Elize’s POV Nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni Mama. “Mama, sabihin mo kung ano ang nangyari kay Miko! Magsalita po kayo!” “Anak, nasa Mabini District Hospital kami ngayon. Ilang araw nang may lagnat si Miko. Kaninang umaga, suka siya nang suka kaya dinala namin agad dito. Anak, umuwi ka muna… kailangan natin ng pera. Sabi ng doctor, may dengue si Miko at kailangan niyang maabunuhan ng dugo.” Mahaba at mabigat ang paliwanag ni Mama. Napaupo ako sa gilid ng plant box sa labas. Hindi ko ma-proseso ang lahat ng sinabi niya. “Elize, narinig mo ba ako, anak?” “Yes, Mama… uuwi po ako diyan. Huwag n’yo pong pabayaan si Miko. Hahanap po ako ng pera.” Basag ang boses ko. “Sige, nak. Mag-ingat ka. Si Chito naghahanap na ng parehong blood type para kay Miko. ‘Yun na lang problema natin ngayon

