Carlo's :POV "Buti naman, Carlo, at naisipan mo na itong kaibigan mo ang kunin mong lawyer," wika ni Dad. Magkaharap kami dito sa sala habang naghihintay kay Elize. Plano kong gagawin siyang secretary ko habang nasa munisipyo kami para hindi siya pagala-gala sa labas kapag nasa opisina ako. "Timing rin kasing umuwi na siya Dad. dito sa atin kaya siya na lang ang kinuha ko para hindi ako malakihan sa bayad sa lawyer. Baka nga pwede pang libre na rin, 'di ba?" sabi ko kay Jake. "Swerte mo kung gano'n, daming pondo ng kaban-bayan, pwede mo ngang i-times two 'yong ibabayad mo sa akin," sagot ni Jake. "Anong tingin mo sa akin, buwaya?" 'Yan nga ang haharapin mong kaso ngayon dahil sa kumakalat na news online at worse, may mga nakaabang na media sa munisipyo ngayon para mag-interview regard

