3RD :PERSON POV “Magandang hapon po, parcel po, ma’am,” sabi ng lalaking kakababa lang ng motor habang hawak ang isang maliit na kahon. Napalingon si Elize kay Chito. “Parcel daw. May order ka ba?” Umiling si Chito. “Wala. Baka sa mama mo.” Tumayo si Elize at nilapitan ang rider. “Ito po, ma’am,” sabi ng lalaki habang inaabot ang kahon. “Picture lang po ako sandali.” Hindi pa man nakakasagot si Elize ay kinuhaan na siya ng litrato. “Hoy, mali ’yan,” reklamo ni Chito. “Kung magpi-picture ka, yung parcel lang hindi kasama ang may-ari.” “Pasensya na po, sir. Baguhan pa lang po akong rider,” mabilis na paliwanag ng lalaki, habang nakaharap pa rin ang cellphone nito kina Elize at Chito. “O siya, makakaalis ka na,” malamig na sabi ni Chito bago inakbayan si Elize pabalik sa kanilang in

