ELIZE: POV “Wag malikot!” sigaw ng lalaki habang mahigpit na itinatali ang panyo sa mga mata namin ni Carlo. Hindi ako makagawa ng kahit anong aksyon nakagapos ang mga kamay namin. Alam kong kapag pinilit kong lumaban, isang maling galaw lang ay puwedeng ikapahamak ng buhay naming dalawa. Kitang-kita ko, kahit hindi ko man sila tanaw, ang bigat ng mga baril na hawak nila. Hindi nagtagal, huminto ang sasakyan. Marahas nilang hinawakan ang mga braso namin at halos kaladkarin kaming pababa. “Pakawalan n’yo na kami! Ano bang kailangan n’yo? Kung pera bibigay ako!” rinig kong sigaw ni Carlo, puno ng desperasyon. “Hahaha! Ang yaman mo pala, Mayor?” sarkastikong sagot ng isa. “Syempre, pera ang kailangan namin… pero hindi lang ‘yon. May ibang gusto ang bossing namin. Hintayin mo siya—siya a

