Chapter 39 ELAYZA "Hoy! Elayza! Gising na diyan." wika ni Ate Lara sabay pabirong hinagis sa mukha ko ang unan niya. Narinig kong tumawa si Manang Gigi sa ginawa ni Ate Lara. Napakurap-kurap ako. Napatingin ako sa oras na naroon sa itaas ng pinto ng aming kwarto. "Alas singko y medya palang Ate. Inaantok pa ako eh," reklamo ko sa inaantok na boses. Usually kasi ang gising namin ay 6 am. "Ehh, nangako ka sa amin 'di ba? Magku-kuwento ka sa amin kung bakit ikaw ang ginawang partner ni Sir Arc sa birthday party nilang mag-ama kagabi," wika ni Manang Gigi. Napatigil ako. Iminulat kong muli ang mga mata ko kasabay ng pagtambad sa paningin ko ng damit na isinuot ko kagabi. Nakasabit iyon sa likod ng pinto. Kasunod ng pagbalik sa alaala ko ng nangyari kagabi. Masyadong maraming nang

