Chapter (37) Bagyo

1603 Words

Elize's:POV Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko kinabukasan, napansin ko agad ang kakaibang liwanag na pumapasok sa kwarto yong kulay-abo na parang may nakadagan na alalahanin sa paligid. Hindi pa man sumisikat nang husto ang araw, ramdam ko na ang bigat ng hangin. Tahimik ang buong bahay, pero hindi iyon ang tahimik na nakasanayan ko. Iba. Parang naghihintay sa isang bagay na paparating. Pagbaba ko ng hagdan, agad kong narinig ang lagitik ng mga lubid sa labas, at nang sumilip ako sa bentana, nakita ko si Papang na abalang-abala. Pinapawisan siya kahit malamig ang simoy ng umaga. “Pang?” tawag ko, medyo paos pa dahil bagong gising. Hindi siya agad lumingon. Hawak niya ang isang makapal na lubid at hinihila iyon pataas sa bubong. Kitang-kita ko kung paano kumikintab ang mga braso niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD