ELAYZA "Bakit mo pa ako tinutulungan? K-Kaya ko naman m-maglakad ng mag-isa." Bulol at halos hindi makapagsalita ng maayos si Sir Arc. Grabe! Sobra na talaga ang kalasingan niya. Pakiwari ko ay masusuka ako sa amoy alak na hininga niya. "Kaya mo maglakad ng mag-isa, Sir? Eh halos kulang na lang gumapang kayo sa sahig papasok ng bahay." wika ko. Ininda ko ang bigat ng kamay niya lalo na nang tahakin naman ang hagdan papunta sa kwarto niya. "Ano? Gapangin? Sino ang gagapangin? Ikaw? Ba't naman kita gagapangin? You're not my type!" sunod-sunod na tanong niya dahilan para mapakunot noo ako sa sinabi niya. "Sir! Hindi lang kayo lasing, bingi pa kayo! At saka kung hindi niyo ako type mas hindi ko kayo type! Sa ugali niyo palang naku walang matinong babaeng magkakagusto sa 'yo." Nilubo

