"Hanggang dito pa naman susundan mo ako?!" Bulyaw ni Xavier sa akin nang sundan ko siya papasok sa banyo.
"I'm just doing my job Sir." Mahinahong sagot ko sa kanya kahit sa loob-loob ko ay sobrang naiinis na ako.
"I know you're doing your job, but do you know that there is a thing called privacy?"
"I know that Sir but I need to do my job as your bodyguard." Giit ko pa rin. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sasabihin upang hindi na umabot pa sa kung saan aabot ito. Kailangan kong kontrolin ang aking sarili.
Napahilot na lang sa kanyang sentido si Xavier at marahas na napabuntong hininga.
"Fine!" Asik niya at hinawakan ang kanyang sinturon. Tinanggal niya ito dahilan upang mapasinghap ako. Sunod niyang ginawa ay ibinaba ang zipper ng kanyang slacks habang nakatitig sa akin. Doon na ako napaiwas ng tingin dahil pinang-initan ako ng pisngi.
Bastos!
Lihim akong napamura sa aking sarili dahil sa naging reaksyon ko.
"You were acting as if you're a girl." Natatawang sabi niya na mas lalo kong ikinailang. Nahagip ng mga mata ko ang pagtalikod niya paharap sa kubeta.
Paulit-ulit kong hinampas ng palad ang noo ko dahil sa inakto. Hanggang ngayon ay ganito pa rin ang nagiging reaksyon ko sa tuwing niloloko niya ako. Aware ba siya na ako ang batang binubully niya at kinaiinisan noon?
Napatingin ako sa kanya nang marinig ang pag-flash ng bowl. Naitulos ako sa kinatatayuan ko nang humarap siya sa akin at sa harap ko pa mismo nag-ayos ng kanyang slacks.
"Enjoying the view huh?"
Umiwas ulit ako ng tingin nang magsalita siya. Muli kong minura ang sarili. Hindi ko man lang namalayan na napatitig na pala ako sa pag-aayos niya ng kanyang slacks.
Narinig ko na lamang ang pagtawa niya at kasunod nito ang pagdaan niya sa tabi ko. Napahugot naman ako ng malalim na hininga at sumunod sa kanya. Next time, hindi na talaga ako susunod sa kanya sa banyo.
Bakit pa kasi ginawa ko iyon? Pwede namang i-check ko muna ang banyo bago siya papasukin eh.
Ano bang nangyayari sayo Caine? Kastigo ko sa aking sarili.
Sumunod na rin ako sa kanya at umupo sa sofa kung saan ako nakupwesto habang siya ay nagpatuloy sa ginagawa niya.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga balita sa cellphone ko nang makaramdam ng gutom. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Tanghali na. Kaya pala kumukulo na ang sikmura ko.
Tumingin ako kay Xavier. Tutok pa rin siya sa mga papel na nasa mesa niya. Maya't-maya'y hinihilot niya ang batok at iniikot-ang ulo at muling ibabalik ang atensyon sa ginagawa. Hindi ba nakakaramdam ng gutom ang lalaking 'to?
Kahit gusto ko ng kumain ay hindi ko pwedeng iwanan dito si Xavier. Baka may mangyaring masama sa kanya habang wala ako. Mahirap na.
"Are you not going to have your lunch?" Napakislot ako nang marinig ko ang kanyang boses kasunod ang pag-angat ng kanyang tingin.
"I would like to but I don't to leave you here alone."
Gusto ko mang kumain ay hindi ko siya pwedeng iwanan dahil baka kung ano pang may mangyaring masama sa kanya. May mga makakasama naman ako sa pagbantay kay Xavier ngunit mamayang gabi pa ito ipapadala ni boss.
"Ganyan ka ba kadedicated sa trabaho mo at kahit pagkain ay kinakaligtaan mo?"
"Okay lang ako Sir." Sagot ko sa kanya. Ayaw ko ng makipagtalo dahil baka hindi ko lang mapigilan ang sarili kong magalit.
"It will not be my fault if you die starving here."
"Huwag kayong mag-alala. Sanay ako sa gutom. How about you Sir? Hindi ba kayo nagugutom?" Balik na tanong ko sa kanya.
"I eat heavy in breaksfast. Hindi na ako kumakain ng tanghalian." Aniya.
Masarap palang kausap itong si Xavier kapag ganito siya kanormal magsalita. Dati kasi ay kapag may kailangan lang siya nagiging mabait o sa harap ng mga magulang niya sa 'kin. Best actor din kasi siya at kahit sobrang pambubully na ang ginagawa niya sa akin ay hindi iyon nalalaman nina Tito Jayvee. Ikaw pa naman ang pagbantaan niya ng pauli-ulit. Wala rin akong laban sa pisikalan dahil noon pa man ay mas malaki na siya sa akin. Ang mas malala, siya pa ang kinakampihan nina ate at papa sa tuwing nag-aaway kami.
"Ipagpatuloy niyo na ang ginagawa niyo. Okay lang ako rito sir. Don't mind me." Pilit akong ngumiti at inabala ang sarili sa paglilibot sa loob ng office upang mag-check. From time to time ay kailangan ko itong gawin for security purposes. Tinitingnan ko rin kasi kung saan ko ipupwesto ang mga CCTV cameras. Plano ko ring ipalipat siya ng pwesto malayo sa mga bintana. Mahirap na baka may assassin pala sa kabilang building at hindi ko namamalayan na tinatarget na siya nito.
Nang matapos ang checking ay tumingin ulit ako sa kanya at hindi ko inaasahan na nakatingin siya sa akin dahilan upang mapako ang titig namin sa isa't-isa.
While looking at his hazel brown eyes, naghahalo ang lahat ng emosyong nararamdaman ko. Kasiyahan, kalungkutan, pagsisisi, paghihinagpis, kasalimuotan at marami pa. Unti-unti ring bumabalik sa akin ang nakaraan---ang mga panahong nasa poder ako ng kanyang pamilya.
Isang malaking bahagi si Xavier ng pagkatao ko dahil minahal ko siya bilang kapatid ngunit siya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Mas masakit pa ang mga naranasan ko sa kanya kumpara sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. Ang lalim ng sugat na naitanim niya sa puso ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat ng iyon. Pero napatawad ko na siya dahil ako rin naman ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko siya masisisi dahil kung tutuusin ay nadamay lang siya at katulad ko ay nasasaktan din siya.
Ako na ang umiwas ng tingin dahil baka hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin at sumabog na lang ako bigla. Kung sa pisikal na anyo ay matapang ako ngunit sa loob ko ay mahina ako.
Ganoon naman talaga ang tao. Nagsusuot ng maskara upang ikubli ang totoong anyo. Kinakailangan itong gawin para sa pansariling kapakanan.
Bumalik na lamang ako sa sofa'ng kinauupuan ko at ibinaling ang atensyon sa cellphone ko. Binuksan ko rito ang ilang text messages at nagreply.
"Fu ck!"
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone sa biglaang pagdagundong ng boses ni Xavier sa buong silid. Agad akong napatingin sa kanya. Naging alterto din ako at mabilis na inilibot ang tingin. Lumapit ako sa kanya at tinanong ang kalagayan niya.
"I'm okay." Sagot niya. Sinuri ko ang katawan niya at wala namang nakitang nasaktan siya o kung ano pa man.
I sigh in relief. Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya.
"Lets have our lunch." Hindi pa man ako nakakabawi nang tumayo siya at nag-aya.
Literal na napaawang ang bibig ko. Hindi ko inaasahan na aayain niya ako ng lunch.
Dapat na ba akong matuwa dahil nagiging mabait na siya?
"Do not assume. I told you that today will be your last day. I don't want to leave you a bad impression on me bago matapos ang trabaho mo. Lets go." Aniya at nilagpasan ako.
Binabawi ko na ang sinabi ko. Kailanman ay hindi na talaga babait ang gagong 'to.
Bago pa man siya makalabas ng pinto ay mabilis akong kumilos para habulin siya at pigilan.
"Hindi kayo pwedeng lumabas Sir. Delikado sa labas."
Huminto naman siya at humarap sa akin. Matalim ang kanyang mga mata at nagtatangis ang kanyang bagang nang tingnan ako.
"Magpadeliver na lang kayo ng pagkain Sir. Mas mainam na dito na lang kayo kumain dahil hindi tayo nakakasigurado sa kaligtasan niyo. Mag-isa pa lang ako at wala pa ang mga kasama ko to check and guard the premises kung saan kayo kakain." Suhestyon ko dahilan upang mas magalit siya.
"That's bullsh!t! Pati ba naman pagkain ko ng lunch sa labas ay bawal?" Asik niya. Bumabakat na ang ugat sa leeg at noo niya dahil sa matinding galit.
"I'm just doi—"
"Just doing your job! f*****g explanation!" Sa sobrang galit ay para siyang isang bulkang sumabog. Napangiti naman ako sa aking isip dahil pakiramdam ko ay nagwagi ako sa isang paligsahan na siya ang kalaban.
"Kailangan mong tanggapin na hindi na normal ang buhay niyo ngayon dahil sa mga death threats niyo. Temporary lang naman ito Sir at kapag nahuli naman ang tumatangka sa mga buhay niyo ay babalik na sa normal ang lahat sa inyo. As of now ay kailangan niyong sundin ang lahat ng safety precaution na ibibigay ko sa inyo para na rin sa kaligtasan niyo."
"I can protect myself. Hindi ko kailangan ng tulong niyo. At kung gusto ninyong mahuli ang lintik na sindikatong 'yan, why don't you start working on it now? Hindi iyong binabantayan ninyo kami."
Napabuntong-hininga ako para ilabas ang nabuong galit. Matalino nga sana ang gunggong na 'to pero hindi pa rin talaga makaintindi kahit sinabi na sa kanya ng mga magulang niya ang dahilan.
"Tinatrabaho na namin ang lahat Sir para mahuli ang sindikatong ito. But we still to guard your whole family dahil kayo ang main target nila."
"Tinatrabaho ang lahat? That's bullsh!t! Bakit pa nga ba ako nagtataka eh wala namang kwenta ang lahat ng ahensya dito sa bansa. They are all useless including your agency. It's been a week now but you don't have any information about this f*****g syndicate!"
Hindi ako nagpatinag kahit lumalakas na ang boses niya. At anong sinabi niya? Wala kaming kwenta? Sa pinapakita niya, kung tutuusin siya ang walang kwenta!
Hindi ko na rin kaya pang pigilan ang sarili ko. I'm a short tempered person lalo na kapag sa ganitong kagaspang na pag-uugali ng tao. Naabot na niya ang sukdulan ng pagtitimpi ko.
"Kailangan kasi namin ng kooperasyon niyo para mabilis naming matapos ang kasong ito dahil ikaw din kasi ang primary target nila. Now, kung ayaw ninyong gawin 'yon ay wala na kaming magagawa pa. Pero hindi ko na o namin kasalanan kung may mangyaring masama sayo kung patuloy mo kaming itataboy. We're just doing our job tulad ng palaging sinasabi ko dahil hindi kami binayaran ng mga magulang mo para hindi gawin ng maayos ang trabaho namin. At huwag kayong mag-alala Sir Montenegro, bukas na bukas din ay papakiusapan ko ang mga parents mo para makipagpalit sa mga bodyguard nila. Magagaling sila at kaya ka rin nilang protektahan. At sa sinabi mong walang kwenta ang ahensya namin, hindi naman siguro maipagkakaila ang narating na tagumpay at mga parangal ng agency sa buong mundo. Iyan lang ho at pasensya na sa mga sinabi ko. Maraming salamat din sa pag-imbita ng lunch."
Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya naituloy pa ang dapat na sasabihin. Mabigat naman ang aking pakiramdam na tinalikuran siya. Bumalik ako sa sofa at tahimik na naupo roon.
Alam kong bodyguard niya lang ako pero hindi naman ata tama na iinsultuhin niya ako kahit hindi niya direktang sinabi sa akin. Sa pagsabi niya ng walang kwenta ay damay na ako roon. Ano pa nga aba ang aasahan ko sa kanya? Dati pa namang magaspang ang ugali niya at tulad noon ay dapat na akong masanay sa kanya.
Isang araw pa nga lang kaming magkasama ay ganito na ang nagiging resulta. Mamaya ay kakausapin ko si Ron na makipagpalit sa akin para rito sa malditong 'to. Kung ayaw niya sa akin ay ayaw ko rin sa kanya. Tapos ang usapan!
Hind ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon dahil tulad ko ay natahimik din siya. Sa ilang sandali ay narinig ko ang boses niya na tinatawag ang sekretarya niya. Matapos itong kausapin ay bumalik na ito sa kanyang swivel chair.
Kahit imposibleng mangyari ay naghintay akong hihingi siya ng despensa sa akin pero wala.
Lumipas ang ilang sandali ay kumalma na rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe. Pagkatapos ay mabilis ko itong ipinasa kay Ron. Muli kong ibinalik sa bulsa ang cellphone.
Tumayo ako at muling itsinek ang buong opisina. Ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin sa akin ni Xavier pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Napatigil ako sa pag-iikot nang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at iniluwa ang sekretarya na may dalang paper bag. Nakatatak sa labas nito ang isang pangalan ng restaurant.
"Ito na po ang ipinaorder niyo sir." Hayag nito. Pumunta ito sa lounge kung saan may mesa at inilagay ang dalang paper bag.
"Thanks Gwenn." Wika ni Xavier kasabay ang kanyang pagtayo. "Lets eat."
Bagamat nagulat sa pag-aya niya ay sumunod ako sa kanya.
Nang maiayos ng sekretarya ang pagkain ay agad itong nagpaalam palabas. Umupo na si Xavier at muli akong inaya, "take your seat."
Tahimik kaming kumain at ni isa sa amin ay walang nagsasalita hanggang sa matapos. Nagpasalamat ako at nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin.
Sa natitirang oras sa kompanya ay wala pa rin kaming imikan. Sa tuwing magbabanyo siya ay hindi na ako pumasok pero tsinetsek ko muna ito bago siya papasukin. May mga taong pumapasok sa office pero bago nila malapitan si Xavier ay iniinspeksyon ko muna sila. Kahit na sa elevator ay tainetsek ko ang bawat isa na kasabay namin. Mahirap na baka isa pala sa mga empleyado niya ay miyembro ng sindikato.
Sa ganitong sitwasyon ay mahirap ng pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid. Matalino at tuso ang sindikatong ito kaya gagawin nila ang lahat para mapabagsak ang target nila.
"My God, kailangan ba na ganito palagi?" Hinaing niya nang ipaalam ko sa kanya na cleared na ang buong parking area at safe na ang kotseng sasakyan niya. Mababanaag sa kanyang boses at mukha ang inis. Bumabalik na naman ang pag-uugali niyang magaspang. Okay na sana iyong tahimik siya kanina.
"For security purposes Sir at para sagutin ang tanong niyo, oo, kailangan ang ganitong kahigpit na seguridad para siguradong ligtas kayo. Nasa kamay ko ang buhay niyo." Paliwanag ko.
"Fine!" Asik niya at padabog na pumasok sa kanyang kotse. Pumasok din ako na sobrang ikinagulat niya.
"What?! Don't tell me sasama ka sa akin?"
Ngumiti lamang ako at isinuot ang seatbelt. Nang harapin ko siya ay nanlilisik ang kanyang mga mata na para bang papatay siya ng tao.
"Get out, now!" Mahina ngunit may diin niyang utos. Hindi ko siya sinunod at ningitian lamang.
"I said, get out of my car now!"
"Hindi pwede Sir. Kailangan kong siguraduin na ligtas kayo at ang pagsama rito sa kotse mo ay parte rin ng trabaho ko."
"No. No. No! Hindi pwede! Get out now kung ayaw mong ako na mismo ang sumipa sayo palabas!" Galit pa rin niyang sabi pero hindi ako nagpatinag. Mas pinalawak ko ang ngiti para mas lalo siyang mainsulto. Paulit-ulit niya akong sinigawan at minura pero binigyan ko lang siya ng bored na ekspresyon at iniwasan ng tingin. Napahampas na lang siya sa kanyang manibela at muling sumigaw sa galit.
Kung short-tempered na ako ay mas maikli pa ang pasensya niya. At hindi mo gugustuhing makita ang galit niya. Pero hindi tulad noon ay hindi na ako natatakot sa kanya. Kaya ko na siyang labanan ng pisikal. Siguro pinipigilan niya lang ang sariling saktan ako dahil security guard niya ako. Subukan niya lang at baka hindi na siya makalad dahil sa bali-bali niyang buto pagnagkataon.
"Kailangan na nating umalis ngayon Sir. Hindi tayo maaring magtagal sa isang lugar ng ganito." Nag-aalalang wika ko habang iginagala ang tingin sa labas.
"Shut up! You don't fvcking care with my life!"
Temper, Caine. Temper.
Hindi na ako umimik pa at hinayaan na lang siya pero hindi pa rin niya pinapaandar ang kotse. Nag-uumpisa na akong mangamba para sa kaligtasan niya. Hindi kasi talaga kami pwedeng magtagal rito. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga sindikato para mapatay nila si Xavier at hindi nga ako nagkamali nang mahagip ng mata ko ang sinag na nagmumula sa isang bakal na bagay na hawak ng isang tao.
"Makinig ka sa akin Xavier. Kapag sinabi kong yuko, yumuko ka."
"What?" Nagtatakang tanong niya.
Nakita ko ang pagtaas ng baril na hawak ng lalaki at itinutok ito sa direksyon namin kasunod ang paghinto ng isang sasakyan at lumabas doon ang ilang kakalalakihan na may hawak ring mga baril.
"YUKO!" Sigaw ko na ikinagulat ni Xavier pero sinunod din niya ang sinabi ko at doon, narinig namin ang sunod-sunod na putukan.
"What the heck is that?!" Sigaw niya habang nakayuko kami. Kita ko sa mga mata niya ang matinding takot.
Hindi ako sumagot at hinawakan lang ang kanyang batok upang mas ipayuko siya. Tinakpan naman niya ang kanyang magkabilang-tainga. Mas dumami ang putok ng baril kasabay ang pagbasag ng salamin ng kanyang sasakyan.
Napasigaw naman si Xavier dahil sa takot. Habang ako ay kinuha ang baril sa baywang.
Mas dumami pa ang putok at sa tingin ko ay dalawang grupo na ang involved. May naririnig na kasi akong putok ng baril mula sa kabilang parte. Marahil ito na ang mga bodyguards ng kompanya.
Nang tumigil ang pagputok sa kotse ay binuksan ko ang pinto nito. Pinigilan ako ni Xavier sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ko.
"Huwag kang mag-alala. I will protect you."
Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at umiling. Bakas pa rin sa kanya ang takot at ramdam na ramdam ko ito dahil sa nanginginig at nanlalamig niyang kamay na nakahawak sa braso ko.
"Kailangan na nating makalabas dito. We'll be safe basta sundin mo lang ang sasabihin ko, okay?"
Tumango siya bilang tugon sa tanong ko na ikinangiti ko.
Nagkaputukan na at lahat-lahat ay nakukuha ko pang ngumiti ng ganito kalapad.
"Please, protect me."
"I will and I promise."
***