all the happenings overwhelmed you that much?" Tumango si Avery na nakayakap pa rin. "Oo..." Niyakap ito ni Isaac. "I am enchanted to meet you too, Avery." . . "Avery?" Still hugging. "Hmm?" "You do know your wet from the tub, right?" "Oo." "And you're wearing a shirt?" Humiwalay si Avery. "Yes?" "I can see..." Isaac clears his throat. "I can see your bra clearly." -_- "Maghiwalay na tayo." Nasa labas ng terrace sila sa penthouse ni Isaac, snuggling and sitting on a hammock [A/N: Hammock - a swing made of cloth], while sipping their tea. They are overlooking the night scene of the city with lights from cars and buildings playfully serving as their stars underneath them. Wind softly blowing on both of them who are wearing black bathrobes. Palihim na tiningnan ni Avery si Isaac sa tabi niya na nakatingin sa kawalan. 'Ang gwapo ng boyfriend ko.' Kinikilig na komento niya. His stubble are darkening his prominent jaw yet it compliments him more. Sumandal siya rito at parang baliw na ngumiti. All her life, being called fat and ugly, di niya inaasahan na darating ito sa buhay niya. Wish lang niya ang magka-boyfriend pero sobra-sobra ang binigay ng Panginoon sa kaniya. He gave her a super hunk of a boyfriend. Nilapag niya ang tea sa maliit na mesa at yumakap sa katawang ng nobyo. 's**t! Boyfriend ko si Isaac!!' Isaac smiles broadly while secretly observing Avery. Ang saya-saya siguro nito dahil nagka-boyfriend na ito sa wakas. Avery might not be his first girlfriend but he felt the same as she is. That butterfly fluttering in your stomach? Tingling sensation in your chest? She made him feel like a schoolboy barely out from highschool who just got kissed by his crush. Di niya alam kailan nagsimula ang feelings niya kay Avery. But does it matter? No. Her physical appearance never mattered to him a bit. Because you love the soul, not the body. Love? He looked at Avery who fell asleep hugging him like she's afraid he might disappear any minute. Maybe he does love her. But the timing is not right--- with the competition in his family getting tighter and his dilemma with Zoey. He parted Avery's bangs and planted a soft kiss on her forehead. 'Let me sort things out first, Avery.' Umungol si Avery. "I-Isaac?" "Yeah?" Avery sleepily smiled. "Wag ka mawala bukas 'ah." "What do you mean?" "Baka kasi... panaginip 'to.. Ayoko 'tong matapos..." "It's not a dream. Trust me." "May problema ka ba?" "Wala naman..." "Your eyes say otherwise..." She snuggles closer. "Isaac?" "Yes?" "Andito lang ako 'ah.." Pumikit uli si Avery at dahan-dahan hinila ng tulog. "I.. may not help you solve it... but atleast I can ease your burden..." Tapos ay tuluyan na ulit itong natulog. But atleast I can ease your burden.  Yes, this what makes him admire and eventually love her more. She knew what you needed the most and offer it unconditionally. He grew up alone almost more than half of his life. He thought he can live and survive alone. Others thought he is capable enough on his own. No one bothers asking him how he feels or what he needs. And then...    [Their Silent Mutual Understanding Chapter (where Isaac was sick)] Sinalat ni Avery ang noo ni Isaac. "Nilalagnat ka!!! T-Teka kukuha muna ako ng gamot..." [Their Silent Mutual Understanding Chapter (where Isaac's father just died)] "P-Pasensiya ka na at di ako magaling humula ng mga bagay-bagay." Bumiyak ang tinig ni Avery na nakatingin sa kaniya. "D-Di ko agad nalaman na... na...nahihirapan ka na pala..." tumulo ang luha ni Avery. "Sorry, Isaac." Dinala nito ang kamay ni Isaac sa dibdib at mahigpit na hinawakan. "Sana natulungan kita sa dinaramdam mong sakit." [The Ugly Duckling Chapter (Pool scene where Isaac told Avery he'll be away)] "Ma-mi-miss rin kita." Hiyang amin ni Avery. [The Ugly Duckling (Airport scene)] "What are these two roses for?" Tanong ni Isaac nang may nilahad na mga rosas ang hinihingal na si Avery. "A-Ano..." She fidgets with her fingers. "Uhh... ano... h-have a safe trip? At I'm..." "... and I'm always thinking of you." Dugtong ni Isaac. [The Swan Princess (Where Isaac saw the slim Avery in the mansion's kitchen, baking cookies)] Isaac inhaled the scent he misses the most as he hugged her tightly. He closes his eyes and buried his face on her hair... on her neck. "Avery... I'm home." She then wraps her arms tightly around Isaac's neck, on the expanse of his broad shoulders. "Welcome home." [Reason 8: Ang Magka-Boyfriend, Lord!!]   Avery then reaches both her hands to feel Isaac's face. She felt his short stubble, three days worth of not shaving, playfully piercing her palms. Natigilan si Isaac nang maramdaman ang init ng mga palad ni Avery sa magkabilang-pisngi niya. Tiningala niya ang babae. Sumimangot si Avery. "You're not okay." Nagbuga ng hangin si Isaac at hinawakan ng palad rin niya ang kamay ni Avery tsaka pumikit. "I am now."      No one bothers asking him how he feels or what he needs. And then... she came. Painting his black-and-white world with different shades of color. He touches Avery's cheeks with his knuckles. "You're wrong, Avery. You're the one who should not disappear on me tomorrow. I might not know what to do if this is all were a dream. Because you just became my reason why mornings are good." He stands up and delicately reach out to carry Avery on his arms so that he won't wake her. He walks slowly inside his penthouse then gently lays her on his bed. Sumampa na rin siya sa kama, hinila ang kumot pabalot sa kanila at pumailalim doon. He then reaches the remote control to close the curtains and dim the light. Humiga uli siya, pulling the snoring Avery. Bahagya siyang napatawa nang bumukas ang bibig nito at malakas na humilik. "Good night, girlfriend."      Umungol si Avery nang maaninag ng mga mata niya ang sinag ng araw. Kumuha siya ng unan at tinakpan ang mukha. "Mama!!! Sino ba nagbukas ng kurtina----" Mabilis siyang napaupo at nilingon ang paligid. 'This is not her room. This is Isaac's--- ISAAC! Nasaan si Isaac?' Natataranta siyang lumingon. "I-Isaac?" Bumaba siya sa kama. "Isaac!" Tawag niya rito. Lumabas siya sa kwarto. "Isaac!" Tumingin siya sa veranda. Wala. "Isaac!!" Tawag uli niya. "Isaa----" "Here!" Lumingon siya sa direksyon sa kusina. Tinakbo niya ito habang tinatali ang bathrobe. "Isaac!" Nakita niya itong bagong ligo at nakabihis na ng puting shirt na naka-insert sa itim na business slacks. Lumingon ito sa kaniya na may kagat na cookie. "Hmm..." Inisang kain nito ang maliit na cookie. "Nagluluto lang ako ng agahan kaya di kita agad nagising." He resumes to cooking the scrambled again. 'Di panaginip!!!' Tumakbo si Avery at niyakap mula sa likod si Isaac. "Isaaaaaaacccccc..." "Easy, babe. I'm cooking." Nilingon siya nito. "Masama panaginip mo?" Umiling si Avery. "Ang ganda nga." Ngumiti si Isaac pero agad ring nawala nang maramdamang kinuskos ni Avery ang pisngi sa damit niya. "A-Avery! Don't rub your cheeks on my clothes! Alam mo ba na puno ng laway ang pisngi mo kagabi??" Mas binilisan pa ni Avery ang pagkuskos. "Oy!!! Kung away mong tumigil wala kang kiss sa'kin." Agad humiwalay si Avery at tumingala kay Isaac. "Kiss ko." She pouts her lips. Isaac gladly obliges by kissing her forehead. "Good morning, babe." Sumimangot si Avery. "Ba't sa noo, dapat---" She was cut-off midway when Isaac smack a kiss on her lips. Yumuko siyang namumula. "Your clothes in the dryer. Dress up so we could eat breakfast together." He winks. Tumango si Avery at naglakad papuntang banyo. Pero bago pumasok, nilingon niya uli ito."Boyfriend?" "Yes, girlfriend?" Lumingon naman ito sa kaniya. "Good morning, babe." Kilig na ngumiti si Avery at daling pumasok sa banyo. Malapad na ngumiti si Isaac na agad ring binura niya sa mukha. 'Isaac, para kang baliw.'      Tinanggal ni Avery ang seatbelt na nakapulupot sa katawan niya nang makarating sila sa pinagtatrabahuan niya. Lumingon si Isaac sa kaniya na syang nagmamaneho sa sasakyan. "Have a good day at work." "Ikaw rin." Ngumiti si Avery. Lalabas na sana siya nang lingunin niya uli si Isaac. "Yung goodbye kiss---" Isaac grabs her nape and smooches her soft lips. "Nakakarami ka na, girlfriend." "Hehehehehe... May isa pa akong favour." "Yes?" "Selfie tayo." "Huh---" Di natapos ni Isaac ang sasabihin nang bigla siya hinablot ni Avery sabay taas sa cellphone. "Oy, you're too close---" [Please see this chapter's photo] *SNAP* Avery smacks a kiss on his cheeks then dashes out the car. Napailing nalang si Isaac na tumawa. 'That's one crazy sweet girlfriend I have.' Natigilan siya. Girlfriend...  Matapos ang ilang taong pihikan sa mga babae, may nobya ulit siya. Nilingon niya ang masiglang si Avery na bumati sa mga nakakasalubong na mga magulang ng mga bata.  And it happens to be someone he least think of has the chance to be his girlfriend.       "Good morning, Chesca." Kakarating lang ni Isaac at lumapit sa counter ni Chesca. "Thank you for holding up without me here--- Chesca?" Tiningnan niya ang sekretaryang nakangiti at nakatingin sa kawalan. "Chesca?" He snaps his fingers infront of her face. Natauhan si Chesca na parang tangang lumingon sa amo. "Good morning, Sir." And creepily smiles. "Kumain ka ba ng agahan?" "Sobra pa sa agahan, Sir..." Na-weirdohan si Isaac sa inasal nito. "O...kay? Ihatid mo sa opisina ko ang schedule ko ngayon 'ah." "Ah! Sir Isaac!" And she's back to her usual self again. "May pinabibigay po na sulat si Ms. Zoey sa'yo." May kinuha ito sa drawer at nilahad ang kulay cream na sobre. "What's this?" Kinuha niya ito at tiningnan. Nagkibit-balikat si Chesca. "Di ko po alam... hinatid lang po 'yan dito sa driver niya." Binuksan ito ni Isaac. 'Meet me at Sterplon Hotel. 4th Grand Hall. 7PM. Wear something formal.'  Saad ng sulat kamay ni Zoey.      Nagulat si Avery sa kaibigang bakla na bumisita sa kaniya at binalitang may nangyari daw nito at kay Chesca. "Mapa-ninang ako nito ng di-oras." Umupo si Rose sa sementandong bench ng waiting shed. "Tumigil ka nga, Avery!! Di ko nga alam anong gagawin ko!!" "Ba't naman kasi di ka gumamit ng proteksyon, ha?" "Di nga a-ako sure, okay?!" Namumutla ito. "Kung di ka sure, eh siguro walang nangyari---" "M-May nakita kasi akong dugo." Tinakpan ni Avery ang bibig para di makasigaw. "NAKA-BIKTIMA KA NG---" "Sige, tapusin mo para mapatay kita." Inis na inamba ni Rose ang kamao nito sa mukha niya. "Anong gagawin mo ngayon?!!" Pinagpapalo niya ito sa braso. "M-Maghintay? K-Kung m-may nabuo ba....?" Umasta itong parang iiyak. "NAMAN EH!!!! BAKIT BA AKO NALASING!!!!!" "No, Rose. Magpakalalaki ka." "HA?!" "Ginalaw mo si Chesca, kaya panagutan mo." "Bingi ka ba? Kung may nabuo nga di'ba???" Umupo si Avery at sarkastikong inakbayan ang bakla. "Ilang taon na si Chesca sa palagay mo? 23? 24? Tapos ngayon lang nawala ang..." Tumikhim si Avery. "Ibig sabihin nun, inaalagaan talaga niya iyon at planong ibigay sa lalakeng mahal niya." Yumakap si Rose sa kaibigan. "Avery..." "It's okay, my friend." Pilit tinago ni Avery ang ngiti. "Kung sinong babae ma-i-inlove talaga sa porma mo ngayon." Humiwalay si Rosauro at hinablot ang buhok niya. "IMPAKTA!" Sabay silang napalingon sa bagong dating na sasakyan. "Sino yan?" Tanong ni Rose. Malakas na kumabog ang dibdib ni Avery. "S-Si Liam."      Di makapaniwala si Liam sa kakaalis lang na kaibigan ni Avery. "S-Si Rose 'yun?!" Proud na ngumiti si Avery. "That's my boy!" "I nearly felt jealous when I saw you hugging him. Si Rose lang pala. He looked good by the way." Nawala ang ngiti ni Avery. 'Okay, Avery. Kaibigan mo si Liam so you need to settle your score with him as gently but as soon as possible.'  Tumikhim siya. 'D-Dapat ko 'tong gawin. Ayokong malaman pa ni Liam sa iba.' "Liam---" "There's a party tonight." Natigilan siya. "P-Party?" Tumango si Liam. "I don't know, Zoey just gave me an invitation earlier. She also said to bring a date. So I came here to ask you out." "H-Huh?" Nagdadalawang-isip siya. 'I think I should ask Isaac about this first.' "U-Uh.. m-may tatawagan lang ako 'ah. For a sec." Tumayo siya at naglakad papalayo sabay dial sa numero ni Isaac. After two rings, Isaac answered. "Ava?" "Uh, hi." Nillingon niya si Liam na tahimik na nakaupo sa waiting shed. "I-Isaac... hingi sana ako ng permiso." Isaac: "Permission? For what?" Inipit ni Isaac ang cellphone sa pagitan ng pisngi at balikat habang nag-ta-type. "It's Liam." Ramdam ni Avery na natigilan ito sa kabilang linya.  Isaac: "What about him?" Hinawakan ni Isaac ng maayos ang cellphone. "H-He... asked me out---" Isaac:  "No." taharang sagot nito. "Pakinggan mo muna ako. May dadaluhan raw siyang party mamaya.. he needs a partner. So I'm planning to go with him and... a-alam mo na... tell him... about us? Kaibigan ko pa rin siya." Nilingon niya si Liam. "You know he expressed his intent on courting me, di'ba? So I guess mas magandang galing sa akin ang balita?" Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan. "I-Isaac? You still there?" Isaac: "You have a point." He sighed. "Okay."  Ngumiti si Avery. "Thank you." Isaac: "On one condition, I get to pick your dress and drive you to the venue." "H-Huh? Bakit ikaw pipili ng damit ko--" Isaac: "Knowing you'll ask Rose for advice on what to wear, I assume it will be revealing. That is a no. At may dinner rin ako mamaya kasama..." Naalala ni Isaac ang sulat ni Zoey. "...ang isang kaibgan. So I guess I can take you to the place then head to my appointment." Tumango si Avery. "Oh, sige." Isaac: "I'll fetch you there after school?" Kinikilig na ngumiti si Avery. "Oo."        Pinindot ni Isaac ang intercom. "Chesca." Ilang minuto'y pumasok ang secretary. "Yes, Sir Miller?" 'Via [The designer on Reason 2 who dresses Avery on her date with Liam] is out of the country.' Hinilot ni Isaac ang noo. "Do you happen to know a designer?" Naalala ni Chesca ang Ate Devron ni Rose.. este Jet pala. "O-Opo. Bakit?" "Contact that person and tell him/her to find an evening gown for Avery. Not too much skin-showing dress." "Avery? Miss Ava po? O-Oh sige." Tango nito.        Napalingon si Devron sa damit na naka-suot sa isang mannequin na nakatayo sa gitna ng kwarto niyang puno ng manika. She's currently on the phone with Chesca. "B-Bihisan ko si Avery!?!!! OMG! Dream come true ko 'yan!! Chesca:"Ate Devron..Higpit na bilin ni Sir Isaac na..." Di na narinig ni Devron ang sunod na sinabi ni Chesca kasi excited na nitong kinuha ang naka-drawing na design sa mesa.        Kinahapunan, kinuha ni Isaac si Avery sa kindergarten school at nag-maneho papuntang penthouse nito.  Nilingon ni Avery ang magkahawak nilang kamay ni Isaac sa hita niya. Then to Isaac who single-handedly stirs the driving wheel. Tumingin siya sa labas. Halos mabingi siya kanina nang tinawagan ang ina na pinagalitan siya kung bakit di raw siya nag-text o tumawag man lang kagabi. Kinabahala raw nila ng husto kaya pinatulog raw nila si Andro sa police station baka may mag-report na may nakitang bangkay. Napatawa siya. "Bakit ka tumatawa?" Nilingon siya ni Isaac. "Di, may naalala lang ako sa pag-uusap namin ni Mama kanina. Nga pala, magkano babayaran ko sa ni-rent mong gown?" "I didn't rent it." Pinasok ni Isaac ang kotse sa underground parking lot ng building penthouse. "I bought it." "G-Gown!! Binili mo---" "Shhh.. don't ask." Bumaba si Isaac sa kotse at pinagbuksan siya. "Baka halos hubad ka ng ipadala sa kaibigan mo sa venue." Bumaba si Avery at magkahawak-kamay silang sumakay sa elevator pataas. "Trust me, if alam ni Rose na si Liam ang kasama ko, sako ng bigas ang ipapasuot noon. Ayaw ni Rose kay Liam." "Why?" "It's the incident last year." "Ohh..." Tumango si Isaac. . . Nabigla si Avery nang hinablot siya ni Isaac sa braso at hinalikan siya sa labi. Napangiti si Avery at humalik pabalik. *DING* Mabilis silang naghiwalay nang bumukas ang elevator at may sumakay na mga dayuhang Italiano.      Just as they entered the penthouse, Isaac is unbuttoning his white shirt. "I'll take a quick shower. Want to come with me?" He teases. Inis na nilingon ito ni Avery. "Bilisan mo. Ako susunod." Tiningnan ni Avery ang parihabang box sa kama ni Isaac. "Ito na 'ata yung gown." Dinama niya ang box. Matapos maligo ni Isaac, sumunod na rin si Avery. While she's bathing, Isaac changed into his black suit and sits on the bed checking mails on his phone. Matapos ang ilang minuto'y narinig niyang lumabas sa banyo si Avery. "Wag kang lilingon." Mabilis nitong babala. "Oo na." Nakatingin pa rin siya sa phone at binabasa ang mga emails. Naramdaman niyang hinila ni Avery ang kahon sa kama at dinala sa dressing room. . . "Avery..." Isaac called her after tying his bowtie. "You'll be late." Humarap siya sa salamin. "Woman, don't go wearing make-up, buburahin ko lang 'yan." Inis niyang dagdag. Nakita niya sa kaharap na salamin ang pagbukas ng pinto sa dressing room at ang paglabas ni Avery. "LOOK!" Umikot pa ito. Nanlaki ang mata ni Isaac nang makita ang repliksyon ni Avery at halos mabali ang leeg niya na nilingon ito. "What the---" Avery is wearing a silky white evening gown, showing her toned shoulders and arms. Her flat stomach is also in full view. Mataas rin ang slit sa may hita nito. "Ang ganda ng gown---" "You're not going." Lumapit si Isaac. "Huh? Ang ganda nga!" 'What did I say about no skin-showing, Chesca!' Inis na tiningnan niya ang nobya mulang ulo hanggang paa. "I'll kill anyone who looks at you, Avery. Trust me." "P-Pero wala ng oras." Lumingon si Avery sa orasan. "Lagpas alas-siete na." Medyo natagalan rin siya sa pagbo-blow dry sa makapal niyang buhok. Tanging powder at lip tint lang ang ginamit niya sa mukha. Napapikit si Isaac na hinubad ang coat at binalbal sa katawan ni Avery. "Don't remove that no matter what happens." Yumakap si Avery sa nobyo. "Promise." Alanganing ngumiti si Isaac. 'Remind me to have a word with Chesca tomorrow.' Niyakap niya si Avery. "Can we not go?" "What do you mean?" "Let's just stay here. I don't want us to go." Isaac smelled her damp hair. "Pero nag-commit na tayo sa mga kasama natin." Tiningala niya ito. Isaac lovingly caresses her face. "Okay. And we go home together?" . . Biglang nakaramdam ng kaba si Avery. "T-Together." Niyakap uli siya nito.  'B-Ba't ako kinabahan.... N-No, kabado lang ako kasi first time ko dumalo ng ganitong party.'  Hinigpitan niya ang yakap sa nobyo.   [NEXT CHAPTER PREVIEW:] Nilingon ni Isaac ang katabi habang nagmamaneho. "Pardon? Saan uli ang venue mo?" Tinaas ni Avery ang cellphone at pinabasa kay Isaac ang text ni Liam. "Sterplon Hotel. 4th Grand Hall raw." Nagtatakang tumingin uli sa daan si Isaac. 'Doon rin ang punta ko 'ah.' A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD