ELAYZA Lumipas ang ilang araw ay medyo humupa na ang inis ko kay Sir Arc. Though hindi na talaga nawala sa isip ko ang ginawa niya sa akin. Ilang gabi rin ako hindi pinatulog ng ginawa niya. Naramdaman ko kasi ang labi niya sa leeg ko at... "Argh!" Napatigil ako at napatutop nang maisaboses ko ang inis ko. Nag-init ang mukha ko. Napatingin ako sa lamesa kung saan naroon kumakain ang mag-asawa kasama si Sir Arc. Sabay na napatingin ang mag-asawa sa akin samantalang si Sir Arc naman ay busy lamang sa kanyang cp habang nagkakape. "Are you ok, Elayza?" tanong ni Sir Arnold. Doon ko nakitang lumingon sa akin si Sir Arc. "Why, Dad?" kunot-noong tanong ni Sir Arc habang palit-lipat ang tingin sa akin at sa Daddy niya. Ahh, hindi niya naman siguro narinig kasi busy siya sa kanyang cellp

