Chapter 69 ELAYZA Binuksan ko ang pinto ng kwarto kung saan nakahiga si Mama sa kama. Sinugod ko agad siya ng yakap nang magtama ang paningin naming dalawa. "Mama..." naiiyak kong sabi habang papalapit. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mabuti naman po at gising ka na. Hindi ko po kaya kapag nawala ka po sa amin, Mama. Salamat at lumaban ka. Huwag ka pong mag-alala, gagawin ko ang lahat para mahuli ang gumawa nito sa 'yo. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa 'yo." Actually, gising na si Mama kagabi palang kaso hindi ko naabutan iyon dahil pinatulog ulit nurse. Kaya naman iyon pa lamang ang oras na magalak ako kasi natiyempo ko na gising siya. Marami pa akong sinabi pero tila parang ayaw magsalita ni Mama. Ni hindi niya rin ako niyakap pabalik. Doon ko napansin na tila malayo ang in

