Carlo’s :POV Matapos naming mag-dinner, ramdam ko pa rin ang init ng samahan sa buong lugar. Ang mga pinggan ay unti-unti nang nililigpit, pero ang ingay ng tawanan ay hindi pa rin humuhupa. May mga baso pang may lamang konting juice, may ilang plato na may natirang kanin at ulam mga patunay na busog kaming lahat. Ngunit higit pa sa busog, ramdam ko ang gaan ng pakiramdam, parang ang tagal ko nang hindi nakakaramdam ng ganitong klaseng kasiyahan. Si Mommy Sofia ang unang tumayo mula sa mesa. Hawak niya ang basang bimpo habang pinupunasan ang kamay niya, sabay sabing, “Ay naku, ang saya niyo. Parang mga bata.” Pero kahit sinasabi niya iyon, kitang-kita sa mukha niya na natutuwa rin siya. Si Tita Star naman ay sandalan ang upuan, hawak ang tiyan niya. “Busog na busog ako, pero handa pa ri

