Carko': POV Halos hindi ako mapakali buong maghapon. Paulit-ulit kong sinusuri ang oras sa cellphone ko habang halos mapudpud na ang mga daliri ko sa kakatawag kay Elize. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako tuwing umuuwi siya sa kanila. Parang may parte sa akin na laging nag-aalala, laging nagbibilang ng oras na wala siya sa tabi ko. Hindi na talaga kita papayagang umuwi sa inyo nang hindi ako kasama, Elize, bulong ko sa sarili ko habang mariing pinipigilan ang buntong-hininga. Bukas, January 27, balik-duty na ako sa City Hall. Pinabayaan kong mag-leave si Elize hanggang Bagong taon para makabawi siya sa anak niya. Naiintindihan ko iyon, at sinusuportahan ko pa nga. Pero parang nasobrahan yata. Pakiramdam ko, unti-unti akong nauubusan ng espasyo sa oras niya. Isang daang missed

