Chapter 65 ELAYZA "Wow, nakakarelax naman dito!" masayang sambit ni Arc dahilan para matawa ako. Nakakatawa kasi ang reaskyon na nakikita ko sa mukha niya. Kung makapag-react siya ay para siyang bata na sa wakas ay pinayagan siyang lumabas ng bahay para makipaglaro sa kalaro. "Tara baby! Picture tayo doon!" masayang sabi ni Arc nang ituro niya ang mga malalaking bato sa gilid ng dalampasigan. "Tss, ayoko!" humalukipkip ako. Kumunot naman ang noo ni Arc saka hinarap ako. "Bakit naman?" Tiningnan ko siya nang deretso. "Eh, hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko na bakit ka pumunta ng wala man lang pasabi." "Ehh, namimiss na kita. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita ng nga mata ko." Napatigil ako sa sinabi ni Arc. Bigla ay parang may nagsiliparan na mga paru-paro sa loob ng tiyan

