Elize: POV
Napadilat ako sa aking mata. Bumungad sa akin ang sinag ng araw. Nag-iisa nalang ako. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng kirot sa aking katawan, particular sa pagitan ng aking hita. Naalala ko ang nangyari kagabi kaya napalingon ako sa aking gilid. Walang ng tao, at tanging isang ATM card na lang ang nakapatong sa unan at maliit na papel na may code nakasulat. Bumuntong hininga ako't dinampot iyon. Hinay-hinay akong tumayo at bumaba sa kama at nagbihis dahil nakahubad pa rin ako at tanging kumot lang ang tinabon sa akin. Walang hiya namang gung-gung na iyon. Ang sipag maghubad, hindi man lang marunong magbalik. Sayang, gwapo sana, wala lang manners, ang cold pa, akala mo sinong malaking t* ti . Napa-ngiti ako nang maisip ko siya. Para akong timang, ano kaya ang pangalan noon? Hindi man lang nagpakilala, diretso hubad lang talaga.
Hay, Elize, bitas na bakuna mo, hindi ka na makapunta ng langit, nitu wika ko sa aking isipan, at muling umupo sa kama at pinasok sa wallet ko ang ATM. Subukan ko ito paglabas namin at baka na-scam ako ng lalaking iyon. Grabe pa naman ang bakbakan namin kagabi ...
Bumukas ang pintu, at bumungad sa akin si Maria na may halong tingin ng pag-aalala at panunukso.
"Besh, hali ka't umuwi na tayo. Apartment na lang tayo mag-usap. Magsasara na itong bar ," seryosong sabi nito.
Ngumiti ako't hinay -hinay na bumaba sa kama..
" Ikaw lang yata ang wasak pero naka-ngiti pa, eh. Sarap mong piktusan. Dali, bilisan mo na at ako'y gutom na."
"Pwede bang dahan-dahan lang naman , Maria? Santi sima. Sakit, kaya kahit medyo maliit lang, iyong sa kanya, bitas pa rin," natatawa kong saad, dahilan para batukan niya ako.
" Jawa ka talaga, halika na nga, akoy natatakot ako sayo, eh. Pag nalaman ng papang mo. " Nangu -ngunsuming saad ng kaibigan ko.
Nang makalabas kami sa VIP room, sinalubong kami ng manager.
" Hija, pasensya na at pinilit kita kagabi . Takot lang ako sa pwedeng gawin noong customer na iyon. Isa sila sa makapangyarihang tao dito sa Bukidnon at may mga kapit sila sa gobyerno," malungkot na sabi ni ate Shyne.
" Okay lang po, ate. Nangyari na, eh . Hindi ko na mabawi, wasak na ," ngiti kong sagot. Ayaw ko nang pagsisihan pa ang nangyari basta mabawi ko lang ang lupa namin sa bangko.
"Sige," sabi niya. "Kanina, na, sa'yo na raw ang bayad niya. Mag-ingat kayo sa pag-uwi at huwag ka na munang pumasok. Isang linggo pa, huminga ka muna ," sabi ni ate Shyne.
Tumango na lamang ako at nagpaalam, umalis na. Tahimik lang kami ni Maria hanggang makararating kami sa apartment.
Naabutan namin si Joan na naghihiwa ng mga prutas para sa kanyang halo-halo.
"Oy , mga beshbol, late yata kayo ngayon! Anong ganap?" sabi ni Joan, sabay lingon sa amin.
" Tanungin mo yang si Elize. Akala ko pa naman ay lesbian talaga ito dahil sa astig ng tindig . Yawa, hindi ako makatulog kagabi sa pagpayag niya sa alok ni ate Shyne."
Natahimik ako at paika -ika na umupo sa upuan, kaharap silang dalawa.
" Bakit, ano bang nangyari? At bakit parang pagod na pagod tong mukha ni Elize?"
" Sino bang hindi mapagod? Inararo yan kagabi. Nakailang round kaya yan?"
" What? Anong ibig mong sabihin, inararo? You mean nagpa- kadiyot siya?" Beshbol, diba't sabi mo janetress lang trabaho mo doon, bakit naman ganun?"
" Hindi niyo kasi maintindihan dahil hindi niyo pa alam ang problema ko.Narinig ko ang usapan nina mama at papang kahapon, malapit nang ma-remata ang lupa namin sa bangko dahil nasangla ni papang yon noong nagka-sakit si mama at ginamit din pangbayad dito sa school ko. Kaya kailangan kong bumawi kaya ako pumayag kagabi dahil ito lang ang tanging paraan para masolve ang problema ko. Hindi naman nakakabawas ng pagka-tao ko ito, diba?" Hindi na importante sa akin kung virgin pa ako o hindi ..."
" Anong hindi ka bawasan, Elize! Iyan lang ang tanging maipagmamalaki natin sa magiging asawa natin na virgin tayo pag makasal na tayo, tapos sabihin mong hindi ka bawasan ," gigil na sabi ni Maria.
" Wala naman din akong plano mag-asawa, eh. Ang mahalaga sa akin ngayon, mabawi ko yung lupa namin," sabi ko sabay kagat ng hotdog na nasa mesa.
" So magkano pala ang tubusin mong lupa? Magkasya ba yang binayad sa'yo?" nanindig balahibo ko sayo sabi ni Maria sa akin..
"Inis pa rin sa Maria. Sa aming tatlo, siya ang seryoso at maka-Diyos, kami ni Joan ang pasaway."
" One million, tapos dalawang buwan na palugit ," sabi ko.
"What? Ganun kalaki ? Seryoso ka pala . Kahapon, manghihiram kang one million. Eh, magkano naman binayad sa'yo ng tumangay sa pagka-berhen mo?" sabi ni Joan.
" Ito, nag-iwan ng ATM. Nag-inquire ako kanina sa labas ng bar , may laman 1.1 million ," sabi ko sabay lapag ng ATM sa mesa.
" So solved na ang problema mo niyan? Pero mali pa rin yan, Elize. Matagal na akong nagtatrabaho sa bar na ' yon, ni minsan hindi ako nagpadala sa mga alok nila. Dahil alam kong malaking kasalanan sa Panginoon yan ," muling pangaral ni Maria kaya napayuko na lamang ako. Kaya pala hindi siya umimik sa akin kanina sa biyahe dahil galit siya sa pagpayag ko.
" Maria naman , eh. Tapos na , hindi na ma-bawi. So ano, Elize, masarap ba pumuntang langit? Masakit ba? Matigas?" sunod-sunod na tanong ni Joan.
"Maliit lang daw extra small iyong pag-uubo, ka lilipad lang si Maria na ang sumagot, kaya kahit ng hihina ako ay napatawa na rin . At nagtawanan kaming tatlo.
Hahahaha... Grabe ka naman sa extra small, besh! Ano 'yon, parang toothpick? Nasa medium pa siguro 'yon dahil nasaktan pa rin naman ako. Hindi ko nga lang na sukat dahil parang maldito eh, hindi ko ma-basa ang ugali, pero 'in-fairness' gwapo siya. Ngumiti siya ng isang beses, ang cute ng ngiti niya, parang nalaglag ang puso ko...
Buti at hindi panty mo nalaglag, sabi ni Joan...
Ayan ka na naman, Joan, magsalita na hindi na isip. Paano pa malalaglag ang panty niya , e hinubad na 'yon bago sila nagngitian. Utas ako sa inyo, ako na tatapos. Ginawa mo , bilhan mo ng gamot 'yan sa pharmacy . Ayan na simula nang namula ang mata , may lagnat na 'yan, sabi ni Maria at lumapit ito kay Joan...
" Huh, bakit may lagnat? May bali ba? Binali -an ba siya?" naguguluhang sabi ni Joan at lumapit ito sa akin, sabay salat sa aking leeg...
"Ah, oo nga, mainit siya. May bali ka ba, besh?"
Joan naman , eh ... Yan ang napala mo, bakit accounting ang kinuha mong course? Hindi mo tuloy alam bakit may lagnat 'yan. Umalis kana nga lang, na-stress na ako sa inyong dalawa, eh!" pangungunsumi ni Maria...
Lumipas ang maghapon at matiyaga akong inalagaan ng mga kaibigan ko hanggang sa dumating ang araw ng bar exam. Naging successful at matapos na rin kami. Wala na akong ibang iisipin...
" Good luck sa atin, guys! Sana makapasa tayo para makapagtrabaho na tayo ," sabi ni Maria...
" Yeah, hoping and praying for that!" sabi ko...
" So anong plano niyo ngayon? Uuwi ba kayo ng province?" sagot ni Joan na busy sa kakakain ng chicharrón ...
" Ako, next week ako uuwi. How about you, Elize?"
" I don 't know! Pero I'm planning na mag-apply muna sa mga private hospitals or sa mga laboratories habang hinihintay natin ang results..
"Kung ganun , dito na lang din muna ako, sayang din ang benta ng halo -halo ko . Wala nang klase, baka makapag- ipon na ako pang bili ng sampong panty," natatawang sabat ni Joan...
" Bunga-nga mo talaga, Joan," saway ni Maria, dahil nagtawanan ang mga apat na kalalakihan na nasa kabilang mesa. Nandito kasi kami ngayon sa isang karenderia malapit sa school.
Nagtawanan kami nang bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Mama na nakatatak sa screen. Tumayo ako at agad sinagot iyon...
" Hello, Mama! Kumusta po?"
" Elize, papang mo ito, kumusta ang exam mo, tapos na ba?"
" Oo, Papa, kaka-tapos lang po. Pauwi na rin kami ng mga kaibigan ko, kumain pa po kami..."
" Good ! At dahil tapos na sa pag-aaral mo, umuwi ka na dito sa province at may ipapagawa ako sa'yo," kalmadong at malamig na wika ni papang sa kabilang linya...
"Kailan po , pang?"
"Plano ko po kasi mag-apply muna ng trabaho dito..."
" Bukas na bukas din, Elize . Wala sa usapan natin na magtrabaho ka diyan. Maghanda ka na sa .ga gamit mo. Tawagan mo na lang kami pag nakabiyahe ka na ..."
"Sige po , pang, uuwi po ako," sabi ko. Naputol ang tawag namin ni papang, kaya bumalik ako sa mesa at bumuntong-hininga...
" Hoy, may problema ba? Bakit para kang natalo sa luto?"
" Pina - uwi ako ni papang bukas," malungkot kong tugon...
"Eh, bakit ka malungkot? Ayaw mo nyan makikita muna pamilya mo?" sagot ni Maria.
" Ma-miss ko kasi kayo, eh ... "
" Simple problem, Elize . Sasama muna kami sa'yo bago kami umuwi sa amin . Gusto ko rin magbakasyon, hindi pa ako nakapunta sa iyo, kaya excited ako."
" Oo nga, Elize, ako din excited ," sagot ni Joan..
Natuwa ako sa narinig ko , kaya agad kong dinial ang number ni Chito , ang ka babata kong mukhang si Hulk sa laki ng katawan...
" Hello, my bebe loves! Napa- tawag ka, na-miss mo ako?" natatawang bungad nito sa akin...
"Luka! Uuwi ako bukas . May hihingin sana akong pabor sa'yo. Pwede mo bang kunin ng patago ang Ang ID ni papang at zerox copy ng titulo ng lupa namin at dalhin mo sa bayan? Magkikita tayo bukas. Alam mo naman ang lagayan ni Mama sa mga papeles, di ba? At huwag na huwag kang magpahuli kay papang. Hintayin mong makapunta sila sa kapehan bago mo kunin.. ."
" Copy, boss, pero may bayad 'to, ha! Halikan mo ako sa wetpu ko." natatawang saad nito.
" Jawa ka talaga. Sige na, 'yon lang pakay ko, baboss," sabi ko sabay patay sa tawag...