Elize's: POV Kanina pa ako tahimik habang nasa byahe kami. Ayaw ko naman talagang sumama sa pamilya niya dahil baka ma-out of place lang ako. Mas gusto ko kasama ang anak ko. Hindi pa ako nakatawag ulit kay Miko at baka naghihintay ’yon sa akin. Gusto kong magwala pero pinigilan ko. Alam kong may bahagi sa puso ko na gusto kong makasama si Carlo, pero mas matimbang sa akin ang anak ko. Nang malapit na kami sa Tubigan Falls, namangha ako sa ganda ng lugar. May mga magandang cottage sa gilid ng falls at may mga malaking villa naman sa taas na magkakapareho ang color. Sobrang linaw ng tubig at linis ng paligid. After naming bumaba, nakaharap ako sa falls katabi ni Zara. Naisip ko si Miko, siguro matutuwa ’yon pag nakagala. Mula noong lumaki siya, hindi pa kami nakagala na magkasama. Promise

