Chapter 1

2361 Words
Napabuntong-hininga ako bilang pagsuko. Kahit anong pagtanggi ay pinipilit pa rin ako ni Tito Jayvee. Ano pa bang magagawa ko kung siya na ang humiling? Maraming taon na niya akong tinutulungan kaya dapat lang na pumayag ako kahit labag sa kalooban ko. Ayaw ko lang naman silang mapahamak ulit nang dahil sa akin. Hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama pa sa kanila. "Pumapayag na ako Tito pero sa isang kondisyon." Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha at nagningning ang kanyang mga mata sa naging sagot ko. "Talaga anak?" Tumango ako bilang tugon at ngumiti na rin ako. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong pumayag ka na. Pero ano iyong kondisyon mo anak?" Anak na ang tawag niya sa akin simula pa man noon. Tinuturing na niya akong parang tunay niyang anak. Sobrang bait ni Tito Jayvee at walang tatalo sa kanya sa kabaitan kaya mahal na mahal ko siya. "Huwag niyo na po sanang bayaran ang serbisyo ko para sa inyo Tito. Kayo na po ang tumulong sa akin simula nang mawala sina Papa at Ate kaya sana naman pabayaan niyo nang makabawi ako sa inyo." Nag-umpisang mangilid ang aking luha nang maalala ko na naman sina Ate at Papa. Ilang taon na ang nakalipas nang mangyari ang insidenting iyon na parehong kumitil sa kanilang mga buhay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay nila. Kaya, nagpursige akong mag-aral at ngayon ay isa ng security agent upang mahanap ang mga pumatay sa kanila at makapaghiganti. Buhay ang kinuha nila kaya buhay din ang kapalit. "Patawad anak. Alam kong mahirap pa rin para sayo ang mga nangyari dati pero mapapanatag ang loob ko kapag ikaw ang naging bodyguard ni Xavier. Alam kong kaya mo siyang protektahan." Matagal na itong hinihiling sa akin ni Tito. Ang maging bodyguard ng anak niya. Si Xavier. Mayroon kasing isang high class syndicate na gusto silang patayin at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang pinakatunay na dahilan pero sa tingin nila ay may kinalaman ito sa negosyo lalo pa't ang kompanya nila ay isa na sa mga top companies dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Sapat na ang sampung taon upang marating ng kompanya ang kinalalagyan nito kaya hindi na nakakapagtaka na may makakalaban sila. "Natatakot lang kasi ako Tito baka maulit iyong nangyari dati at baka mapahamak lang si Xavier at ang pamilya niyo." Umiling siya. "Alam kong hindi mo mapapabayaan ang anak ko. Malaki ang tiwala ko sayo anak. At ikaw yata ang top one dito sa security agency niyo." Pagmamalaki naman niya. Hindi sa pagmamayabang pero tama ang sinabi ni tito. Ako nga ang top one rito sa security agency namin. Ang Sky Phoenix Security Agency. We are the best of the best security agency sa buong bansa. Marami na kaming natugis at nasirang mga sindikato kaya maraming nagtitiwala sa amin. Sapat na ang 50 years upang patunayan ng agency ang kakayanan at magandang serbisyo na kaya nitong ibigay. Apat na taon na ako sa agency at marami na rin akong naresolbang kaso kaya umabot ako sa puntong ito. Dahil na rin sa dedikasyon ko at para sa kagustuhang puksain ang lahat ng sindikato sa bansa kaya dalawang taon na akong nangunguna sa rangko. "Kayo po ang lahat ng dahilan kung bakit narating ko ito Tito, kaya maraming-maraming salamat po sa inyo." "You don't need to say thank you anak. Alam mo namang mahal na mahal kita eh." Tuluyan na akong napaluha. Niyakap ko si tito at gumanti rin siya. Kung wala lang siguro sa tabi ko si Tito Jayvee ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon. Simula kasi ng namatay ang Ate Trina at Papa ko ay umalis ako sa bahay nila. Ginawa ko iyon upang hindi na sila madamay pa. Alam kong patuloy pa rin akong hinahanap ng mga lalaking iyon dahil sa nasaksihan kong insidente. Mayroon pang dumagdag upang tuluyan akong magdesisyong umalis sa kanila. At doon ako tinulungan ni Tito Jayvee. Pero halos isang buwan din niya akong hinanap that time bago niya ako nakita. Inalayo niya ako at pinag-aral. Pinalitan ko rin ang pangalan ko upang hindi ako mahanap ng gustong pumatay sa akin. Kenth Garcia na ang dinadala ko ngayon. Siya at si Tito Xander lang ang nakakaalam kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko. Nang matapos akong mag-high school ay pumasok ako sa PMA. Dati pa ay gusto ko ng pagsilbihan ang bansa at mas nakumbinsi ako pagkatapos ng nangyari sa mga mahal ko sa buhay. Kailangan kong maging isang magaling na sundalo para mahanap ko ang pumaslang kina Ate at Papa. Pero dahil sa hindi ko gusto ang pamamalakad ng gobyerno at in-offeran ako ng Sky Phoenix Security Agency ay hindi ko pinagpatuloy ang pagiging pulis at pumasok sa naturang ahensya. Alam kong mapagsisilbihan ko rin ang bansa kapag naroon ako. Sky Phoenix is a high class security agency na kayang tapatan ang gobyerno kahit na may koneksyon rin kami sa ilang ahensya nito. We also need to cooperate to them para madaling maresolba ang isang kaso at bilang pagrespeto na rin sa batas at sa bansa. "Mahal din po kita Tito Jayvee. Hindi man ako nangangako, gagawin ko po ang lahat para protektahan kayo at para mahuli na ang sindikatong gusto kayong saktan. Kakausapin ko na mamaya ang team ko." Hindi basta-basta ang sindikatong makakalaban namin. They were a high class syndicate at hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang pagkakilanlan ng grupong ito. Matinik ang sindikato at hindi rin basta-basta ang mga target nila. Nang nakaraan lang ay may pinabagsak silang kompanya at pinatay nila ang buong pamilya nang may-ari nito. No traces found kaya clueless pa rin hanggang ngayon ang lahat ng ahensya. "Aasahan ko yan Caine. Maraming salamat." Pagkatapos naming mag-usap ni Tito Jayvee ay inihatid ko na siya sa labas ng ahensya. Nagpasama rin ako ng isa kong kasamahan para masigurado ang kanyang kaligtasan. Bumalik agad ako sa loob ng agency at kinausap ang nasa itaas para ipaalam ang pagpayag ko. "They are willing to pay big for their security kaya gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Understood!" Pinal na saad sa amin ni Boss bago kami lumabas ng opisina niya. Tatlo kaming magiging official na bodyguard ng Montenegro family. Si Ron Michael kay Tito Xander, si Jamie na isang babae kay Tito Jayvee at ako kay Xavier. Ayaw ko nga sana kay Xavier dahil baka hindi kami magkakaunawaan nito kapag nagkita na kami. Hindi ko nga alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Sampung taon kaming hindi nagkita at alam kong mabibigla siya sa mga mangyayari. Nakikita ko naman siya sa mga magazines, newspaper at telebisyon. Sikat siya at parang artista. Marami na rin siyang award sa larangan niya. Parang nasa kanya na kasi ang lahat kaya napakaswerte ng babaing mapapangasawa niya ngunit ini-enjoy pa niya ang pagiging bachelor niya. He's an ultimate casanova at marami na ring na link sa kanya na mga sikat na personalidad. Hindi na ako nagtataka dahil dati pa man ay ganoon na siya. Hindi na nagbago. I wish sa muli naming pagkikita ay magbago na ang turing niya sa akin. Sana ngayon ay mapatawad na niya ako sa kasalanan ko sa kanya. Bago pa kasi ako umalis sa puder ng pamilya niya ay ako ang sinisisi niya sa nangyari sa kanya at sa papa niya na ako naman talaga. Muntik na kasing hindi makarecover noon si Tito Jayvee kaya sukdulan ang galit niya sa akin. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit ayaw kong pumayag sa hiling ni Tito Jayvee. Baka hanggang ngayon ay hindi pa rin pala talaga niya ako napapatawad tulad ng sinasabi nito. "Tayo talaga ang in-assign sa mga Montenegro? Gosh! Parang hindi ata ako nito makakapagtrabaho ng matino eh. Ang gugwapo nila." Kinikilig na sabi ni Jaime at doon lang ako nabalik sa kasalukuyan. "Gawin natin ng maayos ang trabaho na ibinigay ni boss at huwag mo ng tangkain ang binabalak mo Jaime." Pinanliitan niya ako ng mata sa sinabi ko. "At anong binabalak ko aber?" Nakataas ng kilay niyang tanong at napahinto pa sa harap namin ni Ron. Napahinto rin kami nito. "Alam mo na 'yon." Nagsukatan kami ng tingin. Matagal na kaming magkaibigan nitong si Jaime at alam ko na hilatsa ng bituka ng babaing ito. "Anong alam ko na?" Napakunot na ang noo nito at nang magkibit-balikat ako ay tila naintindihan niya na ang ibig kong ipahiwatig. Bago pa man siya makapagsalita ay kumilos na ako at nilagpasan siya. Sumunod na rin si Ron. Napatakip na lang ako ng tainga sa sunod-sunod na sigaw nito at pagmamaktol. Kaya ayaw ko sa mga babae minsan eh, napakaingay. "Kung naging straight ka lang, matagal na kitang inakit." Nagpanting ang tainga ko sa narinig mula kay Jaime. Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. Kahit si Ron na nagmamaneho ay napatingin rin sa kanya. "Ano?" Kasalukuyang binabagtas namin ang kahabaan ng highway patungo sa kompanya ng mga Montenegro. Ngayong araw na kasi magsisimula ang trabaho namin sa kanila. Kailangan din naming makipag-usap sa buong pamilya upang masettle na ng maayos ang lahat. "Sayang ka talaga Kenth. Si Ron kasi hindi ako pinapansin." Nakasimangot nitong sabi. Hindi tuloy maalis ang masamang tingin ko sa kanya. "Pwede bang tumahimik ka na lang Jaime? Baka gusto mong maiwan dito sa daan." Nanlaki ang mga mata niya sa naging banta ko. "Ang suplado mo talaga kahit kailan kaya hanggang ngayon ay wala kang love life eh." Napahalukipkip na lamang siya at mas lalong bumusangot. Salamat at tumigil na rin siya dahil kanina pa ako naririndi sa kanya. Palagi na lang may sinasabi. Kung hindi lang talaga babae ay matagal ko na siyang nasapak. Ewan ko nga kung paano namin nakakayanan ni Ron ang kaingayan niya. Marahil ay sa kaibigan namin siya. "Don't mind her Kenth." Wika ni Ron. "Kaya nga." Nagpatuloy ang byahe hanggang sa narating namin ang Montenegro Corporation main buliding. Halos malula ako sa laki nito. Huling kita ko sa kompanya ay noong nasa kanila pa ako. Halos sampung taon na ang nakakaraan. Hindi ko inaasahan na ganito na ito kalaki. Hindi naman maiwasan ng dibdib ko ang kabahan nang makapasok kami sa loob. Kagabi ko pa inihanda ang sarili pero parang nawala ang lahat ng iyon ng ganoon lang. Sa halos sampung taon ay ngayon lang kami ulit magkikita ng personal. Kinakabahan man, naroon pa rin ang excitement ko. Kahit papaano ay namiss ko rin siya. Kapatid pa rin ang turing ko sa kanya hanggang ngayon. Ano na kaya ang itsura niya sa personal? Nakakaintimidate pa rin ba ang mga titig niya? Nakakailang pa rin kaya ang presensya niya? Kahit naman naman nakikita ko siya sa telebisyon ay iba pa rin kasi kapag kaharap siya ng personal. "This way sir." Tinuro sa amin ng isang staff ang daan patungo sa opisina ng CEO ng kompanya which is si Xavier. Ipinamana na kasi ni Tito Xander sa kanya ang posisyon nito. Sa kwento ni Tito Jayvee ay tatlong taon na niyang hinahawakan ang kompanya at nagpapatuloy niya ang nasimulan ng ama. Sumakay kami sa elevator at tumigil ito sa ikawalong palapag. Mas lalo akong namangha dahil mas maganda pa pala ang makikita ko rito kumpara sa lobby. Mula sa kinaroroonan ko ay makikita ang mga building sa labas dahil sa salamin na pader. Nagsilbi ang mga iyon bilang tanawin. Inagaw ulit ng staff ang atensyon namin. Agad na tinanong ang staff na kasama namin ng isa ring staff sa labas ng opisina ng CEO. Sa tingin ko ay secretary ito ni Xavier. At sa tingin ko ay naloko na rin niya ito. Agad na tumawag sa telepono ang sekretarya at nang ibaba ay ito na ang sumama sa amin sa loob ng office. Mas dumoble ang kabang naramdaman ko nang buksan ang pinto at sumalubong ang napakabangong amoy ng kwarto. A mixture of wood and mint. This is it. Makikita ko na rin siya. "Good morning sir. Nandito na ang mga bodyguard na nirequest ng papa niyo." Ani ng sekretarya nang tuluyan kaming makapasok sa loob. Agad na dumako ang tingin namin sa nakatalikod na swivel chair lulan ang isang tao at kung hindi ako nagkakamali ay si Xavier iyon. Tumawag sa akin kanina si Tito Jayvee na papunta pa lang sila rito at kung sakaling mauna kami ay pumunta agad kami sa opisina ni Xavier. Unti-unting humarap sa amin ang swivel chair at ganoon na lamang ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Ibang-iba nga siya sa personal. Malaking-malaki ang pinagbago niya kumpara noon. Mas lalo siyang gumwapo. He's dark eyes compliment to his pointed nose and red lips. Ang kinis din ng mukha niya. The stubble on his chin and above on his upper lips were added to his manliness and sexiness. Kamukhang-kamukha niya si Tito Xander. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at unti-unting lumapit sa amin. Mas tumaas din siya at mas lumaki ang katawan. No wonder maraming nahuhumaling sa kanyaa at tini-take advantage niya iyon. Ano pa nga ba. Nawala ang bahagyang pagkatulala ko ng makalapit siya sa amin. Muling nagtama ang aming mga mata at tila pinag-aaralan niya ang mukha ko. Hindi ba niya ako nakikilala? Sabagay, dahil ang layu-layo na ng mukha ko kumpara noon. Sampung taon na rin ang nakalipas nang huli kaming magkita at wala siyang naging balita sa akin kaya hindi niya ako kaagad marerecognize. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ganoon din sa dalawang kasama ko bago dumako ang tingin niya sa sekretarya niya. "Call my papa and my dad now. We need to talk about this sh!t so I can get rid of it! Fvck!" Lahat ng sandaling pagkahanga ko ay biglang naglaho dahil sa sinabi niya. Malaki man ang pinagbago niya, ang ugali naman niya'y katulad pa rin ng dati. He's still a Jerk. A total Jerk. "Right away sir." Tugon ng sekretarya. Tumalikod na siya at muling bumalik sa kanyang swivel chair. Inikot na rin niya ito katulad kanina. Hindi man lang niya kami kinausap o kahit tanungin man lang ang mga pangalan namin. Hanggang ngayon, gago pa rin talaga! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD