Chapter 20 ELAYZA Humihikab pa ako habang naglalakad sa palengke para sumakay ng jeep papunta sa subdivision kung saan nakatira ang pamilya Silvestre. Maaga akong umalis ng bahay. Mga 7:30 ata. Gusto ko kasing tulungan si Manang Gigi sa paghahanda ng almusal sa aming mga amo. Panigurado kasi nagagahol na naman 'yon. Eh, kaso hindi naman ako nagising ng maaga. Na-miss ko din kasi matulog sa bahay namin na nagawa dahil sa sarili kong pawis at pagod. Habang tinititigan ko ang bahay namin kanina nang magising ako ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong kinikilig sa tuwa kasi kahit papaanu ay bumalik sa dating itsura ang bahay namin. Doon ko na-realize na masarap palang magkatulong kay Mama. Masarap palang humawak ng pera na produkto ng aking pagod at mahabang pasensya

