(21) Dangerously Yours

2812 Words
EVEION ANASTASIA'S POV "One iced americano, Eve." Kaagad kong ginawa ang order ng isa naming customer. Biyernes ngayon at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa coffee shop. Sa flower shop dapat ako ngayon pero pinasara muna ito ng may-ari dahil may maliit na renovation na magaganap sa shop ng ilang mga araw. Buti na lang at hinayaan parin akong magtrabaho rito ngayon sa coffee shop kahit na hindi ko schedule. "Iced americano and Cinnamon roll for Stacey!" Wika ko atsaka ito kinuha ng isang babae sa receiving area. "Enjoy your order, ma'am." "Thank you, Eve," aniya matapos niyang tignan ang nameplate ko. Sinundan ko siya ng tingin at hindi maiwasang matigilan nang umupo ito sa mismong pwesto kung saan umupo si Elie noon. Kaagad kong naalala ang mainit na gabing pinagsaluhan namin sa apartment ko at hindi maiwasang mamula. Kinaumagahan non ay hindi ko na siya nakita. Ang tanging nadatnan ko na lang ay isang kape at pagkain na mukhang niluto pa niya galing sa kusina ko. He left but he left something behind. And since then, Elie and I haven't seen each other again. Or maybe that's what I've thought... "Excuse me, miss, can I get one large Frappuccino and a Maple Pecan Danish? " Napakurap ako nang bumungad sa akin ang isang matangkad na lalakeng kakapasok lang sa loob. "For here... please." He continued and I blinked. Tumikhim ako at hindi pinahalatang nagulat sa biglaan niyang pagdating. Paano niya nalaman na andito ako ngayon? "Sir, your order must be at the counter. This is the receiving area," wika ko sa kanya pero imbes na umalis ito, nanatili lang itong nakatayo sa harapan ko. He's wearing a black long sleeve that was rolled up until his elbow and slacks. Sobrang pormal niyang tignan kaya agaw pansin siya rito. "Pero pwede mo parin namang kunin ang order ko hindi ba?" Aniya dahilan upang mapaderetso ako ng tayo. "Oo pero--" "Yun naman pala eh," wika niya atsaka ako pasimpleng ningitian. "I'll wait at my table." He continued and winked at me before leaving. Mabilis akong napatingin sa buong paligid dahil baka may katrabaho akong nakakita sa ginawa niya. May balak ba siyang matanggal ako sa pinaggagagawa niya? Diyos ko, Elie! NAKAKAINIS! Balak niya talaga akong matanggal dito! "Eve, bagong boyfriend mo?" "Uy hindi ko alam na type mo rin pala ang mga mas bata. Ilang taon 'yan?" "In fairness ang pogi niya, san mo napulot?" Wala na, kalat na kaagad ang maling impormasyon dito sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pano ba naman kasi? Nang kunin niya ang order niya kanina, nahuli kami ng isa kong kasama na pasimpleng hinawakan ni Elie ang kamay ko. He's supposed to take the tray! Not my hand! At isa pa, naghintay siya! Naghintay talaga siyang matapos ang shift ko. He's serious about waiting. "Pakilala mo kami, baka may mga pogi rin yang mga kaibigan. Malay mo--" "Huy, bata pa 'yan, pwede sana kung ka-edad ka rin ni Eveion pero hindi. Mas matanda ka pa ng ilang taon kaya tumigil ka na." "KJ mo." Napailing na lang ako habang sinasakbit ko ang aking bag sa aking balikat dahil tapos na ang aking shift. "Hindi ko siya boyfriend." Pagsasabi ko ng totoo dahilan upang magkatinginan sila sa isa't-isa. Halatang hindi naniniwala. Hindi na nila ako kinulit pa at hinayaan na akong umalis. Nang makalabas ako, nakita ko si Elie na nakapamulsang naghihintay sa akin sa labas. When he turned his face at me, he immediately smiled. Nahihiya akong napayuko dahil nasa isip ko parin ang nangyari sa aming dalawa. "Uwi ka na? Ihahatid na kita," aniya dahilan upang mapatingala ako sa kanya. "Elie." "Hm?" "Paano mo nalaman na andito ako?" Deretsahan kong tanong sa kanya dahilan upang mapaderetso ito ng tayo. I saw how his expression changed but he still managed to answer me. "Nagpunta ako sa flower shop kanina but it's close. So, I decided to come at this coffee shop coz I remember you also work here." "Wala ka bang klase? Biyernes pa ngayon ah." "Actually, my professor didn't attend the class so yeah, I left the university and went straight looking for you." Elie immediately look away and rubbed his nape. Pinagmasdan ko ito lalo mula ulo hanggang paa at hindi maiwasang mas lalong magtaka. Sigurado ba siya sa pinagsasabi niya? He's wearing a corporate attire. It's too odd to see a university guy wearing something so formal like this. Was he lying? "Tara? Ihahatid na kita sa apartment," aniya atsaka hinawakan ang bag ko. "We can go eat some dinner first if you like, it's on me--" "Elie." Pagpuputol ko sa gusto nitong sabihin. He failed to get my bag away from me when I tightened my grip against the strap. Napatingin siya roon bago ako tinignan ng deretso sa mukha. "Bakit mo ginagawa 'to?" Deretsahan kong tanong dahilan upang mapakurap siya. His behavior suddenly changed. Mula nong may nangyari sa aming dalawa, bigla na lang itong nagkaganito. Does he feel obligated to do something like just because of what happened? Or perhaps he's assuming something. "Wala lang, masama bang maghintay sa'yo hanggang sa matapos ka sa trabaho mo? Masama bang ihatid kita?" Aniya kaya mas lalo ko siyang tinitigan sa mata. "Elie, hindi mo kailangang gawin 'to dahil lang sa nangyari sa atin," wika ko atsaka mahinang binulong ang huling parte. I saw how his forehead creases when I said that. And so, he let go from my bag to face me. "Eveion, I'm not doing this just because something happened between the two of us," aniya. "Ginagawa ko 'to dahil gusto ko." Napailing ako sa sinabi niya. Hindi. Hindi ako pinanganak kahapon. Sabihin na lang nating ginagawa nga niya ito hindi dahil sa may nangyari sa amin, pero hindi mawala sa isipan ko na ang maliit na bagay na ito ay pwedeng lumaki kung hahayaan lang. Okay, let's just say I'll let him do whatever he wants tonight. I'll let him wait for me, I'll let him walk me home, I'll let him grab some dinner together... and then what? What's next? Alam natin na hindi lang don matatapos ang lahat. "Eve, let's just--" "Gusto mo ba ako, Eleazar?" Pagpuputol ko sa kanya. Nakita ko kung paano ito natigilan at nabato sa kanyang kinatatayuan. "Did you just call me Eleazar?" He said, almost squinting his eyes. "Sagutin mo na lang ako. Gusto mo ba ako?" Wika ko ulit, hindi na nagpapaligoy-ligoy pa. Nang ibuka niya ang kanyang mga mata, kaagad akong nagsalita para unahan ito. "Alam mo wag na, wag mo akong sagutin." Dahil baka kung ano pa ang sabihin niya at hindi ko ito matanggap. "Ayokong mag-assume ka nang dahil lang sa gabing 'yon. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na 'to. Just... just act casual like nothing happened. Mas gusto ko ng ganon." Mahabang paliwanag ko dahilan upang matahimik ito sa kanyang pwesto. "I'm sorry kasalanan ko 'to, hindi kita dapat hinayaang--" "No." He cut me off with a firm tone on his voice. "Don't be sorry, pareho nating ginusto 'yon," dagdag niya dahilan upang palihim akong napalunok. "You're right, I should keep everything casual." He said but I can sense bitterness in his voice. Binulsa niya ang magkabila niyang kamay atsaka pasimpleng umatras. Pinagmasdan ko itong lumalayo habang napapatango sa aking harapan. "I should probably leave, just call me if you need anything. Anything, Eveion." He uttered, at alam ko na kung ano ang pinupunto niya. If I'm in heat and in need of a man... he wants to be that man. Ganon mismo ang mensahang gusto niyang iparating sa akin. I nodded once and I saw him pressed his lips altogether before turning his back against me. Napabuga ako ng hangin at hindi maiwasang mapahawak ng mahigpit sa aking bag. This is better. This is indeed better. *Beep* Napatingin ako kalsada nang may biglang bumisinang kotse. "Eveion! There you are." "Dave?" Hindi makapaniwalang wika ko nang makita ko ito matpaos niyang ibaba ang bintana ng kanyang sasakyan. He gets out from the car and opened the passenger's seat for me. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang bulaklak at regalo sa loob. Oh... I totally forgot about this day... "Happy birthday, Eve," aniya atsaka ako ningitian. Dave took my bag and surprisingly, I let him. "Paano mo--" "The flower shop is close, so I went here. Luckily, you're here." He said before I could even ask. Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi atsaka ako pasimpleng pinapasok sa loob ng sasakyan matapos niyang ibigay ang bulaklak sa akin. "Shall we go? Nakapagpareserve na ako para sa atin." Masayang wika nito atsaka ako inalalayan na makapasok sa loob. Dave is extra gentle tonight. Halatang pinaghandaan niya ito dahil kapansin-pansin ang bagong gupit niyang buhok, suot nitong damit at sasakyan na kumikintab na sa sobrang linis. Hindi na ako nakapalag pa nang makapasok na ako sa loob. Dave immediately put seatbelt on me with a smile on his face. Mula kanina hanggang ngayon ay hindi ito nawawal sa kanyang labi. "How's your day? Tell me about it, makikinig ako," aniya atsaka nagsimula ng magdrive. Sa pag-alis nito, tinignan ko ang pwesto kung saan ko huling nakita si Elie pero wala na ito doon. He's already gone that fast. "Eve?" Mabilis ko itong nilingon dahil hindi ko man lang namalayan na natahimik pala ako. "Dave... bakit mo 'to ginagawa?" Parang wala ako sarili ko ngayon dahil sa nangyari kanina kasama si Elie. Talagang nakalimutan ko ang tungkol sa araw na 'to, tsaka hindi ko naman inaasahan na totohanin ni Dave ang sinabi niya sa akin noong huli itong bumisita sa apartment. "Dahil birthday mo, nakalimutan mo na ba?" "Paano si Candice?" Paano ang babaeng pinili mo kesa sa akin? Paano ang babaeng pinalit mo sa akin? I saw how Dave shifted his gaze from me towards the road. Binasa nito ang kanyang labi bago muling nagsalita. "Eve, you don't have to worry a thing. I'm doing this dahil gusto kong makabawi sa'yo. It's your birthday, Eve, I can't just let you celebrate this special day alone." "Pero paano nga si Candice, Dave?" "Eve, please." "Dave." "Okay. Okay, fine." Saktong naka red light kaya huminto ang sasakyan. He put this into neutral before completely facing me. He looks at me before heaving a heavy sighed. "I... I made a horrible mistake by choosing her over you, Eve. N-Narealize ko na sinayang ko ang relasyon nating dalawa dahil lang sa pansamantalang kaligayahan." I saw how devastated he looks right now while looking at me. "With her, I didn't feel the security that I felt with you. Iba siya at iba ka, at huli na nang mapagtanto kong mas masaya ako sa piling mo. Oo, ang laki kong g*go sa ginawa ko sa'yo, pero nagsisisi ako, Eve. Sising-sisi ako, maniwala ka sa'kin." Dave took both of my hands and squeezed it. His hands are cold, a sign that he's nervous. He's telling the truth. "I know this is not easy, pero gagawin ko ang lahat para matanggap mo ulit ako. But for now, can we just celebrate your birthday? Let's spend this night without thinking of someone else. This is your day, Eve, this is supposed to be all about you." Dave and his words. May epekto parin talaga siya. Ang ilang taon naming pagsasama at nakaukit parin sa puso ko. Dave is still here; he still has a spot in my heart. "Hindi mo ako kailangang sagutin ngayon. Let me just do this tonight, you deserve to have a happy birthday, Eveion." He guides my hand towards his mouth and kissed it. Hinalikan niya ang aking kamay atsaka ito muling pinisil. Dave didn't utter a word about Candice again after that. Tinotoo niya ang sinabi niya na icecelebrate namin ang birthday ko nang masaya and that this day will be just all about me. He didn't say they broke up. He didn't say they're over. Pero hindi ko rin sinabi na tatanggapin ko na siya. We just really spend this night as if nothing happened. Just Dave and I. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng cake, bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone dahilan upang palihim ko itong tinignan sa ilalim ng mesa. My heart skipped a beat when I saw where the new message came from. But what made me froze in my seat was that instead of a new text, I received a photo from him. Napasinghap ako at hindi maiwasang mapatayo sa aking kinatatayuan nang makita ko ang litrato. "Eve, what's wrong?" Buong pag-aalala na wika ni Dave sa akin. Natapon ko ang tinidor na ginamit ko dahilan upang tumawag kaagad siya ng waiter para dalhan ako ng bago. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa aking cellphone. "Eve?" "I'm sorry, I need to use the bathroom." Hindi ko na hinayaang magsalita pa si Dave atsaka ako tumakbo papuntang banyo. I locked myself inside a cubicle and stare at the photo he sent me. Ang nasa litrato ay ako at si Dave na kumakain sa loob ng restaurant. The photo was obviously taken outside the place. He's here, the unknown is here. Napaigtad ako nang bigla itong tumawag sa akin. Nanginginig parin ang mga kamay ko bago ito dahan-dahan na inilapit sa aking tainga matapos ko itong sagutin. I didn't say a single thing... I let him speak first. [Angel...] Awtomatiko kong naitakip ang aking bibig nang marinig ko ang boses niya. The robotic voice is over the line is evident. [I wasn't aware that there was a sudden change of plans... hmm?] "H-Hindi 'yon sa ganon." [Can't believe you're spending a dinner with our next victim] Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon kaya kaagad na pumasok sa aking isipan ang nangyari kina Lucia at Therese. "W-Wala akong sinabi na siya ang susunod. I didn't give you any names." [You know what? There's actually one thing I forgot to tell you, angel.] He uttered and my hands are starting to sweat. [I have the initiative to make things done. What I think it is 'needed' to be done.] "Stop." I said in a whisper. "Please, stop." [Ah... I see how it is... are you turning down our deal once again?] Biglang may natanggap na naman akong notification kaya napatingin ako sa screen ng aking cellphone. I received another picture from the unknown and this time, it shakes my whole well-being. "Y-You're getting it wrong. You're getting it wrong!" Hindi ko na maiwasang magpanic. Dahil ang litratong sinend nito ay si Dave na ngayon ay mag-isang nakaupo sa mesa namin kanina. And this time, the photo was taken inside the restaurant. [You sure?] "O-Oo, mali ang iniisip mo. I'm not taking down the deal, tuloy parin ang plano. Dave is still part of the plan; he's still part of it. Seryoso ako. Maniwala ka sa'kin." [Hmm, convince me more.] "I... I'm just doing this to make sure he'll get the equal pain I experienced from him." Napalunok ako sa sinabi ko at tuluyan nang pinagpapawisan dito sa loob ng cubicle, hindi lang ang kamay ko. "I swear... this is just all an act." Hindi kaagad ito nagsalita sa kabilang linya na tila ba pinag-iisipan pa kung maniniwala ba siya sa akin o hindi. This is bad. This is indeed bad. I realized that the unknown doesn't need my instructions to do something. Dahil kung sa tingin niya ay ito ang tamang gawin, gagawin niya talaga. Just like what he did to the two ladies. [An act... that's interesting. Does this mean you're just playing with him?] "G-Ganon na nga. Ganon na nga." [Okay, angel, I got your point. I won't bother your 'fake dinner' anymore. Seems like my knife will be kept inside my pocket tonight.] Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya lalo na't mahina itong tumawa sa kabilang linya pagkatapos. "Y-You have a knife?" [Yes, angel. I have it with me... you know, just in case I wanna have some fun.] Napapikit ako at hindi maiwasang mapalunok. "K-Kailangan ko nang umalis." [Okay.] "I-Ibababa ko na'to." [No. You're not allowed to.] Natigilan ulit ako. "B-Bakit?" [Keep the line on. I want to hear everything he's about to say. End it and I will end his life as well.] Diyos ko... "I... I won't." I said, in a whisper. [Good, now off you go, my angel. Come out, so I can see you.] Hindi ko na alam kung ilang ulit akong napapalunok. Kumuha pa ako ng sandamakmak na tissue para punasan ang namamawis kong mukha bago tuluyang lumabas ng banyo. I kept the line on as I put my phone inside my pocket. Nakita ko si Dave na ngayon ay kaagad akong nilapitan upang igiya sa aking upuan. He held my hand and waist which made me feel more uncomfortable. Because I know... a pair of eyes are just staring at me right now. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD